Nakarating na ba sa mga bakuran nyo yung usap-usapan tungkol sa isang palabas sa telebisyon na nilait lait daw yung kakayahan ng mga doktor sa pinas. Halos lahat ngayon ng sangay ng mga tsismoso ay ito ang pinag-uusapan. Gusto kasi ng mga noypi na balat sibuyas na humingi ng patawad ang gumawa ng script at yung artistang nagdeliver ng dayalog. Sabagay para nga naman nagkaroon dito ng racial discrimination, puede naman kasi nilang sabihin ang gusto nila huwag lang sanang magbabanggit pa ng pangalan ng bansa para safe ang dating, ika nga walang masasagasaan. Ako rin napuna ko ang diskriminasyon natin nung minsang makalabas ako ng bansa. Paglanding pa lang nung plane sa malawak at magandang airport ay agad kaming pinapila sa isang lane na kakaunti lang ang nakapila. Napuna ko na yung mga kasakay namin sa eroplano ay nabubulok sa ibang lane na mahaba ang pila, samantalang kami ay pinapunta dun sa ibang lane na walang pila. Nung mapuna ko ang pila namin, dun ko nadiskubre na lahat pala halos ng nakapila sa tinatawag nilang customs lane ay puro noypi. Kasi pala kapag noypi ka, madalas dito ay may mga dala dala tayong mga pasalubong katulad na lang ng mga bagoong o kaya ay mga tuyo na bawal sa ibang bansa. Ang iba naman ay puro iligal ang pinalulusot, kaya pala kapag nalaman nila na noypi ang sakay sa eroplano ay tinitimbre na agad dun sa point of destination, sagwa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment