Nagiging magaan ang pakiramdam ng tao kapag lumalamig na. Napupuna ko ito lalo na sa kalsada kung saan madalas uminit ang ulo ng mga tao dahil sa daloy ng trapiko. Ilan na rin ang naitalang pagpaslang dahil na rin sa maliit na pagtatalo sa trapiko. Ngayon halos lahat ng motorista ay nagbibigayan at nag-iingat magmaneho, dahil na rin ba sa nalalapit na kapaskuhan, sana naman araw-araw ay ganito. Pero hindi lang naman sa kalsada gumanda ang sistema kundi pati na rin sa pangkalahatan. Madalas ko kasing maobserbahan na kapag hindi panahon ng "ber" months halos lahat ng tao ay may sumpong, pero ngayon parang ang daling pakiusapan ng mga ito. Kaya kung minsan mas gusto ko lagi ang panahon ng taglamig dahil naiiwasan ng mga tao ang di pagkakaunawaan at mabilis tayong magbigayan sa mga kaunting problema. Sana laging ganito na lang ang pakiramdam ng tao di wala sanang mga giyera sa mundo, pagkawala ng kabuhayan, ang di inaasahang pagkamatay ng mga sibilyan at mga bata upang maging mapayapa ang sangkamundohan.
Wednesday, November 15, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment