Saturday, November 04, 2006

cause i ain't gonna live anymore believing some of the lies while all of the signs are deceiving

May pagkakaiba ba ang salitang hypocrites sa liar? Lagi ko kasing napupuna na parang magkapatid itong dalawa. May tinatawag tayo na honest hypocrites at may mga tao naman na consistent liar. Marami kasi ngayon sa mundo yung sa kagustuhang mapalapit ka sa kanila ay gagawa ng kataradaduhan makuha lamang ang simpatiya mo. Katulad na lang ng mga politiko na ipapangako sa iyo bago mag-eleksyon ang libreng pabahay, pagkain sa mesa, trabaho at libreng gamot at paospital makuha lang ang boto mo. Paano nga ba nagiging totoo ang isang kasinungalingan, kapag ba lagi na itong naikukuwento? at bakit may mga taong gumagawa ng white lies para lang mapalampas niya ang isang nakaraan na hindi katanggap tanggap sa sangkatauhan. Sabi nga ng iba, nagiging tama lang ang mali kapag ikaw na mismo ang gumagawa nito, dahil bibigyan mo ito ng bagong kahulugan para maitama ang mali na iyong ginawa. At kapag ganyan na ang iyong nagiging pananaw sa buhay, puede ka nang sumama bukas sa parada ng mga hipokrito.

0 comments: