Nabawasan na naman ng kaunti ang gandang lalaki ko. Kasi ba naman dumalaw ako sa dentista para sa regular na cleaning at itanong kung bakit nangingilo yung lower molar teeth ko, ito yung nasa dulong ibaba na kung tawagin minsan ay wisdom teeth. Ang naging findings ba naman ng denstista ko ay dapat na raw bunutin kasi sira na at hindi na kakayanin ng pasta lang. Biglang nanlaki ang mga mata at nagtayuan ang balahibo ko ala bugs bunny nung makita si coyote. Kasi kakabitan na naman tiyak ako nito ng straight jacket at sasaksakan ng pinakamalakas na anesthesia para makatulog ng sampung araw para hindi ko maramdaman na bubunutin na ang teeth #38 ko. Bakit nga ba ganun na lang ang takot natin kapag sinabing bubunutan tayo ng ngipin. Ganung mas magiging maginhawa naman ang pakiramdam natin kapag naalis na ang sumasakit na ngipin natin. Hindi kasi tayo nasanay na laging nagpupunta sa mga dentista kaya kapag iniupo ka na sa operating table nila, kumakalabog na agad ang dibdib natin sa takot. Kaya nga nung araw mas gusto ko pang makipagbasagan ng mukha sa kalsada kapag masakit ang ngipin ko, kasi pagkatapos ng rumble, iluluwa mo na lang ang masakit na ngipin mo at may kasama pang dalawang sobrang ngipin. Anyway bago pa man ako tuluyan na mawalan ng malay sa loob ng klinik ay ipinaliwanag ng dentista ko na "in" ngayon ang mga walang ipin at binanggit pa niya si Efren "bata" Reyes at si Ronato Alcano, mga batikan sa larangan ng bilyar, si Rene Requestas isang aktor, at si Dracula. Kaya napapayag na rin niya ako na bunutin na ang molar teeth ko at tinanong pa nga ako ng dentista kung ano raw ang huling kahilingan ko. Huling kahilingan, why? Ang sagot ko ay bigyan niya ako ng diaper at malamang na maihi na naman ako sa salawal nito at isang bagong tisa na kulay blue dahil may tako na naman ako sa bahay.
Tuesday, November 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment