May nagtanong sa akin kung bakit daw ba ang mayayaman ay matagal tumanda. Hindi agad ako nakasagot kasi wala akong konkretong batayan kung may kaugnayan nga ang mayaman sa matagal na pagtanda ng tao. Kaya inisa isa ko ang mga puedeng maging dahilan para maiwasan ng tao ang pagtanda at hinati ko ito sa anim na kategorya. Una kung ikaw ay mayaman o mas nakaka-angat kaysa sa karamihan, malamang na kakaunti lang ang problema mo hindi katulad ng mga patukaing bibe o yung karaniwang tao. Dahil na rin siguro ang mga may kaya ay madaling masolusyunan ang kanilang mga problema sa buhay lalo't materyal na bagay lang ito. Pangalawa- mas masasarap at masusustansiya ang kinakain ng mga buena pamilya samantalang tayong mga yagit ay puro balot ng bakterya sa kalsada ang tsibog natin. Pangatlo- magaganda at mababango ang nakakasama nila at sa magagandang lugar sila madalas magkita kita. Ikaapat- mayroon silang regular na check-up sa mga doktor para masabi kung anong kasukasuan nila ang puedeng gamutin, samantalang ang mga ordinaryong pipol ay aspilet lang ang panglaban sa lahat ng klaseng sakit na dumapo sa kanya. Panglima- bihira silang maarawan dahil lagi silang nasa loob ng sasakyan at pagkatapos naman ay diretso na sila sa mga airconditioned nilang opisina at ang pang anim ay hindi sila masyadong mahilig sa basag ulo, kasi nga sayang ang yaman nila kung maaayspik lang sila sa tagiliran ng karaniwang tao. May kasabihan nga tayo na ang tanging magpapasaya sa buhay ng tao ay yung gaano kadami ang pera mo. Pero ang sabi naman ng isang kilalang music producer na si David Geffen, ang nagsasabi at nag-iisip lang daw na liligaya ka kapag marami ka nang pera ay yung mga taong hindi pa nakakahawak ng ganoon karaming pera.
Saturday, November 04, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment