Tuesday, November 28, 2006

Cause I remember when we used to sit...observing the hypocrites

Nasubukan nyo na bang makipagtransaksyon sa mga ahensya ng gobyerno. Ako ang una kong ginagawa kapag may transaksyon ako sa mga taong gobyerno ay tinatanong ko muna ang kanilang sistema at mga prosedyur na dapat sundin, kasi kapag medyo nakiliti mo ang ego ng mga yan malamang ay wala kang matapos na transaksyon sa kanila. Naranasan ko na naman ang ganitong sitwasyon nung minsang may aayusin akong mga papeles. Binigyan ako ng isang empleyado ng mga requirement o mga kakailanganin bago umandar ang papeles ko. Sa madaling sabi ay kimumpleto ko ito at nung nagkaroon ako ng pagkakataon ay idinaan ko na sa kanila ang mga hinihingi nilang requirements. Alam mo ba naman ang sabi nung isang babae na nakatalaga para tanggapin ang mga papeles ko? kulang pa raw ito. Papaano magiging kulang yan ganung sinunod ko naman lahat ang mga hinihingi ninyo ang tanong ko. Kesyo ang kailangan daw nila ay tatlong klase ng mga papeles at hindi dalawa. Pero ang nakalagay po sa form ninyo ay dalawa lang ang kailangan ninyo. Marunong ka pa, eh ako mismo ang nagtratrabaho dito. OO nga po, pero kayo rin mismo ang nagbigay sa akin ng mga requirements na yan at nilinaw nyo pa na dalawang papeles lang ang kailangan ninyo. NEXT ang sunod na banggit nung taran.. gag. anak ng put. na babae, sabay tayo at tinalikuran ako. Ganito pa rin ba ang sistema sa gobyerno, hindi ba puedeng buksan nila ang kanilang isipan at huwag sanang maging pipit puso kapag nagpapaliwanag ang mga taong naglalakad ng papeles sa kanila. Hindi naman siguro masamang mangatuwiran lalo na't ang sinasabi mo sa kanila ay yun din namang iniutos nila na kumpletuhin mong mga kakailanganin. Hindi po natin kinokontra ang kanilang posisyon, pero sana ipaliwanag nyo naman sa mga tao ng maayos at hindi yung basta na lang nyo kami tatalikuran, dahil baka balang araw yung mga maliliit na tao na basta na lang ninyo tinalikuran ay maging isang sikat na boksingero at kapag nagkaroon ng victory parade sa lugar ninyo na kasama ang mayor nyo, malamang niyan ay maibulong ka kay mayor at maalis ka pa sa trabaho mo. Amen

0 comments: