Friday, November 24, 2006

we wish you a merry.....PATATAWARIN

Medyo halata na ang kahirapan ng buhay sa pinas o mukhang nagbabago lang ang pananaw ng mga noypi sa pagsalubong sa darating na kapaskuhan. Nung dati kasi kapag natapos na ang todos los santos o yung araw ng kaluluwa, halos isang linggo lang ang pagitan mapupuna mo na sa mga kabahayan ang katakot takot na palamuti at christmas lights. Pero ngayon halos isang buwan na lang at pasko na, wala ka pa ring makitang kumukutikutitap sa mga kabahayan. Kasalanan na naman kaya ito ng gobyerno o ng meralco. Kasi kung bibigyan siguro ng trabaho ang mga noypi at ibababa ang singil sa koryente, di may dahilan sana ang mga noypi na magsaya at magkabit ng mga mas-mas lights sa kanilang mga kabahayan. Kaya lang paano ka nga magsasaya kung tuwing makikita mo ang mga senyales ng kapaskuhan ay kasabay mong maiisip na wala ka palang kabuhayan. Sabagay hindi naman ang kumukutikutitap ang mahalaga kapag kapaskuhan dahil ang talaga namang ipinagdiriwang natin sa araw na ito ay ang kapanganakan ni bosing Jessie at siempre pa kapag may birthday at kahit sino pa man ang may birthday, siguradong hindi mawawala ang inuman at kasiyahan. Kaya kalimutan mo na ang mas-mas lights at kalungkutan, ilabas mo na jan yung tira nyong hamon, morkon, mitchado, keso de bola, kastanyas, ubas at lahat ng alak na puede nating laklakin. Pakisara lang ang pinto para hindi tayo makita ng mga inaanak natin, please.

0 comments: