Tuesday, September 08, 2009

guitar-heavy music

Meron pa kayang makukuhang plaka or CD ng STYX-The Grand Illusion. Medyo matagal na rin kasi ang album na ito (late 70's?). Bigla ko kasing naalala ang nasabing album nung mapadaan ako dun sa dati kong tropa. Ito kasi ang madalas naming patugtugin nung araw. Meron siyang CD nito na madalas naming patugtugin dun sa mini component niya. Hanep kapag pumasok na yung kantang "Come Sail Away", headbangan na kami ng headbangan. Hindi bale, marami na rin naman ngayon ang nagbebenta on line ng mga napagsawaan nilang mga plaka at cd, sana palarin akong makaharbat nito. Kasi pag hindi, malamang na toreten ko na naman ito..opps sorry po.

0 comments: