Sunday, November 26, 2006

our troubles will be miles away

Naging abala ang mga tao sa iskinita kanina dahil napagkasunduan na magkabit na ng mga kumukutititap na ilaw sa gitna ng kalsada namin. Sabagay taon taon naman ay ginagawa namin ito para bigyan ng kasiyahan ang mga bata at para ipaalala sa kanila na malapit na ang kapaskuhan. Dahil dito ay naisipan ko tuloy magpatugtog ng mga pamaskong awitin at hindi nakawala sa akin ang mga lyrics ng kantang "Have yourself a merry little Christmas". Ang nagpalabas ng luha sa mata ko ay nung marinig ko yung ikatlong talata nung lyrics-Here we are as in olden days, happy golden days of yore. Faithful friends who are dear to us, gather near to us once more. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang mga pangalang coyote, jun d, jun t. bulldog, chikong at sny. Naalala ko din ang mga pangalang joey na nasa hongkong, fred ang karaniwang tao na naglalagi ngayon sa italy, si heidi na panay ang padala ng FWD messages, si kaki domer, si willy ng bangkal, si pareng kris at boyet ng novalichez, si pareng delio at ang six one group (anim na beer at isang ginebra) ng kankaloo. Nagiging masaya kasi ang ganitong okasyon lalo na at kasama mo ang malalapit mong kaibigan at kapamilya. Sabi nga ng mga ankol ko nung araw, ang masaya naman sa harapan ay hindi kung gaano kadami ang iniinom ninyong alak kungdi ang malakas na halakhakan ng mga malalapit mong kaibigan at kapamilya na nagpapaalis ng iyong kalungkutan. Tagay mo na yan kanina pa naisalin yan at natapos ko na ang blog entry ko hanggang ngayon hindi mo pa rin iniikot ang baso. Game.

0 comments: