Monday, September 07, 2009

?

Susana bagets ano kaya ang puedeng gawin today?. Nasanay na kasi akong umaalis kapag lunes, pero ngayon ay parang biglang nagbago ang ikot ng mundo ko. Kung sisimulan ko namang kalawkawin yung gitara ko ay malamang na maubos na ang buong maghapon ko. Linisin ko na lang kaya ang computer at music room ko. Kaya lang kapag naman naglilinis ako ng music room at nagsalpak ng plaka ay nagtritrip ako dun sa cover ng plaka. Wala rin akong magagawa kapag nagbasa na ako ng cover nung plaka. Manood na lang kaya ako ng news sa black and white radiowealth tv ko, ay wag na lang pare pareho lang naman ang balita, puro patayan at kurapsyon. Ah alam ko na ang mabuting gawin. Mag-iihaw ako ng liempo na ipahihiwa ko ng manipis na manipis parang bacon. Pagka-ihaw ay magbubukas na lang ako ng malamig na serbesa. Tama, pero mamayang kaunti pa iyon, maaga pa, dyahi sa mga neighbor ko na sensitive.

0 comments: