Tuesday, October 09, 2007

santa claus is coming to town

Nakakatuwa naman yung mga nakadisplay na Sta. Claus sa isang lugar diyan sa Manila. Kasi iba iba ang ginagawa ni Sta. Claus. Mayroong nakalambitin siya na para bang bababa sa chimney, yung isa naman ay parang nag-iihaw siya. Malapit na talaga ang pasko, halos dikit dikit na naman ang nagtitinda ng pangdisplay at panay na rin ang tomaan ng mga tomador. Dun nga lang sa reposo kung saan ay madalas akong madaan, halos gabi gabi ay puno na ng parokyano ang nasabing inuman. Kung magagawi ka naman dito sa bandang libis ay makikita mo na nagpapaligsahan ang kanilang mga streamer na may nakalagay na Octobeerfest na napapaligiran naman ng mga Christmas lights. Iba talagang magselebreyt ng pasko ang mga pinoy, pagpasok pa lang ng mga buwan ng ber ay hala ubusan na agad ang laban. Sabagay masaya naman talaga ang atmosphere kapag ber months, sana laging ganito ang buhay dito sa pinas para maiwasan na nung iba ang inggitan at tiryahan, masama kasi sa heart iyan eh.

0 comments: