Tuesday, November 21, 2006

clones

Bakit kaya ang mga pinoy mahilig manggaya? katulad na lang sa negosyo, nung mauso ang shawarma, halos lahat ng kanto ay may negosyong shawarma. Kaya kapag sumakay ka sa jeep nung panahon na yun amoy shawarma lahat ang dighay ng mga pasahero. Yung ding lechong manok nung mauso, pati dun sa iskinita namin ay umuusok dahil may nagtinda din ng lechon manok. Pero matagal na talaga tayong nanggagaya. Kung nakakapanood kayo ng mga lumang pelikulang pinoy mapupuna nyo yung mga suot at buhok nila Pepito Rodriguez at Lou Salvador Jr., gayang gaya nila yung mga artista sa tate. Kanina nga napunta ako sa Leon Guinto dahil may hinahanap akong isang establisyemento doon eh hindi ko makita, ang ginawa ko ay nagtanong ako sa kapitana nila ng baranggay. Ang problema mukhang malabo yata ang mata nung kapitana, imbes na sagutin ba naman ako kung saang lugar yung hinahanap ko. Ang sabi ba naman sa akin ay hindi daw ako bagay sa trabaho ko at mas bagay daw ako kung mag aartista. Sigawan ko nga ng pagkalakaslakas at ang sabi ko sa kanya ay ayokong maging artista dahil mas gusto kong maging boksingero.

0 comments: