Saturday, September 09, 2006

little red rooster

wah ang daming na postpone na kulay red sa kalendaryo ko, kala ko pa naman pula na naman ang hasang ko dahil maraming happening yun pala hindi tuloy yung iba kasi ang alibi nila mahirap daw ang buhay ngayon kaya postpone muna kami until further notice. Sabagay talaga namang mahirap ang buhay ngayon, napuna ko rin yan, kasi kahit ang mga producers ng mga pelikula ay nagtitipid na rin, tignan nyo yung pelikulang batman, inalis na si robin para isa na lang ang babayaran nilang bida, samantalang yung kapapalabas pa lang na superman ay tinipid naman yung damit ni clark kent, tignan nyo pag nakabihis superman siya halatang halata yung bukol sa harapan niya kasi masikip yung suot niyang damit, isang pang problema ni superman ngayon ay kapag kailangan na siya ng mga taong nagigipit ay nahihirapan siyang magpalit ng damit kasi wala na siyang makitang phone booth dahil karamihan ang ginagamit ngayon ay cellphone na. Yung nag iisang phone booth naman na malapit sa daily planet ay naiskwatan na ng isang pinoy tnt at nagtitinda siya ngayon dun ng tingi tinging yosi, stork, bandera, titktik at iba pang pinoy stuff.

0 comments: