Saturday, September 16, 2006

monkey see monkey do

Bakit kaya hindi maalis sa isang lugar yung mga asshole na neighbor, kaya pala sabi na lola ko nung araw, mapipili mo kung saan mo gustong tumira o manirahan pero hindi mo mapipili ang magiging kapit-bahay mo. Ngayon parang naniniwala na ako sa lola ko, kasi mayroon akong kapit-bahay dito sa isknita namin na talaga namang ass hole as in asshole, hindi ko malaman kung inggit yung namumutawi sa kanila o tipikal na ugali lang nila yung manirya ng ibang tao na mas maganda ang buhay kesa sa kanila (sa pakiwari ko lang). Napuna ko kasi kapag may bago sa bahay, kinabukasan pag uwi nila ay may dala rin silang katulad nung sa bahay. Nung minsan naman ay inilabas ko yung laruan ng mga bata, maya maya ay inilabas din nila yung laruan ng mga bata nila. Tapos kapag nagbukas ako ng transistor, sasabayan din nila ng bukas ng cassette at ipaglalakasan pa. Kaya nga naisip ko, iuwi ko kaya yung natitirang bangkay ng lola ko, baka kasi gayahin din nila at kunin din nila sa probinsya yung bangkay ng lola nila. Ayoko namang mag isip na ang ugali nila ay dahil na rin sa probinsya nilang pinanggalingan, kasi may kasabihan tayo na kapag ganito ang probinsya mo ay ganito ang ugali mo. Hindi ako naniniwala sa ganoon dahil may kanya kanya tayong katauhan. Pero minsan ay naobserbahan ko yan dahil may "opusmeyt" akong kapareho ng probinsya nitong sinasabi kong kapit-bahay, para ding unggoy, kapag may bagong nakita sayo, tatanungin agad kung magkano ang bili mo at sasabihing baka bumili rin siya nito. May batas pa naman ako sa sarili ko na huwag mo kong pakialaman dahil wala rin akong pakialam sa iyo, para tahimik ang mga buhay natin pero itong asshole, susana bagets, fuckin' A na gayagayang unggoy ay ayaw tumigil BUSETTT hindoropot mga hindoropot kayo mga asshole, enday pakiabot nga yung micardis ko at aspilet pahenge ng tobeg...glug glug glug ay salamat at bumaba na naman ang presyon ko...mga BUSETTT hindoropot kainin sana kayo ng lupa at isuka kayo sa Krakatoa. Endayyyyyyy akin na nga uli yung micardis ko lahatin mo na at pakiabot na rin yung valium 10 ko at tobeg pa...glug glug glug...uh where am i? bakit parang pumuti lahat ng paligid ko, si bin laden ba yung natatanaw ko? bakit may hawak siyang manok ay hindi armalite, si gary ba yung nakabihis babae na parang bulldog, si algene ba yung nakita kong hinahabol si road runner. Bakit ang laki nitong restaurant at ano ang ginagawa dito ni taruc kanya ba to? Nanalong president si bagong sa republic of yemen at si ipe ang vice president? Si Jun D. ba yung nakita ko sa banyo na sumisinghot ng Pepsi? di ba coke lang ang sinisinghot? Parang kamukha ko yung pinagkaka-guluhan na nakahiga sa iskinita namin, bakit si brownie ay kulay puti na din?...(enter soundtract here) There is no pain, you are receding, A distant ships smoke on the horizon, You are only coming through in waves, Your lips move but I cant hear what youre sayin, When I was a child I had a fever, My hands felt just like two balloons, Now I got that feeling once again, I cant explain, you would not understand, This is not how I am, I have become comfortably numb... Is there anybody out there? mommy si jun inagaw na naman yung armalite kong kahoy at yoyo...Canned laughter then filled the air.

0 comments: