Saturday, November 11, 2006

takin' care of business part 2

Nagkaroon uli kami ng pagkakataon na gumimik ng mga "opusmeyt" ko kahapon dahil na rin padespidada namin sa isang kasamahan na aalis na sa amin, kaya nga despidida. Kaya napagkasunduan namin na subukan ang seaside seafood market sa paranaque. Ito yung mga hilera ng kainan at inuman sa macapagal avenue kung saan ikaw mismo ang mamimili sa palengke ng kakainin at pupulutanin mo ala dampa resto. Kasama namin ng araw na iyon ang isang pinagpipitagang (read: the boss) bisita. Ang napili naming lugar para tumoma ay yung Julie's Ihaw-Ihaw at dahil sa atat na atat na kaming uminon agad kaming kumuha ng malamig na beer. Nang dumating ang malamig na beer ay tinanong ko ang waiter na babae... Tama ka enday waitress ang tawag dun. Kaya tinanong ko ang waitress kung magkano ang beer nila at sinabi niya na kuwarenta pesos ang isa. Sinita ko ang waitress at sinabi ko na trenta'y singko pesos lang ang beer nila dahil nakita kong nakasulat dun sa listahan ng mga menu nila, napuna ko din na medyo mura lang pala ang presyo ng mga pulutan nila, kaya umorder na ako ng inihaw na pusit P100.00, inihaw na pla-pla P50.00, inihaw na tuna belly P70.00, kilawing tanigue P80.00 at sashimi. Tinanong ko ulit ang waitress kung bakit ang mura yata ng mga presyo ng pulutan nila. Ang sagot niya ay hindi raw yun ang presyo ng pulutan nila, kundi yung mga nakalagay doon ay presyo pa lang ng mga paluto. Ano? ang ibig sabihin pala nung nakalagay na P100.00 para sa pusit, P50.00 para sa pla-pla, P70.00 para sa tuna belly, P80.00 sa kilawing tanigue ay bayad pa lang sa paluto? at magkano naman kaya ngayun yung presyo ng mga pulutan na ipaluluto namin. Matapos kong makarekober sa pagkagulat ay pinaluto na rin namin lahat ang mga inorder namin. Nalimutan ko kasi na ikaw nga pala ang dapat pumunta sa palengke at dadalhin mo lang sa restoran yung mga pinamili mo at ipaluluto mo lang sa kanila. Kaso nga atat na atat na kaming uminom kaya hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mamili pa sa palengke kaya ipinaubaya na namin dun sa waitress ang pamimili sa palengke. Nang dumating yung mga pinaluto namin ay ibinigay sa akin ng waitress yung listahan ng mga pinamili niya at bayad sa paluto. Inihaw na pusit P170.00, inihaw na pla-pla P100.00, inihaw na tuna belly P170.00, kinilaw na tanigue P230.00 may charge pa rin sa pagkilaw, kala ko ba ang may bayad lang ay yung paluto, diba ang kilawin ay hindi naman niluluto? at sashimi, may charge din? ano ba yan. Matapos ang mahaba habang inuman at paalaman para sa kasamahan naming paalis na, aktuwali hindi naman siya mag aabroad kundi lilipat lang sa kabilang kuwarto, palusot na lang namin yung despidida para maka inom kami lahat. Kinuha ko na ang cheat namin at siempre pa chip in chip in ang mga bida, pero may dalawang patay malisya lang at nakatingin kunyari dun sa fireworks display ng mall of asia na tanaw namin sa puwesto namin at parang wala lang nangyayari sa paligid nila. Nirebesa ko ang chit namin at lahat naman ay tama ang nakalagay na presyo at naorder namin maliban lang dun sa apatnaput siyam na beer, nang kuwentahin ko ay lumabas na kuwarenta pesos din ipinasa nung waitress ang presyo nang beer nila na dapat sana ay trenta'y singko lang ang presyo, kaya parang nanakawan kami ng mahigit dalawang daang piso, pera pa dito yung singkuwenta pesos nilang service charge at otsenta pesos na sukling ibinigay ko na ring tip sa kanya. Moral lesson, kahit gaano karami ang ininom ninyo at kapag bayaran na, silipin at rebisahing mabuti ang naging chit ninyo at huwag mahiyang maglabas ng calculator para makita kung tama ang babayaran mong presyo dahil marami talagang mga mangdarambong na pinoy at mahilig manood ng fireworks display kapag chip in chip in na. BUSETTT HINDOROPOT

0 comments: