Friday, October 12, 2007

itik itik sa manila zoo, usong uso ang kamote q

May nakainan akong isang roadside eatery jan sa may Victoria Laguna, Pato de Laguna. Ang Victoria Laguna ay sa pagitan ng Bay at Pila. Kilala ang Victoria sa dami ng mga pato nila, kaya nga kapag nadadaan ka sa lugar na iyan ay marami kang makikitang rebulto ng pato. Ang nasabing roadside eatery ay napapagitnaan ng mga nagtitinda ng mga halaman. Maganda ang lugar nila at may mga tinda pa silang mga inantik na mga upuan na gawa sa kahoy. Siempre pa, dahil na rin nga sa ang sikat daw sa lugar na ito ay itik o pato, kaya iyon na rin ang una naming sinubukan nung mga kasama ko. Ang tawag nila sa pritong itik ay kinulob na itik. Ang style daw pala ng kinulob na itik ay pakukuluan mo muna ang itik ng mga secret herbs ng ilang oras at pagkatapos ay ibibitin mo sa daan ang nakuluang itik para tumulo ang natitirang tubig at para mausukan nung mga nagdadaang motorista, pagkatapos ay saka mo ito ipriprito na lubog sa mantikang gawa sa china. Masarap naman ang lasa, pero para sa akin ay pare pareho lang naman iyan, basta rin lang huhugasan mo ng malamig na serbesa. Ang sumunod naming inorder ay yung kanduli na sinigang sa miso...yahoo...oops hindi daw available. Sige palitan mo na lang ng inihaw na lumot...yahoo...oops hindi din daw available sabi nung serbidoro (lalaking waitress). Di bale paluto na lang kami ng tilapiang batangas...yahoo...oops hindi pa rin daw available. Eh ito, adobong igat sa gata...yahoo...oops, wala pa rin po kaming igat, sabi nung serbidoro. Habang pinipigil namin ang galit ay malumanay kong tinanong yung kumukuha ng order, ANO PA ANG PUEDE NAMING KAININ, HINDOROPOT KAAAAAAA!!!, sir meron po kaming tinolang native na manok at lechon kawali pampaalis ng high blood. SIGE BIGYAN MO KAMI NIYAN AT DALIAN MO, BUSETTT...HINDOROPOT!!!

0 comments: