Monday, October 09, 2006

120/60

(babala: ang mga sumusunod na kuwento ay kinakailangan ang patnubay ng mga magulang at mga totoong doktor)
Masyadong nakakaalarma yung balitang maraming naha high blood sa panahon ngayon at hindi lang yung mga may edad na ang tinatamaan ng high blood pressure kundi pati na rin yung mga medyo bata pa. Ano ba ang dahilan at parang dumadami ang nadadale nito?. Ang sabi ng iba, dahil na rin daw sa lifestyle natin ngayon, kasi masyadong bumibilis ang takbo ng panahon at hindi na tayo halos nakakapag ehersisyo. Pati na rin ang kinakain natin ay hindi na masustansya at puro artipisyal na lang. Pero hindi lang naman sa mga kinakain natin tumataas ang presyon natin, kasi kapag gising tayo ay marami tayong minsang gustong gawin at isa na rin ito para tumaas ang presyon natin. Kapag ang tao ay nagiging masaya o excited tumataas din minsan ang presyon natin. Maari ring ang dahilan ng pagtaas ng presyon natin ay yung bang stress o di kaya naman ay yung kawalan natin ng pera. Meron namang iba ay dahil na rin sa kanilang sistema sa buhay katulad na lang ng paninigarilyo o pag inom ng alak at kape at walang kasamang ehersisyo. Pero ito ay maari nating maiwasan kung aayusin lang natin ang ating sistema sa buhay. Alam nyo bang ang sex ang isa sa pinakamagaling na paraan para pababain mo ang iyong presyon. Pero kung hindi ka makadapuli ng makakasiping mo, puede ka naman maglakad kahit kalahating oras araw araw. Ako nga nung isang araw ay naglakad rin sa iskinita namin para naman makondisyon ang puso ko at upang maiwasan ang pagtaas ng presyon ko, ang kaso may nagbiro naman sa akin na kaya raw ako naglalakad ay dahil tumataas na raw ang presyon ko. HINDEEEE HINDE PA KO NAHA HIGH BLOOD BUSETTT HINDOROPOT , KAYA LANG AKO NAGLALAKAD AY DAHIL WALA AKONG MAUTUSANG BUMILI NG JARYO AT ANO BA ANG PAKIALAM MO SA BUHAY KO, WALA NAMAN AKONG PAKIALAM SA IYO, BUSETT HINDOROPOT FUCKIN "A"....SINONG TUMATAAS ANG PRESYON? AKO? BUSETTT HINDEEEE...(hingal hingal hingal)...ANG GAGALING NYO PORKET NGAYON NYO LANG AKONG NAKITANG NAGLALAKAD KINUKUTYA NYO AGAD AKO MGA INGITERO.

2 comments:

Anonymous said...

kep kul koya, dahan dahan lang sa galaw at ang saliva mo ay nag round trep na kasesegaw mo. Ekaw den kapag nadesgrasya ka, ako na lang lage ang gagamet ng compyoter mo.

Anonymous said...

tama si enday cool lang, kung hindi lang ako kausap ng nanay ko sasamahan kitang maglakad sa iskinita nyo para pag may sumita sayo iistrike-in ko yan.