Saturday, October 06, 2007
stress buster
Alam nyo bang ang pagsusulat sa blog (web log) ay nakakabawas ng mga iniisip at alalahanin natin sa buhay. Kapag kasi nagsusulat ka sa blog ay nagiging abala ang isip mo kaya nawawala panandalian ang mga alalahanin natin at mga hindi magagandang pangyayari sa buhay natin. Pero hindi lang naman ang pagsusulat ang puedeng makaalis ng tinatawag nating stress. Yung iba jan, ang ginagawang pangontra sa stress ay sa pamamagitan ng pag eehersisyo. May masarap din palang gawing libangan na malakas makaubos ng oras. Yun bang scrapbooking, isa itong paraan na kung saan ay mag-iipon ka ng mga luma o bago mong litrato at gugupit gupitin mo ito tapos ay sasamahan mo ng ilang mga disenyo at isasalansan mo sila sa isang scrapbook album. Kala ko kasi nung araw, kapag sinabing scrapbooking ay libangan lang ito ng mga bata, pero hindi pala. Nakakatuwa kasi kapag nakakaboo ka ng isang pahina na puno ng disenyo. Ang maganda pa dito ay nailalabas mo ang nakatago mong talento sa art. Ika nga nung iba, kung gusto mo rin lang mag alis ng stress pero tamad ka namang mag ehersisyo, mag scrapbooking ka na lang, masaya pa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment