Saturday, October 27, 2007

only the good die young

Malapit na naman ang araw ng patay, sigurado hindi na naman magkandatuto ang mga negosyante niyan kung anong gimik ang gagawin nila. Nagiging komersyal tuloy ang mga okasyon na dapat sana ay solemn. Pero teka mahiwaga din nga ang okasyon na ito. Saan nga ba napupunta ang tao kapag pumanaw na o umalis na sa lupa. Noong araw kasi (BC) ang paniwala ng mga tao, kapag nadedo ka na ay pupunta ka na sa impyerno hindi sa langit, kasi wala pa namang religion noon kaya hindi pa naituturo sa mga pipol na kapag ikaw ay nadedo ang ibig sabihin noon ay sumama ka na sa creator mo, biblical explanation iyan ng mga nadedo. Pero kung napanood nyo yung pelikulang ghost (and seksi ni demi no ang lakas maka L). Ang ganda ng pagkakalahad nila dun kung saan napupunta ang kaluluwa natin. Kaya lang medyo may tilamsik din ng biblia ang istorya, kasi ipinakita doon na ang mabuti ay maaring mapunta sa heaven at ang masama sa maaring kunin ng mga maiitim na tao para ihatid sa impyerno. Ang gusto ko sa pelikulang ito bukod na rin sa pagpapakita ng suso ni demi at sa paglalahad nila ng sex climax sa pamamagitan ng pagdisporma ng clay na ginagawang paso ay kung saan ba talaga napupunta ang mga namatay, lalo na yung biglaan ang pagkakamatay. Totoo kaya na nandito lang din sila sa lupa at nakikita rin nila ang mga ginagawa nating mga buhay pa. Kaya tuloy tinigilan ko na ang pagtitikul sa banyo, kasi baka mamaya ay pinapanood pala ako ng mga tiyuhin kong nadedo na, nakakahiya may hawak pa naman akong FHM kapag nagtitikul. Siguro tama nga yung sabi nung mga matatanda (hindi tungkol sa pagtitikul busettt, sariling aksiyon ko yun) kapag nadedo daw ang tao ay nag iikot pa iyon sa lupa at pagkatapos na nilang (yung mga nadedo) mag ikot at matanggap na sila ay out na o dead na ay saka lang sila hihigupin nung parang ilaw na puti para umalis na sa lupa. Kaya pala may 40 days na tinatawag o yung iba naman ay pa siyam. Pero ang alam ko, lahat ng tao ay malalaman din nila kung saan sila mapupunta kapag nadedo, kaya lang ay bihira ang makakapagkuwento kung saan sila talaga napunta dahil na nga dead na sila (after life experience). BC? before Christ, bakit di mo alam...atheist.

0 comments: