Nasubukan nyo na bang makipagtransaksyon sa mga ahensya ng gobyerno. Ako ang una kong ginagawa kapag may transaksyon ako sa mga taong gobyerno ay tinatanong ko muna ang kanilang sistema at mga prosedyur na dapat sundin, kasi kapag medyo nakiliti mo ang ego ng mga yan malamang ay wala kang matapos na transaksyon sa kanila. Naranasan ko na naman ang ganitong sitwasyon nung minsang may aayusin akong mga papeles. Binigyan ako ng isang empleyado ng mga requirement o mga kakailanganin bago umandar ang papeles ko. Sa madaling sabi ay kimumpleto ko ito at nung nagkaroon ako ng pagkakataon ay idinaan ko na sa kanila ang mga hinihingi nilang requirements. Alam mo ba naman ang sabi nung isang babae na nakatalaga para tanggapin ang mga papeles ko? kulang pa raw ito. Papaano magiging kulang yan ganung sinunod ko naman lahat ang mga hinihingi ninyo ang tanong ko. Kesyo ang kailangan daw nila ay tatlong klase ng mga papeles at hindi dalawa. Pero ang nakalagay po sa form ninyo ay dalawa lang ang kailangan ninyo. Marunong ka pa, eh ako mismo ang nagtratrabaho dito. OO nga po, pero kayo rin mismo ang nagbigay sa akin ng mga requirements na yan at nilinaw nyo pa na dalawang papeles lang ang kailangan ninyo. NEXT ang sunod na banggit nung taran.. gag. anak ng put. na babae, sabay tayo at tinalikuran ako. Ganito pa rin ba ang sistema sa gobyerno, hindi ba puedeng buksan nila ang kanilang isipan at huwag sanang maging pipit puso kapag nagpapaliwanag ang mga taong naglalakad ng papeles sa kanila. Hindi naman siguro masamang mangatuwiran lalo na't ang sinasabi mo sa kanila ay yun din namang iniutos nila na kumpletuhin mong mga kakailanganin. Hindi po natin kinokontra ang kanilang posisyon, pero sana ipaliwanag nyo naman sa mga tao ng maayos at hindi yung basta na lang nyo kami tatalikuran, dahil baka balang araw yung mga maliliit na tao na basta na lang ninyo tinalikuran ay maging isang sikat na boksingero at kapag nagkaroon ng victory parade sa lugar ninyo na kasama ang mayor nyo, malamang niyan ay maibulong ka kay mayor at maalis ka pa sa trabaho mo. Amen
Tuesday, November 28, 2006
all i want for christmas is my two front teeth (incisors)
Nabawasan na naman ng kaunti ang gandang lalaki ko. Kasi ba naman dumalaw ako sa dentista para sa regular na cleaning at itanong kung bakit nangingilo yung lower molar teeth ko, ito yung nasa dulong ibaba na kung tawagin minsan ay wisdom teeth. Ang naging findings ba naman ng denstista ko ay dapat na raw bunutin kasi sira na at hindi na kakayanin ng pasta lang. Biglang nanlaki ang mga mata at nagtayuan ang balahibo ko ala bugs bunny nung makita si coyote. Kasi kakabitan na naman tiyak ako nito ng straight jacket at sasaksakan ng pinakamalakas na anesthesia para makatulog ng sampung araw para hindi ko maramdaman na bubunutin na ang teeth #38 ko. Bakit nga ba ganun na lang ang takot natin kapag sinabing bubunutan tayo ng ngipin. Ganung mas magiging maginhawa naman ang pakiramdam natin kapag naalis na ang sumasakit na ngipin natin. Hindi kasi tayo nasanay na laging nagpupunta sa mga dentista kaya kapag iniupo ka na sa operating table nila, kumakalabog na agad ang dibdib natin sa takot. Kaya nga nung araw mas gusto ko pang makipagbasagan ng mukha sa kalsada kapag masakit ang ngipin ko, kasi pagkatapos ng rumble, iluluwa mo na lang ang masakit na ngipin mo at may kasama pang dalawang sobrang ngipin. Anyway bago pa man ako tuluyan na mawalan ng malay sa loob ng klinik ay ipinaliwanag ng dentista ko na "in" ngayon ang mga walang ipin at binanggit pa niya si Efren "bata" Reyes at si Ronato Alcano, mga batikan sa larangan ng bilyar, si Rene Requestas isang aktor, at si Dracula. Kaya napapayag na rin niya ako na bunutin na ang molar teeth ko at tinanong pa nga ako ng dentista kung ano raw ang huling kahilingan ko. Huling kahilingan, why? Ang sagot ko ay bigyan niya ako ng diaper at malamang na maihi na naman ako sa salawal nito at isang bagong tisa na kulay blue dahil may tako na naman ako sa bahay.
Sunday, November 26, 2006
our troubles will be miles away
Naging abala ang mga tao sa iskinita kanina dahil napagkasunduan na magkabit na ng mga kumukutititap na ilaw sa gitna ng kalsada namin. Sabagay taon taon naman ay ginagawa namin ito para bigyan ng kasiyahan ang mga bata at para ipaalala sa kanila na malapit na ang kapaskuhan. Dahil dito ay naisipan ko tuloy magpatugtog ng mga pamaskong awitin at hindi nakawala sa akin ang mga lyrics ng kantang "Have yourself a merry little Christmas". Ang nagpalabas ng luha sa mata ko ay nung marinig ko yung ikatlong talata nung lyrics-Here we are as in olden days, happy golden days of yore. Faithful friends who are dear to us, gather near to us once more. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang mga pangalang coyote, jun d, jun t. bulldog, chikong at sny. Naalala ko din ang mga pangalang joey na nasa hongkong, fred ang karaniwang tao na naglalagi ngayon sa italy, si heidi na panay ang padala ng FWD messages, si kaki domer, si willy ng bangkal, si pareng kris at boyet ng novalichez, si pareng delio at ang six one group (anim na beer at isang ginebra) ng kankaloo. Nagiging masaya kasi ang ganitong okasyon lalo na at kasama mo ang malalapit mong kaibigan at kapamilya. Sabi nga ng mga ankol ko nung araw, ang masaya naman sa harapan ay hindi kung gaano kadami ang iniinom ninyong alak kungdi ang malakas na halakhakan ng mga malalapit mong kaibigan at kapamilya na nagpapaalis ng iyong kalungkutan. Tagay mo na yan kanina pa naisalin yan at natapos ko na ang blog entry ko hanggang ngayon hindi mo pa rin iniikot ang baso. Game.
Friday, November 24, 2006
we wish you a merry.....PATATAWARIN
Medyo halata na ang kahirapan ng buhay sa pinas o mukhang nagbabago lang ang pananaw ng mga noypi sa pagsalubong sa darating na kapaskuhan. Nung dati kasi kapag natapos na ang todos los santos o yung araw ng kaluluwa, halos isang linggo lang ang pagitan mapupuna mo na sa mga kabahayan ang katakot takot na palamuti at christmas lights. Pero ngayon halos isang buwan na lang at pasko na, wala ka pa ring makitang kumukutikutitap sa mga kabahayan. Kasalanan na naman kaya ito ng gobyerno o ng meralco. Kasi kung bibigyan siguro ng trabaho ang mga noypi at ibababa ang singil sa koryente, di may dahilan sana ang mga noypi na magsaya at magkabit ng mga mas-mas lights sa kanilang mga kabahayan. Kaya lang paano ka nga magsasaya kung tuwing makikita mo ang mga senyales ng kapaskuhan ay kasabay mong maiisip na wala ka palang kabuhayan. Sabagay hindi naman ang kumukutikutitap ang mahalaga kapag kapaskuhan dahil ang talaga namang ipinagdiriwang natin sa araw na ito ay ang kapanganakan ni bosing Jessie at siempre pa kapag may birthday at kahit sino pa man ang may birthday, siguradong hindi mawawala ang inuman at kasiyahan. Kaya kalimutan mo na ang mas-mas lights at kalungkutan, ilabas mo na jan yung tira nyong hamon, morkon, mitchado, keso de bola, kastanyas, ubas at lahat ng alak na puede nating laklakin. Pakisara lang ang pinto para hindi tayo makita ng mga inaanak natin, please.
Tuesday, November 21, 2006
knocks me off my feet
knock knock
who's there?
banyo
banyo who?
tununununung dong dong tununununong dong dong dong...ladies and gentlemen...banyo-hay
ang nanay niya'y naglalaba ang tatay niya'y pagod, galing sa trabaho wala pang tulog...
who's there?
banyo
banyo who?
tununununung dong dong tununununong dong dong dong...ladies and gentlemen...banyo-hay
ang nanay niya'y naglalaba ang tatay niya'y pagod, galing sa trabaho wala pang tulog...
i wanna rock
Alam nyo ba ang masarap kapag lagpas ka na sa tinatawag na japorms era? nawawala na ang inhibitions at insecurities mo. Tapos napaghihiwalay mo na ang puti sa de kolor...teka teka mukhang napalaot yata tayo bigla. Whatamean is kapag nalampasan mo na yung porma or yabang years, nagiging seryoso ka na sa mga gusto mong gawin. Katulad na lang ng paggigitara, sino ba naman sa atin ang ayaw matuto nito lalo na noong kasibulan natin. Sabi nga nung kakilala kong musikero, kung hindi mo rin lang sila makuha sa gandang lalaki, daanin mo sa rocknroll. Kaya lahat kami noon ay nagpabili ng gitara sa mga ermat namin. Mommy yung sa akin ay acoustic na gibson na may pick up ha, wag kang babalik mamaya galing sa opis kung wala kang dala please. Tapos pagdating ng yukulele mo, heto na ang problema, paano ba gamitin ito? ano nga ba ang tipa nung dick and jane? hanggang sa mawalan ka na ng gana at itatago mo na lang ang instrumento mo sa baol. Then after so many years, isa ka nang miembro ng eight to five people at ang kuwentuhan na ninyo ng mga "opusmeyt" mo ay about politics, bonuses, family matters at sino ang kinantut nino at sino ang nagpabiyak kay kanino. Kaya bigla mo na namang naisipan na balikan ang dati mong loves-ang pagtugtog ng harp...i mean ng gitara. Pero ngayon seryoso ka na at hindi na papogi points ang gusto mo. Tapos nadiskubre mo na madali lang palang tumugtog lalo na't kabisote ka sa tipa. Pag minsan naman at off si enday, isasara mo ang pinto at bintana ng bahay nyo dahil mag-isa ka lang at huhubarin mo lahat ang suot mo at tapos ay kukunin mo ang walis tambo sa gilid ng ref nyo at sabay hahataw sa ibabaw ng sofa ng smoke on the water, ikaw na ang lead guitar ikaw pa ang bahista. Ang sarap ng feeling di ba, yung bang hindi mo nagawa nung araw ay pilit mong ibinabalik kahit medyo corporate haircut na ang buhok mo. Kaya lang huwag mo lang hahalukayin yung baol mo para hanapin yung mga dati mong bomba komiks na napaglumaan ng erpats mo dahil baka masira ang rock and roll spirit mo at kung saan ka na naman makarating bastos. Pakisara nga ang banyo Ofrah.
she dont lie she dont lie she dont lie...
May nag PM sa akin na chicks dahil nakita nya raw ang blog at ang picture ko sa blog. Gusto niyang makipagkita sa akin. Siempre pa me bahid ako ng sixties attitude kaya hindi agad ako pumayag sa gusto niya kahit tigas na tigas na ang birdie ko at halos hindi makatulog sa kaiisip kung ano ang gagawin ko sa kanya kapag sumama siya sa akin sa bahay toro. Anyway after some prodding, I finally gave in to her request. So nag meet kami secretly in a far away place and away from the madding crowd of ordinary "peeps". Nung makita ko yung chiching isa lang ang nasabi ko-RocknRoll tapos siempre pa we have some intimate talks about the birds and the bees and the in betweens. Kaya lang nawalan ako ng gana sa kanya kasi kaya pala gusto nya lang akong makita ay dahil gusto nya raw malaman kung ano yung hawak kong maliit na plastic dun sa picture na nakalagay sa blog ko. Hoy ineng, for your information, hinde maliit na sach....este plastic yun kundi tiket yun ng bus na hindi ko pa naitatapon dahil nga nagpiktyuran na kami busetttt hindoropot. Idadamay pa ko nitong bruhang ito, ano ka ba pawala ng government? umurong tuloy ang birdie ko at parang bulang naglaho ang elbog ko sa kumag na to, ciao.
clones
Bakit kaya ang mga pinoy mahilig manggaya? katulad na lang sa negosyo, nung mauso ang shawarma, halos lahat ng kanto ay may negosyong shawarma. Kaya kapag sumakay ka sa jeep nung panahon na yun amoy shawarma lahat ang dighay ng mga pasahero. Yung ding lechong manok nung mauso, pati dun sa iskinita namin ay umuusok dahil may nagtinda din ng lechon manok. Pero matagal na talaga tayong nanggagaya. Kung nakakapanood kayo ng mga lumang pelikulang pinoy mapupuna nyo yung mga suot at buhok nila Pepito Rodriguez at Lou Salvador Jr., gayang gaya nila yung mga artista sa tate. Kanina nga napunta ako sa Leon Guinto dahil may hinahanap akong isang establisyemento doon eh hindi ko makita, ang ginawa ko ay nagtanong ako sa kapitana nila ng baranggay. Ang problema mukhang malabo yata ang mata nung kapitana, imbes na sagutin ba naman ako kung saang lugar yung hinahanap ko. Ang sabi ba naman sa akin ay hindi daw ako bagay sa trabaho ko at mas bagay daw ako kung mag aartista. Sigawan ko nga ng pagkalakaslakas at ang sabi ko sa kanya ay ayokong maging artista dahil mas gusto kong maging boksingero.
nothing's gonna change my world
Putcha bigla akong kinabahan kanina, kasi ba naman may nararamdaman akong masakit sa likod ng batok ko kahapon pa. Sinubok ko tuloy isa isahin yung mga sintomas kung ako ay may "mild stroke". Nanduong isubo ko yung chicharong bulaklak para malaman ko kung hindi pa nangingiwi yung mukha ko at maayos pa akong nakakakagat. Tapos inistreyt ko yung malamig na serbesa para malaman ko kung lalakas ang tibok ng puso ko. Kumutsara rin ako ng kaunting sisig para malaman ko kung magrereact ang mga pisngi ko. May piniga pa nga akong kahel para matiyak na naigagalaw ko pa ang aking mga kamay at siempre ang last na pagsubok ay nung patigasin ko ang titi ko. Doon ko nalaman na false alarm pala yung nararamdaman kong masakit sa likod ng batok ko. Pero para na rin mawala ang pag-aalala ko, nagpunta ako sa doktor namin at nagpa BP. Ayos 130 over 90. Ang sabi nga nung medical assitant sa akin ay kapag hindi pa naman daw ako nakakaramdam ng pagkahilo ay hindi pa naman ako highblood at isa lang ang paki-usap nung medical assitant na seksi, pakibitawan ko na raw ang hawak ko sa kamay niya at tapos na raw kasi akong makuhanan ng BP. Lesbian, para hinawakan ko lang naman ang kamay niya dahil kabado ako kapag kinukuhanan ng BP. Beer Pa!
Sunday, November 19, 2006
the neighborhood
Malapit na talaga ang pasko, kasi yung neighbor kong asshole na hindi ako binabati ng labing isang buwan ay ngumingiti na uli sa akin. Kaya bilang ganti ay ngingitian ko din siya pero sa isip ko ay sinasabihan ko siya ng asshole at fuck you. Ang nakakatuwa pa kapag papalapit na ang pasko ay naididispose mo ang mga luma mong gamit at palalabasin mo na may garage sale ka. Katulad na lang ng ginawa namin ng tropa kong si coyote, lahat nung mga laruan, lumang damit, mamahaling alahas, billiard table, dining set, kotse, patay na daga, bulok na isda at lahat ng puedeng ibenta ay inilagay namin sa harap ng bahay nila at naggarage sale kami. Kasi may mga gamit tayo na maaaring hindi na natin gusto pero puede pa namang pakinabangan ng iba. Ika nga sa ingles "what you reap is what you sow", tama ba yun enday? Anyway, back to my neighbor, asshole talaga yun as in asshole, fuckin A. Endayyy akina nga yung micardis at aspilet ko jan, samahan mo ng tubig at chocnut.
Friday, November 17, 2006
Tell me lies later
Nakakatuwa talaga ang ugali ng pinoy. May kilala kasi ako na nagpunta ng US embassy sa pinas para magpa interview at baka mabigyan ng visa papuntang tate. Heto ang kuwento niya sa akin. Nang dumating daw siya sa embassy ay marami ng nakapila, dahil alas diyes pa naman ng umaga ang interview niya ay nagkaroon pa raw siya ng oras para makipachikahan sa ibang mga nag aaply ng visa. Nung siya na ang tinawag nung blond na kana para interbyuhin, tinanong daw siya nito kung gaano katagal niya balak magliwaliw sa tate. Siempre pa kabado dahil baka madeny na naman ang kanyang application (ba one hundred dollars o five thousand pesoses din ang bayad kada interview) kaya ang sinabi nya dun sa consul ay two months lang ang plano niyang mag stay, kaya ayun tinatakan ang yellow card niya ng aprub nung blond na consul. Heto na ang siste, dumating ang visa niya kinabukasan at nakalagay doon sa visa niya ay two months lang ang puede niyang itigil sa tate. Bigla ba naman siyang naghinayang. Sabi ko nga bakit ka manghihinayang ganung ikaw naman ang tinanong kung gaano katagal mo gustong magliwaliw sa tate. Kung ako ang tinanong nung blond na consul ng "how long should you plan to stay in the US of A", isa lang ang isasagot ko dun sa consulada na yun, "as long as I can stay there forever and ever amen". Ewan ko nga lang kung aaprubahan yung application ko, sabagay hindi pa naman ako sumusubok magpa interview kasi kakaunti pa lang naman ang alam kong ingles.
Mushi Musi Anone
May bago kaming nadiskubreng watering hole sa bulacan, Endos isang japanese style na inuman maganda yung lugar, isang class na inuman para sa mga Bulakeno. Ang maganda pa dito ay may mga nipa hut sila na puede mong isama ang mga malalapit mong kapuso at kapamilya. Siempre pa hindi mawawala ang tanpuluts kapag may mamam, ang mga pumasa sa matamil kong dila ay ang sizzling sisig, sizzling tenderloin tips hanep kapag isinerb sa iyo ito umaapoy pa man din. Yung crispy ulo nila maganda rin ang luto crispy sa labas at juicy pa rin yung loob hindi katulad na iba tuyong tuyo. Nasubok na rin namim minsan ditong mag dinner at masarap din yung vegetable dish nila. Pero tip lang huwag kayong oorder ng sizzling pusit kasi kala ko titi ng manok yung ibinigay nila kasi masyadong maliliit yung pusit. Ang maganda pa dito ay provincial rate ang pakana nila. San ka ba naman makakainom ng malamig na serbesa na nakaupo ka pa sa nipa hut at nahahawakan mo pa ang kamay ng mga serbedora nilang lalake sa halagang bente uno pesos na beer, yes virginia twenty one pesos only ang serbesa dito may kasama nang yelo, baso, tissue, folk singer, baklitang performer at kapag sinuwerte suwerte ka pa ay makikita mo pa si emperor hirohito. Naging kuryus lang ako kung bakit endo ang pangalan ng lugar kaya minsan ay tinanong ko yung waitress na lalake. Yung palang endo ay apelyido ni emperor hirohito yung may ari. Kasi nung araw ang alam ko lang na endo ay yung anak nung taga mercury sa bayan, but that was another story.
hello is there anybody in there?
Hanep yung beta version ng blogger, nalito na naman ako, kinabahan tuloy ako na baka hindi na naman ako makapagpost ng blog ko. Umandar na naman tuloy yung kakaunting laman ng ulo ko. Sabagay mainam din yung gumagana paminsan minsan ang utak natin para maiwasan ang alzeimer's, isa itong sakit na hindi ko matandaan kung saan pero basta ang alam ko may kinalaman ito sa, dun ba, parang ano ito yung bang tungkol sa kasi nung araw yung isang kaibigan ko na si ano, dati yung taga ano na nagkaroon din ng yung bang ano, kaso nga pagkatapos naging ano yung ano nga ba ang tawag dun sa sinasabi ko kaninang ano.
Wednesday, November 15, 2006
money
Balita sa tv, bonus ng mga empleyado ibinigay na. Nakalagay sa jaryo, mga bonus ng empleyado, inabprubahan na at ibibigay na. Mga busett hindoropot, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap, saan na napunta ang bonus na pinagsasabi ninyo.
you may say that i'm a dreamer, but i'm not the only one...
Nagiging magaan ang pakiramdam ng tao kapag lumalamig na. Napupuna ko ito lalo na sa kalsada kung saan madalas uminit ang ulo ng mga tao dahil sa daloy ng trapiko. Ilan na rin ang naitalang pagpaslang dahil na rin sa maliit na pagtatalo sa trapiko. Ngayon halos lahat ng motorista ay nagbibigayan at nag-iingat magmaneho, dahil na rin ba sa nalalapit na kapaskuhan, sana naman araw-araw ay ganito. Pero hindi lang naman sa kalsada gumanda ang sistema kundi pati na rin sa pangkalahatan. Madalas ko kasing maobserbahan na kapag hindi panahon ng "ber" months halos lahat ng tao ay may sumpong, pero ngayon parang ang daling pakiusapan ng mga ito. Kaya kung minsan mas gusto ko lagi ang panahon ng taglamig dahil naiiwasan ng mga tao ang di pagkakaunawaan at mabilis tayong magbigayan sa mga kaunting problema. Sana laging ganito na lang ang pakiramdam ng tao di wala sanang mga giyera sa mundo, pagkawala ng kabuhayan, ang di inaasahang pagkamatay ng mga sibilyan at mga bata upang maging mapayapa ang sangkamundohan.
Sunday, November 12, 2006
joey wally jun d. jun t. and moonshiner part 3
Saturday, November 11, 2006
sige pa ng sige
Pupunta kami sa brothers mustache upang bumili ng gulay este manood ng Joey Smith and Wally Gonzales mamayang gabi. Sigurado rock rakan na naman ito, isa ito sa mga musikero na hindi nakakasawang panoorin. Kaya kung wala rin lang kayong lakad mamayang gabi, ito na ang pagkakataon ninyo para mapanood ang dalawang higante ng pinoy rock.
takin' care of business part 2
Nagkaroon uli kami ng pagkakataon na gumimik ng mga "opusmeyt" ko kahapon dahil na rin padespidada namin sa isang kasamahan na aalis na sa amin, kaya nga despidida. Kaya napagkasunduan namin na subukan ang seaside seafood market sa paranaque. Ito yung mga hilera ng kainan at inuman sa macapagal avenue kung saan ikaw mismo ang mamimili sa palengke ng kakainin at pupulutanin mo ala dampa resto. Kasama namin ng araw na iyon ang isang pinagpipitagang (read: the boss) bisita. Ang napili naming lugar para tumoma ay yung Julie's Ihaw-Ihaw at dahil sa atat na atat na kaming uminon agad kaming kumuha ng malamig na beer. Nang dumating ang malamig na beer ay tinanong ko ang waiter na babae... Tama ka enday waitress ang tawag dun. Kaya tinanong ko ang waitress kung magkano ang beer nila at sinabi niya na kuwarenta pesos ang isa. Sinita ko ang waitress at sinabi ko na trenta'y singko pesos lang ang beer nila dahil nakita kong nakasulat dun sa listahan ng mga menu nila, napuna ko din na medyo mura lang pala ang presyo ng mga pulutan nila, kaya umorder na ako ng inihaw na pusit P100.00, inihaw na pla-pla P50.00, inihaw na tuna belly P70.00, kilawing tanigue P80.00 at sashimi. Tinanong ko ulit ang waitress kung bakit ang mura yata ng mga presyo ng pulutan nila. Ang sagot niya ay hindi raw yun ang presyo ng pulutan nila, kundi yung mga nakalagay doon ay presyo pa lang ng mga paluto. Ano? ang ibig sabihin pala nung nakalagay na P100.00 para sa pusit, P50.00 para sa pla-pla, P70.00 para sa tuna belly, P80.00 sa kilawing tanigue ay bayad pa lang sa paluto? at magkano naman kaya ngayun yung presyo ng mga pulutan na ipaluluto namin. Matapos kong makarekober sa pagkagulat ay pinaluto na rin namin lahat ang mga inorder namin. Nalimutan ko kasi na ikaw nga pala ang dapat pumunta sa palengke at dadalhin mo lang sa restoran yung mga pinamili mo at ipaluluto mo lang sa kanila. Kaso nga atat na atat na kaming uminom kaya hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mamili pa sa palengke kaya ipinaubaya na namin dun sa waitress ang pamimili sa palengke. Nang dumating yung mga pinaluto namin ay ibinigay sa akin ng waitress yung listahan ng mga pinamili niya at bayad sa paluto. Inihaw na pusit P170.00, inihaw na pla-pla P100.00, inihaw na tuna belly P170.00, kinilaw na tanigue P230.00 may charge pa rin sa pagkilaw, kala ko ba ang may bayad lang ay yung paluto, diba ang kilawin ay hindi naman niluluto? at sashimi, may charge din? ano ba yan. Matapos ang mahaba habang inuman at paalaman para sa kasamahan naming paalis na, aktuwali hindi naman siya mag aabroad kundi lilipat lang sa kabilang kuwarto, palusot na lang namin yung despidida para maka inom kami lahat. Kinuha ko na ang cheat namin at siempre pa chip in chip in ang mga bida, pero may dalawang patay malisya lang at nakatingin kunyari dun sa fireworks display ng mall of asia na tanaw namin sa puwesto namin at parang wala lang nangyayari sa paligid nila. Nirebesa ko ang chit namin at lahat naman ay tama ang nakalagay na presyo at naorder namin maliban lang dun sa apatnaput siyam na beer, nang kuwentahin ko ay lumabas na kuwarenta pesos din ipinasa nung waitress ang presyo nang beer nila na dapat sana ay trenta'y singko lang ang presyo, kaya parang nanakawan kami ng mahigit dalawang daang piso, pera pa dito yung singkuwenta pesos nilang service charge at otsenta pesos na sukling ibinigay ko na ring tip sa kanya. Moral lesson, kahit gaano karami ang ininom ninyo at kapag bayaran na, silipin at rebisahing mabuti ang naging chit ninyo at huwag mahiyang maglabas ng calculator para makita kung tama ang babayaran mong presyo dahil marami talagang mga mangdarambong na pinoy at mahilig manood ng fireworks display kapag chip in chip in na. BUSETTT HINDOROPOT
Monday, November 06, 2006
this is not america
Napag-usapan na naman sa isang a.m. radio yung ginawang survey sa mga pinoy na kung saan ang lahat ng mga pinoy na natanong ay gusto nang manirahan at mamasukan sa ibang bansa. Ang dahilan: KAHIRAPAN AT KAWALAN NG PAG-ASA, nabanggit din nung isang anchor yung pinawalang salita ng mga lider ng gobyerno na sa darating daw na dalawampung taon ay gaganda na ang buhay na mga pinoy. Endayyy akina nga yung micardis ko...punye...oh i'm sorry, i'm sorry masaydo lang akong nadala ng emosyon ko ng marinig ko ang mga pangakong iyan. Ilan taon ko na bang naririnig yan sa mga lider natin na maghintay lang kayo at mga dalawampung taon lang ay aayos na ulit ang buhay natin. Kaya pala kapag tinanong mo ang mga pinoy ngayon kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya, ang mabilis na tugon ay mag aabroad ako brod. Pero teka bago kayo magsialis ng pinas ay himayin muna natin ang pagkakaiba ng bansa nila sa atin.
1. Sa pinas ay puede kang makiusap sa pulis kapag ikaw ay nahuli, samantalang sa ibang bansa ay kalaboso ka.
2. Puede ka ritong magmaneho kahit wala kang lisensya at langong lango ka sa alak, samantalang sa ibang bansa ay hindi puede ito, kita nyo nangyari kay Paris Hilton at Mel Gibson.
3. Kapag nakasakay ka sa bus na Greyhound at natrapik sa gitna ng Las Vegas at naisipan mong magyosi , wala kang mabibilhan dun ng tengi sa mga kumakalatok na yosi boys, samantalang sa pinas hindi lang yosi ang mabibili mo kapag natrapik ka sa edsa, may mabibili ka pang siopao, mainit na mami, sizzling sisig, fishball, juicy fruit, zesto, mani, puede kang magpamasahe hanggat nasa trapik ka at may mga nag aalok pa ng blowjob hanggat hindi pa umaandar ang sinasakyan mong bus. Yes, I repeat blowjob.
4. Kapag pumunta ka sa isang squatter area sa pinas at bago ka sa paningin nila, lalapitan ka agad ng mga tao at tatanungin kung sino ang hinahanap mo, sasasamahan kang pumunta dun sa bahay ng tao at kung binebuwenas ka, malamang matagayan ka pa ng mga istambay na nag-iinuman sa kanto, pero subukin mong dumaan sa iskidrow sa tate, tignan ko lang kung makalabas ka pa ng buhay dun.
5. Kung mayroon kang namatay na kamag-anak dito sa pinas, halos tatlong araw ay parang fiesta sa inyo ay katakut takut na alak at sugal ang makikita mo, sa tate kapag dumating ang alas dose ng gabi, palalabasin na kayong lahat na naglalamay at bukas na uli kayo babalik.
6. Subukin mong dalawin ang mga kaibigan mo sa L.A. ng alas dose ng tanghali, malamang mamatay ka sa gutom at hindi ka nila aayaing kumain, pero dito sa pinas kahit madaling araw ka na dumalaw sa mga kaibigan mo, ipagluluto ka pa rin ng pagkain at malamang dun ka na rin patulugin sa bahay nila.
7. Dito sa pinas kapag ang pasok mo sa opisina ay alas otso ng umaga, ang ibig sabihin nun ay alas diyes medya, pero sa ibang bansa kapag sinabi sa iyong you must be here at eight in the morning sharp, kapag dumating ka doon ng nine at nag good morning ka sa amo mo ang malutong na isasagot sa iyo nito ay YOU'RE FIRED MONKEY!
Ngayon ang tanong ko sa iyo, kaya mo pa bang maghintay ng dalawampung taon....endayyy nasan na yung kausap ko ba't nawala....Koya wala na kanena pa pomontang irport.
popsicle toes
Mahilig ba kayo sa indie movie? mayroon kasing isang indie film na nakalusot sa panlasa ng mga manonood. Ang pamagat nito ay "Borat: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan" na gawa ni Sacha Baron Cohen, isang british comic na "rapper spoofer". Isa itong fake documentary kung saan ipinakita niya ang kainosentehan ng mga tao sa Kazakhstan at nagpapanggap din siyang pekeng reporter ng Kazakh. Kung baga sa atin ang tawag diyan ay doku ng promdi. Komedi ang tema nito at marami nang magagandang review ang nasulat dito. Ang iniisip ko lang ay baka hindi maipalabas ito sa pinas, kasi medyo mahigpit ang mga board of censors natin. Siguro naman natatandaan nyo pa yung ginawang pelikula ni Steven Spielberg na Schindler's List, isang holocaust film at tungkol sa buhay ni Oscar Schindler na nagtayo ng isang factory sa Poland at kumuha ng mga trabahador na Jews para mailigtas sila sa tiyak na kamatayan. Diba may isang eksena doon na gustong putulin ng matatalim na gunting ng censors, ito yung isang scene sa Auschwitz na pinapunta ang lahat ng Jews sa isang incinerator para sila tustahin ng mga nazi. Ang kaso lahat ay pinaghubad ng damit, lalaki, babae, bata, matanda. Alam nyo ba ang dahilan ng ating cencors noon kung bakit gustong putulin ang eksenang ito? hindi dahil masyadong karumal dumal ang pagpatay sa kanila kungdi dahil bold daw ang scene. Anak ng putz, porke bat nakahubad sa isang pelikula ang mga artista ay bold na itong matatawag kahit sabihin pang ito ay parte na pelikula para ipakita ang lupit na inabot ng mga Jews sa rehimen ni Putol Bigote (si hitler gago)...enday hindi si hitler ang tinutukoy kong gago kundi yung mga hindi nasakyan kung sino si Putol Bigote...anyway paano ba masasabing bold ang isang pelikula? kapag nga ba may nakahubad, eh paano ang pelikulang Tarzan, bold din ba ito dahil laging nakahubad si Jane...I mean si Tarzan?. So balik tayo sa pelikula ni Cohen, papayagan kaya itong ipalabas sa pinas, ano naman kaya ang magiging pamagat nito pagdating sa mga sinehan ng pinas kung payagang ipalabas? Malamang ang pamagat nito ay "Titi: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan" at least hindi bastos kesa sa Borat.
Saturday, November 04, 2006
It's beginning to look a lot like Christmas
Ang lapit na, masyado nang malapit. Ramdam mo na ang lamig ng panahon, may hamon at keso de bola na sa malalaking groserya. Maiingat nang magpatakbo ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan. Mabilis nang ngumiti ang mga taong nakakasalubong mo at madalas na namang tumigas ang itits ko. Iisa lang ang ibig sabihin niyan, hindi na mapipigil ang pagdating ng krismas. Ang bilis na talaga ng paglipas ng panahon, halos naaalala ko pa yung nakaraang apat na taon na paskong dumaan sa akin. Kasama ko si coyote, taruc, bulldog, sny, chikong, jun d. at nag-inuman kami noong krismas 2002 sa paborito naming puesto kina coyote. Tapos pasko 2003, halos inabot kami ng umaga nila taruc, bulldog, sny, chikong, jun d at coyote sa kaiinom kina coyote. 2004 naman ay halos manawa kami sa dami ng hamon, keso de bola at ice cold beer kasama sila bulldog, sny, chikong, jun d, coyote at taruc. Nung 2005 naman ay sa labas ng bahay nila coyote kami nag-inuman kasama si sny, chikong, jun d., taruc at bulldog. Kaya this coming masmas season, siguro babaguhin namin ang happening at venue, baka sa bubungan kami tumoma nila coyote, taruc, bulldog, sny, chikong, jun d at yours truly.
cause i ain't gonna live anymore believing some of the lies while all of the signs are deceiving
May pagkakaiba ba ang salitang hypocrites sa liar? Lagi ko kasing napupuna na parang magkapatid itong dalawa. May tinatawag tayo na honest hypocrites at may mga tao naman na consistent liar. Marami kasi ngayon sa mundo yung sa kagustuhang mapalapit ka sa kanila ay gagawa ng kataradaduhan makuha lamang ang simpatiya mo. Katulad na lang ng mga politiko na ipapangako sa iyo bago mag-eleksyon ang libreng pabahay, pagkain sa mesa, trabaho at libreng gamot at paospital makuha lang ang boto mo. Paano nga ba nagiging totoo ang isang kasinungalingan, kapag ba lagi na itong naikukuwento? at bakit may mga taong gumagawa ng white lies para lang mapalampas niya ang isang nakaraan na hindi katanggap tanggap sa sangkatauhan. Sabi nga ng iba, nagiging tama lang ang mali kapag ikaw na mismo ang gumagawa nito, dahil bibigyan mo ito ng bagong kahulugan para maitama ang mali na iyong ginawa. At kapag ganyan na ang iyong nagiging pananaw sa buhay, puede ka nang sumama bukas sa parada ng mga hipokrito.
Grab that cash with both hands and make a stash
May nagtanong sa akin kung bakit daw ba ang mayayaman ay matagal tumanda. Hindi agad ako nakasagot kasi wala akong konkretong batayan kung may kaugnayan nga ang mayaman sa matagal na pagtanda ng tao. Kaya inisa isa ko ang mga puedeng maging dahilan para maiwasan ng tao ang pagtanda at hinati ko ito sa anim na kategorya. Una kung ikaw ay mayaman o mas nakaka-angat kaysa sa karamihan, malamang na kakaunti lang ang problema mo hindi katulad ng mga patukaing bibe o yung karaniwang tao. Dahil na rin siguro ang mga may kaya ay madaling masolusyunan ang kanilang mga problema sa buhay lalo't materyal na bagay lang ito. Pangalawa- mas masasarap at masusustansiya ang kinakain ng mga buena pamilya samantalang tayong mga yagit ay puro balot ng bakterya sa kalsada ang tsibog natin. Pangatlo- magaganda at mababango ang nakakasama nila at sa magagandang lugar sila madalas magkita kita. Ikaapat- mayroon silang regular na check-up sa mga doktor para masabi kung anong kasukasuan nila ang puedeng gamutin, samantalang ang mga ordinaryong pipol ay aspilet lang ang panglaban sa lahat ng klaseng sakit na dumapo sa kanya. Panglima- bihira silang maarawan dahil lagi silang nasa loob ng sasakyan at pagkatapos naman ay diretso na sila sa mga airconditioned nilang opisina at ang pang anim ay hindi sila masyadong mahilig sa basag ulo, kasi nga sayang ang yaman nila kung maaayspik lang sila sa tagiliran ng karaniwang tao. May kasabihan nga tayo na ang tanging magpapasaya sa buhay ng tao ay yung gaano kadami ang pera mo. Pero ang sabi naman ng isang kilalang music producer na si David Geffen, ang nagsasabi at nag-iisip lang daw na liligaya ka kapag marami ka nang pera ay yung mga taong hindi pa nakakahawak ng ganoon karaming pera.
Subscribe to:
Posts (Atom)