Tuesday, November 21, 2006

i wanna rock

Alam nyo ba ang masarap kapag lagpas ka na sa tinatawag na japorms era? nawawala na ang inhibitions at insecurities mo. Tapos napaghihiwalay mo na ang puti sa de kolor...teka teka mukhang napalaot yata tayo bigla. Whatamean is kapag nalampasan mo na yung porma or yabang years, nagiging seryoso ka na sa mga gusto mong gawin. Katulad na lang ng paggigitara, sino ba naman sa atin ang ayaw matuto nito lalo na noong kasibulan natin. Sabi nga nung kakilala kong musikero, kung hindi mo rin lang sila makuha sa gandang lalaki, daanin mo sa rocknroll. Kaya lahat kami noon ay nagpabili ng gitara sa mga ermat namin. Mommy yung sa akin ay acoustic na gibson na may pick up ha, wag kang babalik mamaya galing sa opis kung wala kang dala please. Tapos pagdating ng yukulele mo, heto na ang problema, paano ba gamitin ito? ano nga ba ang tipa nung dick and jane? hanggang sa mawalan ka na ng gana at itatago mo na lang ang instrumento mo sa baol. Then after so many years, isa ka nang miembro ng eight to five people at ang kuwentuhan na ninyo ng mga "opusmeyt" mo ay about politics, bonuses, family matters at sino ang kinantut nino at sino ang nagpabiyak kay kanino. Kaya bigla mo na namang naisipan na balikan ang dati mong loves-ang pagtugtog ng harp...i mean ng gitara. Pero ngayon seryoso ka na at hindi na papogi points ang gusto mo. Tapos nadiskubre mo na madali lang palang tumugtog lalo na't kabisote ka sa tipa. Pag minsan naman at off si enday, isasara mo ang pinto at bintana ng bahay nyo dahil mag-isa ka lang at huhubarin mo lahat ang suot mo at tapos ay kukunin mo ang walis tambo sa gilid ng ref nyo at sabay hahataw sa ibabaw ng sofa ng smoke on the water, ikaw na ang lead guitar ikaw pa ang bahista. Ang sarap ng feeling di ba, yung bang hindi mo nagawa nung araw ay pilit mong ibinabalik kahit medyo corporate haircut na ang buhok mo. Kaya lang huwag mo lang hahalukayin yung baol mo para hanapin yung mga dati mong bomba komiks na napaglumaan ng erpats mo dahil baka masira ang rock and roll spirit mo at kung saan ka na naman makarating bastos. Pakisara nga ang banyo Ofrah.

0 comments: