Araw na naman ng mga patay, sigurado marami na namang kuwentuhang barbero niyan na katatakutan. Ito na kasi ang nakasanayan ng mga noypi kapag rin lang lumalapit na ang undas. Buti nga ngayon yung ibang mga may kayang pamilya ay ginagaya na ang holloween sa tate kung saan ang mga bata ay binibihisan nila ng magagandang holloween costumes at pinaliligid nila sa mga kapitbahay nila para sa trick or treat. Ang naaalala ko kapag rin lang undas ay yung umiistambay kami sa ibabaw ng nitso sa pantiyon, may nakatagong mumurahing alak at sigarilyuhan ng sigarilyuhan habang nakikipagbolahan sa mga kasama naming chicks. Halos inaabot kami ng dalawang araw sa sementeryo para lang pomorma at kapag wala ng mapag-usapan ay papasok na ang kuwentuhang nakakatakot. Minsan naman ay iniipon namin yung patak ng kandila at kapag nakaipon na ay ibebenta para may pambili uli ng mumurahing alak.
Sitting on a park bench
Eyeing little girls with bad intent
Snot running down his nose
Greasy fingers smearing shabby clothes
Sitting on a park bench
Eyeing little girls with bad intent
Snot running down his nose
Greasy fingers smearing shabby clothes
0 comments:
Post a Comment