Saturday, August 11, 2007

keep your eyes on the road , your hands upon the wheel


Parami na ng parami ang nagmomotor kaya parami na rin ng parami ang mga nadidisgrasyang nakamotor. Parami na rin tuloy ng parami ang mga imposibleng batas na gustong ipasunod sa mga nagmomotor. Masarap talagang magmotor dahil bukod sa matipid sa gasolina ay nakakasingit ka pa kapag trapik. Dito pa naman sa pinas ay ordinaryong tanawin na ang trapik. Ang mahirap lang sa pagmomotor ay tayo kasing mga noypi ay pala inom at wala namang batas dito na DUI (driving under the influence), kaya ang iba sa mga nagmomotor ay malakas ang loob pagsamahin ang pag-inom at pagmomotor. Ok lang iyan sa ngayon hanggat hindi pa naipapasa ang batas tungkol dito. Ang dapat lang kapag iinom kayo ay ilagay ninyo sa tiyan at hindi sa palad o kamay (ba bago ito ha) ninyo ilalagay ang alak. Kasi kung sa palad o kamay ninyo ilalagay ang alak at pagkatapos ay sasabakan ninyo ng pagmomotor, ang malamang na mangyari talaga diyan ay diinan ninyo ang throttle ng motor ninyo. Ang sarap naman talaga kasing magmaneho kapag naka-inom, para kang nasa impyerno. Ilan na ba ang sumemplang dahil sa ganitong sistema, halos hindi na natin mabilang. Kaya sa susunod na totoma kayo, iwan nyo na ang helmet ninyo, para kapag sumemplang kayo ay hindi maiskoba ang helmet ninyo.

1 comments:

Anonymous said...

Da h an d a han n a m a n ang pa g mo motor