Wednesday, October 31, 2007

oplan kaluluwa

Araw na naman ng mga patay, sigurado marami na namang kuwentuhang barbero niyan na katatakutan. Ito na kasi ang nakasanayan ng mga noypi kapag rin lang lumalapit na ang undas. Buti nga ngayon yung ibang mga may kayang pamilya ay ginagaya na ang holloween sa tate kung saan ang mga bata ay binibihisan nila ng magagandang holloween costumes at pinaliligid nila sa mga kapitbahay nila para sa trick or treat. Ang naaalala ko kapag rin lang undas ay yung umiistambay kami sa ibabaw ng nitso sa pantiyon, may nakatagong mumurahing alak at sigarilyuhan ng sigarilyuhan habang nakikipagbolahan sa mga kasama naming chicks. Halos inaabot kami ng dalawang araw sa sementeryo para lang pomorma at kapag wala ng mapag-usapan ay papasok na ang kuwentuhang nakakatakot. Minsan naman ay iniipon namin yung patak ng kandila at kapag nakaipon na ay ibebenta para may pambili uli ng mumurahing alak.

Sitting on a park bench
Eyeing little girls with bad intent
Snot running down his nose
Greasy fingers smearing shabby clothes



Monday, October 29, 2007

maglilingkod? fuck you...

Ngayon na ang araw ng barangay at sk election sa pinas, halos hindi magkandatuto ang mga botante at kandidato. Sabagay kung isa ka talaga sa mga kandidato ngayon ay ganito rin siguro ang mararamdaman mo. Bukod kasi sa pagod at gastos ay hindi ka pa sigurado kung ikaw nga ang mananalo. Ako nga gusto ko na ring matapos agad ang botohan ngayon, hindi dahil sa gusto ko nang malaman kung sino ang mga nagsipanalo kungdi gusto ko na kasing maalis yung liquor ban para makatoma na busettt.

Sitting on a sofa on a Sunday afternoon,
Going to the candidates' debate,
Laugh about it, shout about it,
When you've got to choose,
Every way you look at it, you lose...

Sunday, October 28, 2007

I must be crazy to be in a loony bin like this

Its like killing two birds with one stone. Thats the way i see it when we celebrated Tarucs and Tito Ferd's natal day. Usually when we say birthday, we dreamed of a large buffet of food, wine flows freely and unending laughter. Ferd's, our friend from the old days was the sponsor of the day. He was the one who picked the tab on our ice cold beer and some hot noodles. We also experimented on cooking kalamaring (whatarhyme), thinly sliced squid covered with breaded crumbs then deep fried. Afterwhich, we grilled some precooked pagkaing kalsada (barbeque, pigs ear, zigzag road?, pigs intestine...psst dont tell Endermol Netherlands about this).

Saturday, October 27, 2007

only the good die young

Malapit na naman ang araw ng patay, sigurado hindi na naman magkandatuto ang mga negosyante niyan kung anong gimik ang gagawin nila. Nagiging komersyal tuloy ang mga okasyon na dapat sana ay solemn. Pero teka mahiwaga din nga ang okasyon na ito. Saan nga ba napupunta ang tao kapag pumanaw na o umalis na sa lupa. Noong araw kasi (BC) ang paniwala ng mga tao, kapag nadedo ka na ay pupunta ka na sa impyerno hindi sa langit, kasi wala pa namang religion noon kaya hindi pa naituturo sa mga pipol na kapag ikaw ay nadedo ang ibig sabihin noon ay sumama ka na sa creator mo, biblical explanation iyan ng mga nadedo. Pero kung napanood nyo yung pelikulang ghost (and seksi ni demi no ang lakas maka L). Ang ganda ng pagkakalahad nila dun kung saan napupunta ang kaluluwa natin. Kaya lang medyo may tilamsik din ng biblia ang istorya, kasi ipinakita doon na ang mabuti ay maaring mapunta sa heaven at ang masama sa maaring kunin ng mga maiitim na tao para ihatid sa impyerno. Ang gusto ko sa pelikulang ito bukod na rin sa pagpapakita ng suso ni demi at sa paglalahad nila ng sex climax sa pamamagitan ng pagdisporma ng clay na ginagawang paso ay kung saan ba talaga napupunta ang mga namatay, lalo na yung biglaan ang pagkakamatay. Totoo kaya na nandito lang din sila sa lupa at nakikita rin nila ang mga ginagawa nating mga buhay pa. Kaya tuloy tinigilan ko na ang pagtitikul sa banyo, kasi baka mamaya ay pinapanood pala ako ng mga tiyuhin kong nadedo na, nakakahiya may hawak pa naman akong FHM kapag nagtitikul. Siguro tama nga yung sabi nung mga matatanda (hindi tungkol sa pagtitikul busettt, sariling aksiyon ko yun) kapag nadedo daw ang tao ay nag iikot pa iyon sa lupa at pagkatapos na nilang (yung mga nadedo) mag ikot at matanggap na sila ay out na o dead na ay saka lang sila hihigupin nung parang ilaw na puti para umalis na sa lupa. Kaya pala may 40 days na tinatawag o yung iba naman ay pa siyam. Pero ang alam ko, lahat ng tao ay malalaman din nila kung saan sila mapupunta kapag nadedo, kaya lang ay bihira ang makakapagkuwento kung saan sila talaga napunta dahil na nga dead na sila (after life experience). BC? before Christ, bakit di mo alam...atheist.

Friday, October 26, 2007

cheap trick

Ang lupit din naman ng birthday ni utol, isipin mo para lang maging memorable ang araw na iyan ay pinalaya ng gobyerno natin ng isang dating presidente na una na nilang kinasuhan ng plunder, ika nga binigyan ng pardon. Magandang simulain iyan kung tungkol rin lang sa estado ng lokal na politika, kasi baka iyan na ang simula ng pagkakaisa ng mga politiko natin. Halos maghapon kong inaantabayanan sa radyo ang paglabas ng dating pangulo natin, isipin mo isa tayo sa parte ng history ng pinas kung saan inabutan natin ang ganitong kasaysayan. Balang araw kasi ay pag uusapan na ang pangyayaring ito lalo na sa mga elementarya. Halos hindi nga kami makainom ni utol ng malamig na serbesa at mapapak yung pulutan naming alimango, crispy pata at pampahaba ng buhay na pancit bihon, alergic kasi ako sa pancit kanton buti pa kung pancit kan...bastos. Habang umiinon kami ay pinapanood na namin sa radiowealth na black and white tv yung speech nung napardon na pangulo. Sabi niya ay inabot din daw siya ng anim (6) na taon at anim (6) na buwan sa kanyang resthouse arrest. At ngayon nga ay napirmahan na ang kanyang pardon o executive clemency kaya siya ay pinalaya na eksaktong alas sais (6) ng gabi. 666? sabagay hindi naman ako numerologist at hindi rin ako naniniwala sa mga satanic verses kaya ok lang sa akin iyan. Tinapos ng dating pangulo ang kanyang speech at pinasalamatan niya ang bagong pangulo dahil na rin sa pagkakalaya niya. Doon na kami napasigaw ni utol ng irap irap irap habang nilalaklak namin ang malamig na serbesa at balot na bagong luto na regalo ng mga taga san juan.

Wednesday, October 24, 2007

anger management

May nakasagupa ako minsan na tao, hindi away ang ibig kong sabihin, nakasagupa (salitang kanto) dahil mahilig siyang magsisigaw. Para sa akin kasi ang batayan ko ng tunay na barako o yung tunay na matapang na tao ay yung hindi palasigaw, may kasabihan kasi kami sa kankaloo na kapag daw maalon ang dagat ay hindi dapat katakutan. Ang mas dapat katakutan ay yung tahimik na dagat. Inoobserbahan ko ang mamang ito at sa tingin ko ay papalapit na siya sa edad na sisenta, kaya nabigla ako sa mga ikinikilos niya. Kasi ang pagkakaalam ko sa mga ganyang edad ay cool na o ika nga ay peaceman na. Bago niya sinimulan ang kanyang litanya ng pasigaw ay sinabi nya naman sa amin, yes may kasama ako nung araw na iyon, na siya raw ay high blood. Kaya nung magsimula nang magalit yung mamang nagpapanggap na matapang ay sinabihan ko siya na ako ay hindi natatakot sa mga sigaw niya. Ako ay natatakot sa maaaring mangyari sa kanya dahil siya ay pulang pula na sa galit. Kinakabahan ako na baka sa harap namin siya atakihin, kaya sabi ko na lang sa kanya na magpahinga muna para bumaba ang presyon. Matapos ang ilang oras na pagtatago niya sa loob ng kanyang opisina ay humupa naman ang presyon ni pogi. Doon ko nakita ang tunay niyang pagkatao, dahil humingi naman siya ng despensa sa amin at nakausap na namin siya ng maayos. Marami na kasi akong narinig na istorya nung mga biglaang nagagalit. Ang iba ay napupunta sa hindi magandang sitwasyon. Kailan lang ay nagkaroon ng patayan dahil lang sa isang simpleng gitgitan sa kalsada (road rage). Mayroon namang nabalita na maghaharap lang sa korte para sa isang simpleng paniningil ng utang ay napunta na bigla sa panghohostage nung nagrereklamo. Maganda siguro kung sa elemetarya pa lang ay itinuturo na sa mga bata ang anger management. Isa itong paraan kung paano mo kontrolin ang sarili sa mga sitwasyon na maari mong ikagalit. Maganda kasing paraan ito para maiwasan natin ang pakikipagtalo. Dito kasi sa anger management ay ipinaliliwanag na hindi kaduwagan ang umatras ka sa pakikipagtalo, kundi para maiwasan pa ang masamang kahihinatnan ng inyong pagtatalo. Marami ang magiging prebilehiyo ng tao kung alam lang ng karamihan kung paano tantiyahin ang ganitong sitwasyon. Wala naman kasing may gustong makipagpatayan sa kapwa para lang mapatunayan mo na isang kang tunay na lalaki. Mas masarap pa rin yung gumagalaw ka sa mundong ito ng tahimik at walang iniisip na kalaban, dahil maigsi lang naman ang buhay ng tao.

Monday, October 22, 2007

the next level

Sunday is daddy coyote's (the erps) birthday so the gang's all there again to greet the man. I came a little bit late (is that a sexist statement?) or should I say I missed the first two bottles of ice cold beer because I want to make sure that SNY's campaign tarpaulin will be placed in my neck so that I can carry it around for all to see. Yes SNY is running but this time not as a health buff but as a kagawad and the lucky guy had a lot of expectations. Politics, those eight letter words can really make a guy change his ways and sometimes attitude towards other people. It can even make you high with power and even forsake your friends just for the love of it, the eight letter words. As our drinking downed into the night, we had nothing but politics in our mind. We assess the situation our drinking buddy (SNY) had ventured in. Is he winnable? Does he look good in his tarpaulin, what are his credentials?. Lots of questions were raised, when bulldog came out of nowhere and told us straight in the face that SNY will not win in the coming Baranggayan Election. Why and how? We all chorused. Is bulldog now a seer that he foresees the future?. This is election season and everybody is entitled to their own "dream" whoever you are, and as we always hear, the people are the ones who will decide on who will win on this game, moneyed or pauper. And yes we all loved the moneyed one.

Sunday, October 21, 2007

food tripping at Market Market






Kaya lang kulang sa butter at alat yung gravy, yung steak maliit hindi katulad nung sa in and out jumbo talaga (the bigger the better), pero yung free soup masarap, all in all solb.

Saturday, October 20, 2007

Political World

May nakakuwentuhan ako, ayos muntik ko na kasing matype yung may nakakantuwentuhan ako. Neweis hindi ko na babanggitin ang pangalan niya dahil hindi naman siya sikat na tao. Ang naging topic kasi namin ay tungkol sa paggawa ng blog, sabi niya mahirap daw magsulat sa blog kasi daw baka maubusan ka ng isusulat. Sabi ko naman kung sa isusulat lang ay hindi ka mauubusan basta alam mo lang kung ano ang gusto mong maging topic, puede kasing sa pagkain ka lang magconcentrate, o kaya naman ay sa sports, puede ring dun lang sa mga ordinary lives ng mga tao ka magsimulang magsulat. Marami, masyadong malawak ang puede mong gawin kung gusto mo rin lang magsulat, halos araw araw naman kasi ay may mga nangyayaring mabuti at masama sa paligid natin kaya magsasawa ka sa dami ng story line mo. Katulad na lang kahapon, halos kalahating araw kaming nakikinig ng mga kaopisina ko sa nangyaring pagsabog sa isang mall jan sa Makati (isa itong style ng pagsusulat na hindi mo babanggitin ang pangalan para iwas kaso ka ika nga ni Ka Doroy). Halos hindi magkandatuto ang mga reporter dun kung paano nila isasalaysay ang mga nasaksihan nilang kaguluhan. Pero para sa mga pinoy na halos mulat na rin sa takbo ng politika natin, may nagbigay agad ng konklusyon na isang diversionary tactics na naman daw ito ng gobyerno para mailayo ang isip ng tao sa bagong isyu na kinahaharapan ng gobyerno natin. Masarap sanang magsulat ng ganitong klaseng topic pero, wala naman tayong magagawa na dito. Yun nga lang pang araw araw ng kakainin ko ay pinoproblema ko na, sasali pa ba ako sa mga ganyang laro, hayaan mo na sila diyan. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung dati kong CD na may kangtang political world, habang sinusubaybayan ko yung nangyaring kaguluhan sa isang mall jan sa Makati. Malinaw pa rin kasi sa isip ko yung lyrics nun dahil sinasabayan ko minsan iyong kanta kapag rin lang naiipit ako sa traffic. Kayo na ang bahalang humusga kung tama nga yung nakalagay sa lyrics nung kanta.

We live in a political world,
Love don't have any place.
We're living in times where men commit crimes
And crime don't have a face

We live in a political world,
Icicles hanging down,
Wedding bells ring and angels sing,
clouds cover up the ground.

We live in a political world,
Wisdom is thrown into jail,
It rots in a cell, is misguided as hell
Leaving no one to pick up a trail.

We live in a political world
Where mercy walks the plank,
Life is in mirrors, death disappears
Up the steps into the nearest bank.

We live in a political world
Where courage is a thing of the past
Houses are haunted, children are unwanted
The next day could be your last.

We live in a political world.
The one we can see and can feel
But there's no one to check, it's all a stacked deck,
We all know for sure that it's real.

We live in a political world
In the cities of lonesome fear,
Little by little you turn in the middle
But you're never why you're here.

We live in a political world
Under the microscope,
You can travel anywhere and hang yourself there
You always got more than enough rope.

We live in a political world
Turning and a'thrashing about,
As soon as you're awake, you're trained to take
What looks like the easy way out.

We live in a political world
Where peace is not welcome at all,
It's turned away from the door to wander some more
Or put up against the wall.

We live in apolitical world
Everything is hers or his,
Climb into the frame and shout God's name
But you're never sure what it is.



food tripping at taytay










Pasensya na po kayo dahil hindi ko nadala yung 2,098 megapixel na instamatic camera ko, kaya pinagtiyagaan na lang namin yung built in camera nung 3210 kong cellphone, sorry uli mga tol.

trojan horse

Kainis naman itong malicious, maliseus, delicious, malicious software na pumasok sa computer ko, hindi tuloy ako nakagawa ng online journal, ang dami pa namang nag aabang nito. Ang tinutukoy ko ay yung Trojan.Obfuscated.EN, isang software program ito na pumapasok sa ating computer kahit hindi natin siya pinapayagan. Ang word na trojan ay nanggaling pa sa panahon ni Peleus at Thetis...enday hindi Etits, bastus ka talaga, mag syota iyan na nung ikakasal na ay hindi nila kinumbida si Eris yung diyos ng discord (goddess of discord), kaya hayun nag alboroto si pogi at nanggulo sa kasal, kaya nagkaroon ng tinatawag na trojan war, magbasa kayo ng libro mga hindoropot. Pero itong bagong trojan na kumakalat sa internet ay hindi ko naman kinumbida sa kasal ko dahil hindi naman ako ikinakasal pa, kaya bakit siya nanggugulo sa akin. Sabagay nakontak ko na naman yung mga asset ko sa Romania at sinabihan lang nila ako na mag conduct ng deep scan sa computer ko at pagkatapos ay ipadala ko raw sa kanila ang report at sila na ang bahalang gumulpi dun sa nasabing Trojan na yan, mapakabayo man iyan o hindi, busetttt.

Tuesday, October 16, 2007

Runnin with the devil

May natanggap akong text message at ito ang nakalagay-"If ur drivin aftr dark on Fri n Sat nights n u c an oncoming (sic) car w no headlights on, DO NOT FLASH UR LIGHTS @DEM. Dis is a BLOODS gang initiation. D new gang member drives along w/o headlights or high beams & d 1st car 2 flash headlights @ him/her becomes his/her TARGET. He's required 2 chase & spot dat car den shoot & kill every 1 in d vehicle 2 complete his/her initiation. Dis warning s from POLICE stations nationwide. Pls 4ward to friends n family". Hindi ako masyadong naniniwala sa mga ganitong text message, kaya lang ang nagpadala sa akin ay kilala kong tao at hindi naman siya lunatic, kaya binigyan ko na rin ng pansin, wala namang masama. Pinag iingat lang naman ako at wala namang nakalagay sa text na iforward ko sa isang daang tao na nakalagay sa contact list ko, so hindi siya isang spam text message. Naisip ko tuloy na ganito na ba talaga kalupit ang mga tao, parang ang may kakayanan lang na gumawa nito ay yung mga sumasampalataya kay "taning". Naalala ko tuloy bigla yung kumalat na isyu nung araw na kapag daw pinatugtog mo ng pabaligtad yung kanta ng Led Zep na Stairway to Heaven ay may maririnig kang mga salita na para bang mga mensahe ni satanas. Kaya bigla ko tuloy hinalukay yung turn table kong may belt drive (mga tol bihira na ang mayroon nito) at ikinabit sa luxman power amp. Tapos ay nilinis ko yung plaka kong Led Zep na ang cover ay yung mama na may bitbit sa likod na stalk o mga panggatong yata iyon, Led Zep IV ang tawag dito kung saan featuring dito si Sandy Denny (vocal on track 3-The Battle of Evermore). Ikinasa ko agad ito sa turn table at inilagay yung karayom sa track 4 (Stairway to Heaven), tapos ay pinaikot ko ng pabalik yung plaka...oops may naririnig nga akong ibang salita, kaya lang medyo malabo, parang Wohhhh, inikot ko uli ng isa pa...Wohhhh, binilisan ko ang ikot nung plaka...WohhhhWohhhh, medyo tumayo tuloy ang balahibo ko, pero hindi ako natatakot dahil may suot akong bawang at krus sa leeg ko. Nagbungtong hininga lang ako ng malalim at nilakasan ko ng kaunti ang volume nung luxman power amp ko at sabay pina-ikot ko ng mabilis yung turn table...at ito ang narinig ko Wohhh....Wohhhh, ikot pa bilis...Wowowee Wowowee sinong di mawiwili...Wowowee Wowowee.

Sunday, October 14, 2007

food tripping at gerry's






Friday, October 12, 2007

itik itik sa manila zoo, usong uso ang kamote q

May nakainan akong isang roadside eatery jan sa may Victoria Laguna, Pato de Laguna. Ang Victoria Laguna ay sa pagitan ng Bay at Pila. Kilala ang Victoria sa dami ng mga pato nila, kaya nga kapag nadadaan ka sa lugar na iyan ay marami kang makikitang rebulto ng pato. Ang nasabing roadside eatery ay napapagitnaan ng mga nagtitinda ng mga halaman. Maganda ang lugar nila at may mga tinda pa silang mga inantik na mga upuan na gawa sa kahoy. Siempre pa, dahil na rin nga sa ang sikat daw sa lugar na ito ay itik o pato, kaya iyon na rin ang una naming sinubukan nung mga kasama ko. Ang tawag nila sa pritong itik ay kinulob na itik. Ang style daw pala ng kinulob na itik ay pakukuluan mo muna ang itik ng mga secret herbs ng ilang oras at pagkatapos ay ibibitin mo sa daan ang nakuluang itik para tumulo ang natitirang tubig at para mausukan nung mga nagdadaang motorista, pagkatapos ay saka mo ito ipriprito na lubog sa mantikang gawa sa china. Masarap naman ang lasa, pero para sa akin ay pare pareho lang naman iyan, basta rin lang huhugasan mo ng malamig na serbesa. Ang sumunod naming inorder ay yung kanduli na sinigang sa miso...yahoo...oops hindi daw available. Sige palitan mo na lang ng inihaw na lumot...yahoo...oops hindi din daw available sabi nung serbidoro (lalaking waitress). Di bale paluto na lang kami ng tilapiang batangas...yahoo...oops hindi pa rin daw available. Eh ito, adobong igat sa gata...yahoo...oops, wala pa rin po kaming igat, sabi nung serbidoro. Habang pinipigil namin ang galit ay malumanay kong tinanong yung kumukuha ng order, ANO PA ANG PUEDE NAMING KAININ, HINDOROPOT KAAAAAAA!!!, sir meron po kaming tinolang native na manok at lechon kawali pampaalis ng high blood. SIGE BIGYAN MO KAMI NIYAN AT DALIAN MO, BUSETTT...HINDOROPOT!!!

Tuesday, October 09, 2007

santa claus is coming to town

Nakakatuwa naman yung mga nakadisplay na Sta. Claus sa isang lugar diyan sa Manila. Kasi iba iba ang ginagawa ni Sta. Claus. Mayroong nakalambitin siya na para bang bababa sa chimney, yung isa naman ay parang nag-iihaw siya. Malapit na talaga ang pasko, halos dikit dikit na naman ang nagtitinda ng pangdisplay at panay na rin ang tomaan ng mga tomador. Dun nga lang sa reposo kung saan ay madalas akong madaan, halos gabi gabi ay puno na ng parokyano ang nasabing inuman. Kung magagawi ka naman dito sa bandang libis ay makikita mo na nagpapaligsahan ang kanilang mga streamer na may nakalagay na Octobeerfest na napapaligiran naman ng mga Christmas lights. Iba talagang magselebreyt ng pasko ang mga pinoy, pagpasok pa lang ng mga buwan ng ber ay hala ubusan na agad ang laban. Sabagay masaya naman talaga ang atmosphere kapag ber months, sana laging ganito ang buhay dito sa pinas para maiwasan na nung iba ang inggitan at tiryahan, masama kasi sa heart iyan eh.

Sunday, October 07, 2007

say a prayer for me now



Matagal na rin mula nung mapasok ako sa simbahan, pero hindi porke't hindi na ako pumapasok sa simbahan ay naging pagano na ako o naging kampon ni taning. May sarili akong dahilan kung bakit bihira na akong makasilip sa bahay ni bosing. Paladasal pa rin naman ako, kaya siguro medyo mabait pa rin si bosing sa akin. Kasi kapag rin lang may nangyaring mabuti sa akin, tingin agad ako sa itaas at pabulong akong magpapasalamat sa kanya. Basta para sa akin, lahat ng kilos at balak kong gawin ay siya lagi ang tinatanong ko at ginagawang backer. Ang nakakatuwa lang, kapag may hiniling ako, nagugulat na lang ako at dumarating naman. Hindi pera o sandamakmak na kuwarta ang hinihiling ko kay bosing, sagot na ng PCSO yun. Ang hinihiling ko minsan sa kanya ay sana bumuti ang kabuhayan at kalusugan ng mga kapit-bahay ko, mga kaibigan ko at kung maari nga sana ay lahat ng tao sa mundo para mawala na yung inggitan at siraan. Kaya nung minsang mapasok uli ako sa simbahan ay nagpasalamat ako sa kanya sa mga natanggap kong biyaya. Kaya lang pati pala sa simbahan ngayon ay may mga nakapaskel na ring babala, ganun na ba kalupit talaga ang mga pipol.

Saturday, October 06, 2007

stress buster

Alam nyo bang ang pagsusulat sa blog (web log) ay nakakabawas ng mga iniisip at alalahanin natin sa buhay. Kapag kasi nagsusulat ka sa blog ay nagiging abala ang isip mo kaya nawawala panandalian ang mga alalahanin natin at mga hindi magagandang pangyayari sa buhay natin. Pero hindi lang naman ang pagsusulat ang puedeng makaalis ng tinatawag nating stress. Yung iba jan, ang ginagawang pangontra sa stress ay sa pamamagitan ng pag eehersisyo. May masarap din palang gawing libangan na malakas makaubos ng oras. Yun bang scrapbooking, isa itong paraan na kung saan ay mag-iipon ka ng mga luma o bago mong litrato at gugupit gupitin mo ito tapos ay sasamahan mo ng ilang mga disenyo at isasalansan mo sila sa isang scrapbook album. Kala ko kasi nung araw, kapag sinabing scrapbooking ay libangan lang ito ng mga bata, pero hindi pala. Nakakatuwa kasi kapag nakakaboo ka ng isang pahina na puno ng disenyo. Ang maganda pa dito ay nailalabas mo ang nakatago mong talento sa art. Ika nga nung iba, kung gusto mo rin lang mag alis ng stress pero tamad ka namang mag ehersisyo, mag scrapbooking ka na lang, masaya pa.

Thursday, October 04, 2007

free gravy




Ang pinakamasarap pala sa isang reporter ay yung matsambahan mo ang aktuwal na insidente, dahil ika nga nila, eksklusibo o scoop. Nangyari kasi sa amin ito nung kasama kong buraot, pero huwag muna kayong malito ha, hindi kami mga reporter. Ganito ang nangyari, inabot kasi kami ng gutom nung kasama ko kaya naisipan na rin muna naming chumibog. Nung lumalapa na kami ay bigla kaming nakarinig ng isang malakas na tunog. Ang unang inakala namin ay baka may nataob lang na tray na may lamang pagkain. Pero nung matapos ang kaguluhan ay napuna naming bumagsak pala yung kisame nung kainan. Mabuti naman at papaalis na yung tatlong babae na nakaupo sa pinangyarihan ng insidente. Mabilis agad ang sumunod na pangyayari, pumapel agad ang manager nung kainan at inatasan ang mga crew nila na linisin ang mga kalat. Kasunod nito ay pinasara na sa security guard yung kainan at ayaw na munang magpapasok. Habang nililinis nung mga crew nila ang kalat ay bigla na namang bumagsak ang isang bahagi nung kisame na gawa lang pala sa lawanit. Joskopo, buti na lang at tapos na ang oras ng tanghalian, kasi kung nangyari ito sa kasagsagan ng tanghalian, malamang ang daming nabagsakan na mga bata dito. Paborito pa naman ng mga bata ang nasabing kainan na ito na one to sawa ang gravy, kaya puede mo nang isabaw dun sa kanin mo ang masarap nilang gravy.

nanyo

Nakarating na ba sa mga bakuran nyo yung usap-usapan tungkol sa isang palabas sa telebisyon na nilait lait daw yung kakayahan ng mga doktor sa pinas. Halos lahat ngayon ng sangay ng mga tsismoso ay ito ang pinag-uusapan. Gusto kasi ng mga noypi na balat sibuyas na humingi ng patawad ang gumawa ng script at yung artistang nagdeliver ng dayalog. Sabagay para nga naman nagkaroon dito ng racial discrimination, puede naman kasi nilang sabihin ang gusto nila huwag lang sanang magbabanggit pa ng pangalan ng bansa para safe ang dating, ika nga walang masasagasaan. Ako rin napuna ko ang diskriminasyon natin nung minsang makalabas ako ng bansa. Paglanding pa lang nung plane sa malawak at magandang airport ay agad kaming pinapila sa isang lane na kakaunti lang ang nakapila. Napuna ko na yung mga kasakay namin sa eroplano ay nabubulok sa ibang lane na mahaba ang pila, samantalang kami ay pinapunta dun sa ibang lane na walang pila. Nung mapuna ko ang pila namin, dun ko nadiskubre na lahat pala halos ng nakapila sa tinatawag nilang customs lane ay puro noypi. Kasi pala kapag noypi ka, madalas dito ay may mga dala dala tayong mga pasalubong katulad na lang ng mga bagoong o kaya ay mga tuyo na bawal sa ibang bansa. Ang iba naman ay puro iligal ang pinalulusot, kaya pala kapag nalaman nila na noypi ang sakay sa eroplano ay tinitimbre na agad dun sa point of destination, sagwa.

Monday, October 01, 2007

dont mess with my poopooh

Marami na akong naging trabaho na nagampanan ko naman ng maayos, pero nung makita ko yung ginagawa ng mga malabanan group of companies ay medyo nag-iba ang pagmamahal ko sa kasalukuyang kong trabaho. Ang tinutukoy kong mga trabahador ay yung bang gumagawa ng poso negro. Ngayon ko lang kasi nakita kung paano gawin ang isang barado at punong poso negro. Kung para sa akin, kailangan talagang mahal mo ang iyong trabaho bago mo magampanan ang ginagawa ng mga naglilinis ng pozo negro. Ang akala ko kasi nung araw ay basta lang nila ilalagay ang gamit pangsipsip sa loob ng ating mga poso negro, hindi pala ganoon lang iyon, kasi kapag pala barado na ang mga ito ay kailangan din linisin ito sa pamamagitan ng kanilang kamay. Kaya nung lumusong sa poso negro ang isang trabahador ay nabigla ako, kasi ang daming puedeng dumapong sakit sa taong ito. Halos kalahati ng katawan niya ay nakalubog sa tubig ng poso negro, pero nung inoobserbahan ko siya, nakita ko ang dedikasyon niya sa trabaho. Kaya nga tuloy nasabi ko na lang sa isip ko na kapag pala gusto talaga ng isang tao na magkaroon ng trabaho, madali itong magkakatrabaho, huwag lang siyang mamimili.