Monday, April 14, 2008

rain- i dont mind


Bakit kaya biglang umulan ngayong kainitan ng panahon. Ito na nga kaya ang simula ng tag-ulan? pero hindi pa tapos ang tag-init. Bigla tuloy akong nag "gagels" (ika nga nung isang kakilala ko) kung ano ang lagay ng panahon sa loob ng isang linggo, ang resulta, puro maulap at manaka nakang tag-ulan hanggang biyernes. Buset sana naman ay hindi totoo ito at alam ko namang medyo nagloloko ang makinarya na pinamana ni mang ernie sa pag-asa. Handang handa pa naman ako at tapos ko nang iempake yung mga gamit ko para sa bakasyon grande ko sa taong ito. Pinayagan kasi ako ng mga intel bossing ko na magpahinga muna sa trabaho dahil napuna nila na kinakausap ko na raw yung luma kong typewriter. Kaya Ambo please, puede ba, por pabor. Magkano na kaya ang isang dosenang itlog ngayon sa parking lot ng Monasterio de Sta. Clara.


0 comments: