Wednesday, April 30, 2008

atsay ng mundo

Yahoo pahinga na naman bukas dahil labor day. Sigurado katakot takot na welga na naman ang magaganap niyan bukas. Lagi naman kasing ganyan kapag labor day, magmamartsa papuntang malakanyang ang mga mangagawa, hihingi ng dagdag na suweldo, magkakaasaran sila ng mga itinalagang anti riot squad at bobombitin ng mga nakabantay na bumbero. Tapos ang isang araw.

0 comments: