Nakakatuwa talaga ang ugali ng pinoy. May kilala kasi ako na nagpunta ng US embassy sa pinas para magpa interview at baka mabigyan ng visa papuntang tate. Heto ang kuwento niya sa akin. Nang dumating daw siya sa embassy ay marami ng nakapila, dahil alas diyes pa naman ng umaga ang interview niya ay nagkaroon pa raw siya ng oras para makipachikahan sa ibang mga nag aaply ng visa. Nung siya na ang tinawag nung blond na kana para interbyuhin, tinanong daw siya nito kung gaano katagal niya balak magliwaliw sa tate. Siempre pa kabado dahil baka madeny na naman ang kanyang application (ba one hundred dollars o five thousand pesoses din ang bayad kada interview) kaya ang sinabi nya dun sa consul ay two months lang ang plano niyang mag stay, kaya ayun tinatakan ang yellow card niya ng aprub nung blond na consul. Heto na ang siste, dumating ang visa niya kinabukasan at nakalagay doon sa visa niya ay two months lang ang puede niyang itigil sa tate. Bigla ba naman siyang naghinayang. Sabi ko nga bakit ka manghihinayang ganung ikaw naman ang tinanong kung gaano katagal mo gustong magliwaliw sa tate. Kung ako ang tinanong nung blond na consul ng "how long should you plan to stay in the US of A", isa lang ang isasagot ko dun sa consulada na yun, "as long as I can stay there forever and ever amen". Ewan ko nga lang kung aaprubahan yung application ko, sabagay hindi pa naman ako sumusubok magpa interview kasi kakaunti pa lang naman ang alam kong ingles.
Friday, November 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment