Friday, October 26, 2007

cheap trick

Ang lupit din naman ng birthday ni utol, isipin mo para lang maging memorable ang araw na iyan ay pinalaya ng gobyerno natin ng isang dating presidente na una na nilang kinasuhan ng plunder, ika nga binigyan ng pardon. Magandang simulain iyan kung tungkol rin lang sa estado ng lokal na politika, kasi baka iyan na ang simula ng pagkakaisa ng mga politiko natin. Halos maghapon kong inaantabayanan sa radyo ang paglabas ng dating pangulo natin, isipin mo isa tayo sa parte ng history ng pinas kung saan inabutan natin ang ganitong kasaysayan. Balang araw kasi ay pag uusapan na ang pangyayaring ito lalo na sa mga elementarya. Halos hindi nga kami makainom ni utol ng malamig na serbesa at mapapak yung pulutan naming alimango, crispy pata at pampahaba ng buhay na pancit bihon, alergic kasi ako sa pancit kanton buti pa kung pancit kan...bastos. Habang umiinon kami ay pinapanood na namin sa radiowealth na black and white tv yung speech nung napardon na pangulo. Sabi niya ay inabot din daw siya ng anim (6) na taon at anim (6) na buwan sa kanyang resthouse arrest. At ngayon nga ay napirmahan na ang kanyang pardon o executive clemency kaya siya ay pinalaya na eksaktong alas sais (6) ng gabi. 666? sabagay hindi naman ako numerologist at hindi rin ako naniniwala sa mga satanic verses kaya ok lang sa akin iyan. Tinapos ng dating pangulo ang kanyang speech at pinasalamatan niya ang bagong pangulo dahil na rin sa pagkakalaya niya. Doon na kami napasigaw ni utol ng irap irap irap habang nilalaklak namin ang malamig na serbesa at balot na bagong luto na regalo ng mga taga san juan.

0 comments: