Friday, June 29, 2007

si taglay




Si taglay ay si Yani, isang taon at limang buwan na batang babae, pamangkin ko. Sa ngayon siya ang laruan at walking doll sa bahay ng mga mommy ko. Anak siya ng kapatid kong babae. Naging libangan na sa bahay ng mga mommy ko na kausapin lagi sa Taglay kahit alam namin na hindi pa siya nakakapagsalita ng maayos. Kapag dumarating nga ako sa bahay ni mommy ay sumisigaw na agad ito ng "abru", ito ang tawag niya sa akin at sabay sabi ng "ama, ama", dahil gusto niyang sumama sa akin sa pagmomotor o kaya ay sa pag-iikot ng kotse. Pero huwag na huwag mong ipapasyal si Taglay ng hindi kasama si Pooh, ang kaibigan niyang stuff toy dahil sigurado dadaigin ninyo ang magpakailan man drama series sa pag-iyak niya at panay ang bulong ng "wa poopooh, wa poopooh". Masarap din naman siyang ipasyal dahil may konsuelo ka kapag papaandar na ang scooter na dala namin, kasi ba naman ay ngingitian ka niya ng pagkatamis tamis, at sabay kakaway sa mga maiiwan namin sa bahay habang binabanggit ang katagang "abay abay, moooo wa" sabay flying kiss. Kung may piknikan naman kami sa bahay ni mommy ay isa rin si Taglay na abalang abala sa paglalagay ng mga upuang plastic at mga pinggan. At pagdating naman ng mga kakainin namin ay nangunguna na siya sa paghingi ng "papap" at kapag sinubuan mo na siya ay agad niya itong lulunukin at sasabihan ka niya na "wa papap". Naging bukang bibig na rin naming lahat ang salitang taglay. Kapag may "pupu" siya sa wetpu ang tawag namin ay may taglay (uu) si Taglay. Kung umiiyak siya, ang sasabihin naman ng mga kapatid ko ay bigyan mo nga ng taglay (dodo) si Taglay. Pero bakit ba natawag na taglay si Taglay?. Kasi nung minsang mapasyal siya sa Lola niya sa "Father's side" ay napuna nung Lola niya na masyadong makulit at maharot si Yani, kaya nabansagan siya doon na Taglay, kasi daw ay may taglay na kakulitan, kay magmula noon ay tinawag na naming taglay si Taglay.

Sunday, June 24, 2007

Jojo or Jay Taylor...my friend

Si Jojo (Jay, kapag mama niya ang tumatawag sa kanya) ay nag-iisang anak na lalaki, may kapatid siyang apat na babae at may sariling yaya para ibigay ang lahat ng pangagailangan niya. Kapit-bahay, kababata at higit sa lahat ay kaibigan ko siya. Malaking bulas si Jojo at kamukha ni Rudy Fernandez, pero torpe sa chicks, kaya nga nabansagan siya sa lugar namin sa Kankaloo na Bantrex (manok na 45 days pinalaki). Magkasabay kami kasama ang ibang mga kababata namin sa mga nakahiligan namin, nagsimula ito sa panghuhuli ng gagamba, pagpapalipad ng saranggola, pamamangka at paliligo sa ilog (yes enday may ilog pa noong araw sa Libis), pag-aalaga ng kalapati, paglalaro ng basketball sa bakuran nila (yes enday malaki ang bakuran nila dahil may kaya sila sa buhay), pambabasa kapag San Juan, pagpapakita ng mga bagong tule naming titi at hanggang sa pagsinghot. Hindi ko malilimutan ang araw nung katukin niya ang pintuan namin sa likod bahay at masayang ipinakita yung bagong bili niyang gitara. Isang imitasyon na Gibson, yaring Sta. Mesa. Kitang kita ko sa mata niya ang kasiyahan habang hinahagod namin ang kinis ng katawan ng gitara. Simula noon at halos gabi gabi ay nasa bubungan kami ng bahay nila bitbit ang gitara at makapal na Jingle. Doon ko nakita kung paano natuto si Jojo/Jay na kumalabit ng gitara, hanggang sa nabansagan na siyang Jay Taylor the bantrex guitarist. Masyadong obvious kung bakit siya natawag na Jay Taylor, dahil na rin siguro sa mga siprado niyang piyesa ni James Taylor. Hindi natatapos ang inuman namin sa bubungan ng bahay nila na hindi kami kakanta sabay sabay ng "Winter Spring Summer or Fall, all you got to do is callllll and i'll be there yes I will...". Matagal din namin na enjoy ang buhay binatilyo bago kami nagkahiwa-hiwalay upang sumunod sa idinidikta ng panahon. Nagkaroon kami ng kanya kanyang trabaho at nalipat sa ibat-ibang lugar, maliban kay Jojo na minabuting ipagpatuloy ang pagsinghot at manirahan sa bahay ng mama niya. Minsan isang araw ay may tumawag sa pinapasukan ko at nasa kabilang linya ang isa sa mga kababata namin, wala na raw si Jojo, ang dahilan? inatake, hindi ko malaman kung inatake sa sobrang pag gigitara o sa pagsinghot. Halos hindi ko na narinig ang iba pang sinasabi nung kausap ko sa telepono, dahil biglang umatras ang alaala ko sa masasayang araw at trip na pinagsamahan namin ni Jojo. Agad akong nagpaalam sa opisina ay mabilis na tinungo ang sasakyan upang puntahan ang labi niya sa bahay nila sa Kankaloo. Habang papalapit ako sa lugar ng aking kabataan ay iniisip ko kung kailan ako huling umiyak, ah naalala ko na, halos sabay kaming umiyak ni Jojo nung mamatay yung alaga naming kuliglig nung langgamin sa loob ng posporo. Tinatagan ko ang loob ko habang papalapit na ako sa labi ni Jojo, dahil alam kong mag-isa na lang akong iiyak ngayon habang hinuhuni sa isip ko ang "Winter Spring Summer or Fall, all you got to do is callllll...and i'll be there yes I will".


P.S-Habang sinusulat ko ang piyesang ito ay biglang nag-amoy mabangong bulaklak sa paligid ko kaya bigla tuloy akong napasinghot.

San Juan

Ngayon ay piyesta sa San Juan o Feast of St. John the Baptist. Kasabay nito ang araw ng Manila at ang parada ng lechon sa Balayan Batangas. Hindi ko malilimutan ang araw na ito kahit hindi ako tubong San Juan kung saan Ejercito lang ang natatandaang apelyido ng mga naninirahan doon. Ito kasi ang araw na inaabangan namin ng mga kababata ko sa Kankaloo nung araw, dahil kapag piyesta ng San Juan ay naging tradisyon na ang pagbabasaan. Maaga pa lang sa Kankaloo ay nakahanda na ang mga bombit bombitan namin nung araw. Kasama ko si Jojo/Jay (R.I.P), Lando, Rone (Ronnie). Kahit alam naming walang kinalaman ang Kankaloo sa piyesta ng San Juan ay nakikiselebreyt na rin kami sa pamamagitan ng pambobombit sa mga taong dumadaan sa Libis. Nakakatuwang maalala, halos naririnig ko pa rin ang hagikgikan habang nilulusob namin ang mga kapit-bahay na papasok sa kanilang mga opisina. Nung dati ay puede mong gawin ito sa mga kapit-bahay ninyo dahil medyo maluwang pa ang buhay at maunawain pa ang mga tao. Ngunit subukin mong gawin ito ngayon sa mga tao, baka sinelasin ka niya. Ilan taon din naming naging tradisyon ang mambasa kapag piyesta ng San Juan. Halos nagbinata na kami ay kilala pa rin kami sa ganoong modus operandi. Natutuwa nga sa amin yung mga matatanda sa lugar namin dahil hindi daw kami nagsawa sa pambabasa tuwing darating ang nasabing okasyon. Natigil lang ang ganitong libangan namin nung madiskubre na namin yung tindahan sa kanto ng Sangandaan at nung mahilig na kaming tumipa nang gitara habang nakaistambay sa bubungan ng bahay nila Jojo/Jay.

Saturday, June 23, 2007

lola koring

Si Lola Koring ay ermat ng ermat ko. Ma. Socorro ang tunay na pangalan niya. Sa kanya rin isinunod ang pangalan ng utol kong chick. Tubong kankaloo kaya medyo matigas ang paninindigan sa buhay. Ma barker ang turing nung araw sa kanya sa Libis, hindi dahil sa lagi siyang may dalang thompson, kundi dahil napalaki niya ang mga anak niya na may disiplina. Nagkaroon ako ng pagkakataon na abutan si Lola Koring (dedbol na siya sa edad na nubenta'y otso, pero pinipilit niyang nubenta'y nuebe na siya, bastos). Marami akong narinig na kuwento nung araw sa kanya. Mga simpleng kuwento ng buhay, katulad na lang kung paano kang magpalambot ng garbansoz at ang tamang paghahalo ng ube para hindi masunog. Sa kanya rin ako nakatikim ng lutong sinabawan na manok na maraming kasamang itlog na hindi pa nakabalot sa shell. Isa siya sa pinakamasarap magluto sa Libis nung araw. Ang bahay nila dun sa Libis ay sa tabing kalsada, kaya kapag nakaistambay ako sa bahay nila ay madalas niya akong kuwentuhan tungkol sa mga taong dumadaan sa harap ng bahay nila. Nanjan si Mang Nonchong na kilalang palasimba, kaya maagang kinuha ni Lord. Si Mr. Lorenzo na isang pulis, ito yung pulis na alam natin nung dati na kapag nakita mo ay tumatakbo ka palapit para magmano o mag magandang gabi. Hindi katulad ng mga pulis ngayon na kapag nakita mo ay pumapasok ka na agad ng bahay dahil baka matresyon ka ng hindoropot. Kay Lola Koring ko din narinig ang salitang hindoropot. Minsan sa isang kaswal ng kuwentuhan namin ay tinanong ko siya kung ano ang ibig sabihin ng hindoropot. Salitang kalye ba ito na nag-ugat sa salitang hindot. Ang sabi niya sa akin ay wala itong kinalaman sa masamang salita o mura, kungdi yung nakasanayan na lang niya itong banggitin kapag natutuwa siya o naiinis sa kahit anong bagay. Kapag daw dumaan ang magbabalot at gusto niyang bumili pero hindi niya kilala yung tao, ay hindoropot ang tawag niya sa magbabalot. Kung namimili naman siya sa palengke at gusto niyang tawaran ang paninda pero hindi siya binigyan ng discount nung nagtitinda, hindoropot din ang tawag niya doon. Ako mismo ay hindoropot daw dahil marami akong masyadong tanong. Nanghihinayang nga ako dahil nung nakakakuwentuhan ko si Lola Koring ay medyo bata pa ako. Sana ay umabot siya ng ilang daang taon pa at inabutan niya ang pag-eedad naming mga apo niya para masarap lalo ang kuwentuhan namin. Gusto ko kasi siyang tanungin kong ano ang masasabi niya sa mga bagong sibol na politiko, sa estado ng ekonomiya ng bansa natin, hindi lang puro tungkol sa panahon ng hapon na iniistorya niya at tungkol sa luwag ng trapiko nung araw. Pero hindi bale darating ang panahon at alam kong darating iyon at maririnig kong muli ang mga kuwento ni Lola Koring minus the hindoropot, bastos.

long may you run

Naranasan mo na ba sa sarili yung minsan ay gusto mong tumakbo pero wala ka namang pupuntahan. Hindi tungkol sa jogging o pag eehersisyo ang gusto kong sabihin, kungdi yun bang gusto mo tumakbo sa kalungkutan o sa kahirapan. Kung minsan kasi bigla kang mapapatitig sa kawalan, pagkatapos ay parang tinatanong mo ang sarili mo, kung bakit ka nagpapakahirap ganung wala rin naman nangyayari sa buhay mo. Kaya nga ako ay madalas mangarap kapag nagtatawag ng antok. Iniisip ko na retirado na ako, nakahiga sa isang umuugoy na unan na nakatali sa pagitan ng dalawang puno ng niyog at kinakaskas ko ang mga paa ko sa pinong buhangin habang tinatanaw ang ganda ng dagat. Ang lakas makawala ng "stress" kapag ganito ang pinagtritripan ko. Pero bakit nga ba tayo nagkakaroon ng takot sa sarili natin, ganung wala naman tayong dapat ikatakot maliban lang dun sa mumo sa ilalim ng hagdan. Tanda ba ito na nagiging seryoso na tayo sa buhay natin o masyado lang tayong kinain ng bulok na sistema. Buti na lang at hindi ako magaling sa math, kasi kung naging magaling ako ay baka makuwenta ko ang itatagal ko na lang sa mundo at ang kinikita ko. Kung kasi kukuwentahin ko ito, malamang na ang magiging suma total ng buhay ko ay papunta talaga sa kawalan kahit magkandakuba na ako sa trabaho. Buti na lang libre ang mangarap.

just another night

Wow buti na lang at sabado na pala, nakaligtas na naman ako sa isang malupit na biyernes. Masarap talaga kapag papalapit na ang biyernes, kasi ika nga puede ka na namang gumimik hanggang madaling araw dahil hindi mo kailangang gumising kinabukasan. Pero alam nyo bang masama rin pala ang madalas magpuyat, kaya nga bigla kong naalala yung namamasukan sa mga call center dito sa pinas. Karamihan kasi ng trabaho sa mga call center ay panggabi dahil ito ang pinakamalakas na oras. Kasi kung gabi nga naman dito sa atin, sa ibang bansa ay umaga o hapon. Maganda sana ang naitulong sa ekonomiya ng mga itinayong call center dahil nabigyan ng karagdagang hanap-buhay ang mga noypi. Ang mabigat nga lang diyan ay nasasakripisyo ang katawan ng mga empleyado diyan dahil na rin sa gabi gabing puyatan. Iba pa rin kasi talaga yung natutulog ka ng gabi kesa sa araw ka natutulog. Ok lang yan kung ipinaglihi ka sa kuwago o dun sa mga nocturnal animals na sanay tumambay ng gabi. Pero kahit ang mga party pipol ay hindi rin naman tumatagal ng 365 days sa puyatan. Kahit nga yung tulak ng tobats dun sa changgian ay umiiwas ding magpuyat dahil nga masama sa health niya.

Thursday, June 21, 2007

do not delay government project

Marami ang nag text sa akin at tinatanong kung kasama raw ba akong nakidnap kasama nung isang pari sa mindanao. Sabado pa raw kasi yung huling post ko ng journals ko. Hindi po ako nasama dun sa kinidnap na pari, dahil hindi naman ako pari. Hindi lang ako nakapag-post dahil "limited or no connectivity" ang laging lumalabas sa connection ng internet ko (hu palusot lang yan). Meron nga akong sinulat nung linggo araw ng mga erps, kaya lang nung ipapublish ko na, ayaw mapublish busettt. Kahapon naman ay umatake yung virus na Win32.Brontok.AO@mn. Maya't maya ay lumalabas sa computer ko. Buti na lang at kargado ng mga pinakamalakas na anti-virus yung lintek na computer ko, kaya ang lumalabas lang sa akin ay "achuchu (name of my anti-virus) has blocked this virus, your computer is not infected". Kasi ba naman sa loob lang ng dalawampung sigundo ay labingpitong beses lumabas yung nasabing virus. Hoy mga busett, kung gusto ninyong mamiwerwisyo, yung computer ni manong bill ang lusubin ninyo at hindi kaming mga pagpag eaters, dahil wala naman kaming masyadong ginagawa dito sa computer namin maliban lang sa pag check ng emails at pagpunta sa site ni paris.

dream a little dream for me

Naranasan nyo na bang makipag-usap sa mga taong grasa o yung mga batang kalye kung bakit sila nagkalat sa kalsada? Ano kaya ang iniisip ng mga damuhong ito. Kasi kung tutuusin ay hindi naman sila basta na lang lumabas sa mundo na parang singaw, kaya siguradong may mga magulang din ito. Nagtataka lang ako kung bakit mas gusto nilang kumalat sa kalsada at doon na manirahan. Sanhi rin ba ito ng kahirapan, pero puede ka namang umuwi ng tahanan mo kahit na sobra ang hirap ng buhay, kesa umistambay ka sa kalye. Nung isang araw kasi ay nagkaroon ng kaunting pagsisikip ng trapiko sa may J. P. Rizal, Makati. Ang dahilan? isang babaeng mukhang may kapansanan sa isip ang nakitang nakaupo sa gitna ng kalsada. Isa ako sa nag-usyoso kung bakit naisipan niyang umupo sa gitna ng kalsada. Nakakaawa ang hitsura niya, hindi dahil sa marumi na ang suot niya kungdi naawa ako, dahil alam kong alam pa rin niya ang kanyang ginagawa kaya lang ay hindi na makontrol ng kanyang isip, dahil na rin siguro sa gutom at sa dami ng problemang iniisip. Balak ko siyang lapitan para tanungin kung ano ang kanyang iniisip o kaya ay alukin kung gusto niyang kumain, ngunit hindi na ako nakalapit dahil na rin balot na siya ng mga taong gobyerno ng makati. Sariwa pa rin sa isip ko, ilan taon na ang nakakaraan, nung naisipan kong kumain sa isang pizza parlor sa bandang Araneta center. Kaunti lang ang inorder ko noon, dahil na rin sa nag-iisa lang ako. Pero nung nagsisimula na akong kumain ay may kumatok sa babasaging salamin ng nasabing pizza parlor. Nung aking lingunin, sila ay mga batang kalye, apat sila at sumesenyas sa akin ng chicha, ika nga ay humihingi ng chinichibug ko. Tinitigan ko muna ang mga mata nila bago ko senyasan na mag-sipasok sa loob ng naturang pizza parlor. Sa pinto pa lang ng nasabing kainan ay pinigil na sila ng jaguar na nakatalaga sa pinto. Kaya tumayo ako mula sa aking mesa at nilapitan ko yung jaguar na nakatalaga sa pinto upang sabihing pinapapasok ko ang mga batang kalye. "Sir bawal po sila dito sa loob" ang sambit nung jaguar sa akin. "Bakit?" ang tanong ko sa kanya. "Kasi po ay marurumi sila" ang sagot niyang muli sa akin. Nilingon ko muna ang paligid nung nasabing pizza parlor kung may dress code sila, nung makita kong wala namang nakapaskel na dress code ay sinabi ko sa jaguar na "mga bisita ko ang mga batang iyan kaya dapat mong papasukin sila at kakain kasi kami". Walang nagawa ang jaguar kungdi papasukin na rin ang mga batang kalye. Nang makalapit na kami sa mesa ko ay hindi ko na nagawang alukin silang kumain, sila na mismo ang dumakma nung kinakain kong pizza. Umorder pa uli ako ng isang set ng pizza at nilantakan pa rin nila ito, habang nanonood na parang nandidiri ang ibang kumakain. Naisip ko tuloy sa sarili ko na mas masuwerte kayong mga nandidiri sa mga batang ito, dahil kayo ay nakakakain ng ganitong klaseng pagkain tuwing gusto ninyo. Pero para sa mga batang ito, ang pagkakataong ito ay parang pasko na sa kanila. Nung papalabas na kami ng mga bata sa naturang pizza parlor ay humingi ng dispensa ang jaguar sa akin sa mga ikinilos niya. Nginitian ko na lang siya at sabay lunok sa laway ko na kanina pa namumuo sa lalamunan ko.

taglish

Bigla akong nanibago sa mga nakalagay sa blogger, puro tagalog ang nakasulat ng "feature". Dito lang kaya sa pinas iyon, paano kaya nalalaman nung mga "administrator" ng blog na noypi ako, dahil ba sa puro tagalog ang ginagawa kong blog. Maganda sana dahil nga puro tagalog ang mga "feature" pero kung minsan mas nakakalito ang ganito dahil nasanay na tayo sa mga ingles, kaya nakakatawa kapag nakita mo na tagalog version yung dati mong nakikita na ingles. Hindi ko tuloy maiwasang matawa kapag nababasa ko yung "nai-autosave" o kaya ay yung "mga etiketa para sa post na ito". Nagkaroon na rin ng isyu tungkol sa kung ano ang dapat gamitin ng "form of communication" ng mga mag-aaral nating noypi. Kasi may nagsasabi na dapat ay "english conversant" tayo para makaahon ang bansa natin sa kahirapan, naiiwan daw kasi tayo sa mga kapwa nating "asian nation" dahil na rin sa kakulangan natin sa pagsasalita ng ingles. Mga buwang hindi totoo yan, tignan nyo ang bansang hapon, bihira ang marunong mag-ingles jan pero tignan nyo, napakaunlad ng bansa nila. Yun ding thailand, halos lahat ng kausapin mo dun ay one chick (six baduy) tseven (seven, baduy ka talaga), pero maunlad na bansa din. Hindi kailangan ng noypi na maging magaling na ingles para umunlad ang bansa natin. Ang kailangan ng bansa natin para tayo umunlad ay paalisin yung pala-ingles na mga "government officials" na mga kurap.

Saturday, June 16, 2007

shit happens

Howag totok galet barok, basta't isipin mong mahal kita...i luv you dodong, right side...suicide. Siguro pamilyar na kayo sa mga ganitong tanawin. Madalas mo itong makitang nakasulat sa likod ng mga malalaking trak. Nakakatuwa din magbasa nito lalo na't naiipit ka sa traffic at nasunod ka sa mga trak na may nakasulat. Kung pag-aaralan mo ang mga nakasulat sa trak ay maari kang makakuha ng aral, kasi iba iba ang mensahe nila, may tungkol sa pag-iingat (howag totok galet barok), may tungkol sa pagmamahalan (basta't isipin mong mahal kita...i luv you dodong), may motoring (pun intended) tips (right side...suicide). Sana mahiligan din nang mga may ari ng kotse o yung bang mga pribadong sasakyan ang maglagay na kani-kanilang maikling mensahe sa likuran ng mga sasakyan nila (kahit sticker lang mura na naman ang pagpapasadya nito), para kapag traffic ay may napapaglibangan tayong lahat.

everyday

Bukas ay father's day na naman, sigurado puno na naman ang mga karerahan niyan at sangkaterba ang chumachapak sa winner take all. Kidding aside under the bedside, mas maganda siguro kung hindi na maglalagay ng petsa sa anumang okasyon. Kasi parang nagiging hipokrito pa tayo kapag ganun. Katulad na nga lang ng father's day bukas, di obvious na magbabait ka sa erpat mo dahil araw nila, kung mother's day naman ay kay ermat ka naman kakampi. Sa bahay nila erpat at ermat ay hindi namin sinusunod ang eksaktong araw ng mga selebrasyon. Basta kami doon, basta rin lang may pagkakataon ay nagsasama sama, bibili ng puedeng kainin at mapulutan, ilang boteng malamig na serbesa, uupo lahat kami sa sala habang nakabukas ang Radiowealth collored tv at presto parang fiesta, pasko, bagong taon, mother and fathers day, brother and sisters day. Sa ganung paraan ay hindi kami lahat nagigilti kesehodang hindi ka makapunta kung araw ng erpat or araw ng mga ermat, kasi halos araw araw at gabi gabi ay ginagawa na namin iyon. Close pa ang dating at bukas ang kumunikasyon.

Thursday, June 14, 2007

batang kankaloo

Naaalala nyo pa ba yung dati nyong tropa? Yung bang mga kababata nyo na kasabay mo sa mga kapilyuhan nung araw. Bigla kasing pumasok sa isip ko yung mga kababata ko sa kankaloo sa may libis talisay nung minsang mapagkuwentuhan namin ni erpat yung lugar na kinalakihan namin. Kaya bigla kong naalala si Noel, Ging-ging, Mecho, Delyo at Nono, mga kababata na kasabay kong nangunguha ng duhat sa bakuran ni Aling Kodyang, marami kasi dun malalaking puno nung araw. Sila rin ang mga kasama ko sa ilog kapag namamangka kami at nanghuhuli ng mga kataba, mga kasabay kong umiitim sa itaas ng bubong habang nagpapalipad ng saranggola at kung minsan naman ay pumapalakpak sa mga kalapati habang nagliligid sa ere at kung uso naman ang gagamba ay mga kasama ko ring nangunguha ng mga gagamba sa talahiban. May kanya kanya silang talento kung tutuusin. Si Noel ay magaling gumuhit at maglettering, sa kanya ako natutong gumuhit nung nagsisimula pa lang kaming kumopya ng mga drawing ni Larry Alcala at yung mga barok at kalabog and bosyo series sa komiks. Si Ging-ging naman (lalaki rin po siya) ay mahusay sa electronics, paghahalo ng kung ano anong drinks at paglilinis ng bahay. Siya rin ang pinaka pogi sa aming lahat, kamukha kasi siya ni Shaun Cassidy at Leif Garrett, kapag nasa bahay nila kami ay madalas ko itong nakitang nagsusuklay at kung may lakad kami, siya ang pinakamatagal maligo at magbihis. Kung meron namang bruce lee sa america nung araw, si Mecho naman ang Bruce Lee ng kankaloo. Mahilig ito sa martial arts, sa kanya ko unang nakita yung mga snake attack, bird stance at iba pang mga tungkol sa karate. Si Delyo naman ang pinakamadasalin sa aming lahat, maaga niyang natutuhan ang lumaban sa buhay dahil sinasama siya ng tatay niya sa paghahanap na pagkakakitaan para may maiahin sa hapag kainan at ang kapatid nya namang si Nono ang pinaka-bata sa aming lahat pero pinakamalaking bulas naman, kaya kapag may liga nung araw sa basketball, siya lang ang nakakalibre ng uniporme samantalang lahat kami ay nanonood lang sa kanya. Madalas pa rin akong mapasyal sa kankaloo dahil may bahay pa rin naman ang mga kamag-anak namin doon, kaya kapag may pagkakataon ay nakikibalita pa rin ako sa mga kababata ko doon. Nagsi-alis na rin kasi sila lahat sa kalookan maliban kay Ging-ging at Nono na doon pa rin nakatira. Si Noel at Mecho ay sa Cavite na kasi nakatira habang hinihintay na lang nila ang visa patungong Tate. Si Delio naman ay nasa Marilao, Bulacan na at masayang nagtataguyod ng kanyang pamilya. Hindi ko maiwasang ngumiti ng palihim tuwing malilibis ako sa lugar na kinalakihan ko. Para kasing nakikita ko pa rin yung araw na masaya kaming naghahabulan pataas at pababa sa naturang kalsada. Nakatatak pa rin sa isip ko yung hitsura nung gupit namin na may kaunti pang polbo sa patilya habang nagbabatukan kami kung sino sa amin ang may poklat. Naririnig ko pa rin yung bungisngisan namin kapag lumingon sa amin ang mga kababata naming babae tuwing sisitsitan namin. Yung unang hitit namin ng sigarilyo sa likod ng munisipyo kung saan may "home made" kaming pipa na gawa sa takip ng ballpen na hiniwa sa dulo. Yung pag-aangkasan namin sa una naming bisikleta kahit mag-amoy lupa na kami sa sobrang pawis. At sino ba naman ang makakalimot dun sa una naming panonood ng sine sa Recto kung saan halos magasgas ang mga double knit naming pantalon kasisiksik sa mga tao. Nasabi ko tuloy minsan sa sarili ko na sana dumating muli yung araw na magkita-kita uli kami, ulyanin man o hindi at subukin uli naming magpalipad ng saranggola habang pumapalakpak sa mga kalapating nagliligid sa ere.

Wednesday, June 13, 2007

chowking circa 2007 6:12

Hindi ko na sana ikukuwento ito kasi baka isipin nung iba na nagpapapogi points lang ako, weno naman kung magpapogi points ako, paminsan minsan ay kailangan din ng pipol nun para ba ma uplift ang spirits ng ibang makakatalisod ng journals ko. Lunch time kasi at naisipan kong magpanggap na mayaman kaya pumunta ako sa chowking para doon mananghalian. Pagdating ko ay matao na sa nasabing lugar, may mga nakapila na sa counter at kakaunti na rin ang available na mesa at upuan. Dumirecho agad ako sa counter para pumili ng makakain ko, habang nakapila ako sa counter ay may napuna akong isang matanda na naka-upo na at may mga nakapatong sa mesa na dala-dalahan niya. Pagtapat ko sa customer service ay umorder agad ako ng isang sweet and sour lunch set, ito yung may breaded pork na lumalangoy sa sweet and sour sauce, may dalawang beef siomai, butche, labing-isang maliit na parang chicharon (bilangin nyo rin yung order nyo minsan), rice at pancit canton. Dahil na rin hindi ako mahilig kumanton, err I mean kumain ng pancit canton, binilinan ko na agad yung nakatayo sa counter na pakibalot na agad yung pancit canton at ite take out ko na lang, humingi na rin ako ng sabaw, chili garlic, kalamansi at pina upsize ko ang aking inorder na ice tea, binilinan ko pa yung customer service na huwag kalilimutan yung ice tea ko na lagyan ng yelo. Klik Klak total, sabay bayad at iseserb na lang daw yung order ko kaya binigyan ako ng number na nakadikit sa isang plastic na korteng paper weight, my number? 9,624. Naupo na ako sa malapit sa pintuan para kung magkaroon man ng kaguluhan at magkatakbuhan ay madali akong makakadampot ng mga naiwanang cellphone at makakalabas agad ako sa pinto. Habang nagmumuni muni ako ay bigla nang dumating yung order ko, sir number 9,624 ito na po yung order nyo at yung pinabalot ninyong pancit canton, may kulang pa ho ba? sambit nung nagserb na guapong waiter...hindi ko na sinagot ang tanong niya at nag sign of peace na lang ako sa waiter, and according to my daily ritual ang inuna kong nilantakan ay yung hot soup na gawa sa pinakuluang chicken joy, yes kaya masarap ang sabaw sa chowking at dahil galing sa chicken joy broth ang sabaw na pinamimigay nila. Sumunod ay ang main course na ang tinira ko at pagkatapos nito ay naghimagas ako nung labing isang maliit na parang chicharon. Nung lalantakan ko na yung buche na kasama sa order ko ay napuna ko yung kaninang matandang babae na nag-iikot sa mga mesa nung mga customer na tapos nang kumain at nakaalis na. At dahil na rin nagkaroon ako ng kaunting training sa counter intelligence ay sinundan ko ng tingin ang kilos ng matandang babae. Maya maya pa ay napuna ko na ininom niya yung natirang softdrinks sa mesa, kakaunti lang yung natirang softdrinks parang kasukat lang nung isang tagay na emperador kung titignan mo. Bigla tuloy nagflashback ang isip ko, hindi ba ito yung kaninang naka-upo sa isang mesa na may mga dala-dalahan na buong akala ko ay hinihintay lang yung kasama niya na umoorder sa counter, iyun pala ay naghihintay siyang matapos ang mga kumakain, at kung may matira ay lalapitan niya ang mesa bago pa man mailigpit nung mga waiter ang mga tirang chibog at ito ay kakainin niya. Bigla akong nakadama ng pagka-awa dun sa matandang babae (enter music here kahit anong music basta malungkot), kasi kung titignan ko yung ale sa palagay ko ay malalaki na rin ang anak nito at maaaring nagtratrabaho na rin, pero heto siya sa magulong mundo ng chowking at nakikihalubilo sa mga kustomer at nagpapanggap din isa siyang customer para makakain ng tira ng ibang tao. Halos hindi ko malunok ang laway ko sa nasaksihan kong kaganapan. Bigla tuloy akong napatingala at nagpasalmat sa Diyos sa katatapos ko lang na biyayang natanggap sa kanya at sabay tanong ko din sa Diyos kung bakit may mga tao pa ring nagugutom, buti na lang at hindi siya sumagot kundi baka hinimatay pa ako sa loob ng chowking. Bigla tuloy napukos ang isip ko sa matandang babae at inobserbahan ang mga kilos niya. Sa aking pagoobserba ay nakita ko na talagang gutom lang siya at hindi miyembro ng salisi gang, kasi hinihintay muna niyang makaalis ang mga tao sa mesa bago niya lapitan ang nasabing mesa at kainin ang mga natirang pagkain. Matagal ko na rin siyang napagmasdan sa mga galaw niya at nung nakita kong halos kakaunti na rin ang nagtitira ng pagkain sa kanilang mga mesa dahil na rin siguro sa kahirapan ng buhay, kaya ako na mismo ang lumapit sa matanda at nang magkasalubong kami ay walang kagatol gatol na iniabot ko sa kanya yung pinabalot kong pancit canton at sinabi kong kainin na niya ito. Hindi na siya kumibo ay tinitigan lang niya ako, sa kanyang pagtingin sa akin ay nakita ko sa kanyang mga mata na sinagot na ako ng Diyos sa tanong ko kanina.

i want some money...that's what i want

Narinig nyo na naman ba yung kinakana nung mga taga NTC na kailangan daw iparehistro ang mga cellphone natin sa halagang P150.00 pataas kada taon para daw maiwasan ang mga nanloloko sa cellphone katulad na lang nung mga spammers. Ano kala nyo sa mga tao, puro bobo pa rin, kaya nyo namang sawatain ang mga spammers kung gusto ninyo kahit hindi rehistrado ang mga cellphone, line tapping nga ay nagagawa ninyo yung pang mga simpleng text maniac lang ay hindi nyo masawata at ang gusto ninyo ay irehistro muna ang mga cellphone. Alam na naman ng lahat ng cellphone users kung bakit nyo gusto iparehistro ang mga unit nila, simple lang yan watson, in mathematics this is called lots of money. Kaso dito sa pinas kapag nasabi na ng mga ahensya na gusto nilang gawin iyan, sigurado ako kahit ipaputol ko pa ang mga daliri nung tropa kong kuripot ay matutuloy din iyan. Di bat ganyan din yung nangyaring road users tax na kinana ng mga LTO kung saan nadagdagan ang ibinabayad natin sa pagpaparehistro ng ating sasakyan dahil daw sa road users tax para maging maganda raw ang mga kakalsadahan natin. Subukin mong dumaan diyan sa A. Bonifacio tignan ko lang kung hindi mabalahaw ang sasakyan mo. Madali talagang gumawa ng pera lalo na't itatago mo ito sa pagpapasunod ng batas kuno, pero sana naman kung gusto ninyong kumatkong ng limpak limpak na pera sa mga common tao o dun sa mga pagpag eaters, ibalik nyo rin naman sana sa kanila o ipakita na talagang ginastos ninyo yung pera, hindi yung puro kolekta lang kayo...wettaminute, baket ko ba biglang nasabi ito, nalimutan ko na nasa pinas nga pala ako at tapos na ang araw ng kalayaan.

i can read your mind

Masarap siguro yung mayroon kang third-eye o kaya ay yung nababasa mo ang isip ng ibang tao. Ang unang magiging prebiliheyo sa iyo nito ay maari kang makaiwas sa gulo dahil sa simula pa lang ay alam mo na agad ang iniisip nung katabi mo kung gagawa siya ng masama laban sa iyo. Kung manyakis ka naman ay makakarami ka sigurado ng chicks kasi malalaman mo kung sinong chiching ang may crush sa iyo at siempre kapag nabasa mo yung isip niya na may crush siya sa iyo sigurado didigahan mo na agad siya. Maganda rin yung may third eye ka, yun bang nakakakita ka ng mga bagay na hindi nakikita ng iba, ika nga para kang may matang pusa ang sabi ng matatanda. Kung napanood nyo yung pelikulang ghost nung araw na pinangungunahan ni ate demi moore, gandang babae nito, pati nga ako ay nagpagupit nung kamukha ng gupit ni ate demi nung araw. May isang character doon na si whopie, whoopy, whoppie, whoopie basta yung negrang si gulberg, goolberge, goolberg, basta yun na nga yun. Ang labas nung negrang artista dito ay nagpapanggap siyang nakakakontak ng mga yumao na, pero kalaunan ay napatunayan niyang mayroon pala talaga siyang powers na makarinig ng mga boses ng mga yumao na. Di bat magandang karanasan iyan, kasi puede mong tanungin yung mga nagsialis na sa mundo kung ano ang buhay sa dako pa roon. Maganda ang pagkakalahad nung istorya ng ghost, ika nga sa ingles ay well researched at naiprisinta nila ng malinaw sa mga nanonood kung saan maaring mapunta ang isang tao kapag pumanaw na, puede kang mapunta sa liwanag (heaven) o sa madilim (hell) na lugar, depende na rin sa ginampanan mong papel sa lupa kung naging mabuti ka o naging masama. May maganda rin akong natutuhan sa pelikulang ghost, ito yun kung paanong gumawa ng paso.

Monday, June 11, 2007

such a holiday

Bukas ay araw na naman ng kalayaan ng pilipinas, sigurado katakut-takut na selebrasyon na naman ang mangyayari niyan, ngayon pa nga lang ay nagkalat na ang mga nagbebenta ng bandila ng pilipinas. Pero may tanong ako, talaga bang nakamit na natin ang kalayaan, wala kasi akong maramdaman na kalayaan maliban lang sa libre kang uminon ng malamig na serbesa sa gilid ng tindahan, yun eh kung hindi ka madadaanan ng mga baranggay tagay.

Saturday, June 09, 2007

commercial break

Narinig nyo na ba sa radyo yung isang commercial na hindi raw niya mapa oo yung mga chicks pero biglang nasingitan ng pangalan ng lalaki na hindi rin niya mapa oo, tapos sabay babanggitin yung pangalan ng isang gamot para ka ma oo. Magaling yung nag-isip nun kasi ang talagang gusto niyang sabihin doon ay hindi nya raw mapa tache yung mga kilalala niyang tao, eh di ba ang tawag ng mga bata sa tache ay oo, kaya nga ang mga bata ang gawain lang ay papa meme at oo. Naalala ko tuloy yung mga magagandang commercial na bumaon sa isip ng mga tao. Siguro sariwa pa sa inyo yung Karen commercial kung saan hinati nung lolo yung meryenda niyang burger para ipasalubong kay Karen. Maganda rin ang pagkakadale nila sa nasabing tv ad. Yun namang Caronia, caronia for achuchu its caronia...use caronia male powder. Masarap ding masama sa ganyang klaseng trabaho, yun bang kayo ang mag-iisip kung paano tatatak sa isip ng mga tao yung isang product. Kunyari paano mo maibebenta ang sigarilyo sa mga tao. Siempre gagawa ka na isang commercial na kunyari ay may isinusugod sa emergency room na lalake na ubo ng ubo at halos buto't balat na dahil sa kasisigarilyo. Kakabitan ito nang kung ano anong suwero para masagip ang buhay, tapos biglang makakarekober yung isinugod na pasyente. Magpapalakpakan ang mga doktor at mga medical aide habang yung asawa nung pasyete ay naluluha sa gilid, tapos iuupo nila yung pasyente sa gilid ng kama at dahil nga nailigtas ang buhay niya ay maglalabas ng sigarilyo yung doktor ay magsisigarilyuhan na sila bilang hudyat ng selebrasyon na nailigtas nila sa kamatayan yung tao. Diba magandang idea para maibenta ang sigarilyo.

dear lord give me strength to carry on

Naunsiyame na naman yung pag asa nating yumaman, kasi may tumama na pala dun sa pinakamalaking lotto draw na umabot sa one hundred twenty six million pesos. Ang daming pera nun mga tol, kahit isang sakong chongke puede kang mag stock sa haybul mo kung ikaw ang nakadale ng nasabing draw. Taga cebu daw ang tumama, kaya siguradong ang mga party pipol from cebu puro yan ang usap-usapan ngayon. Masarap ding mangarap, sabagay libre lang naman ang mangarap, pero kung makikita nyo ang pila sa mga lotto outlet bago pa bolahin ang nasabing draw ay magugulat ka sa dami ng mga gustong gumanda ang buhay. Dito pa lang ay mapupuna mo na, na masyado nang humihirap ang buhay sa pinas, kaya wala nang ibang maisip ang mga tao kungdi ang umasa na lang sa himala. WALA WALANG HIMALA, WALANG HIMALA. Sino ba naman ang hindi kakagat sa ganun karaming salapi, pati nga ako kahit nakatakip ng bayong ang mukha ko ay pumila rin ako nung araw na iyon kasi iniisip ko marami naman akong natulungan at naging mabait naman akong tao, kaya baka kako pagbigyan na ako ni lord na matamaan ang isa sa pinakamalaking jackpot sa lotto. Bago nga ako matulog nung disperas ng bola ng lotto ay iniisip ko na kung ano ang gagawin ko sa naparaming pera kung sakaling ako ang tumama. Kaya nung nakahiga na ako sa kama ay pumasok na sa isip ko yung magpagawa ng bahay na abot sa langit ang taas, tapos bibili ako ng kotse na maliit lang pero dalawa lang ang puedeng sumakay para bang yung kay james bond. Siempre pa bigla ko tuloy naalala yung paborito kong bahay na nakatayo sa gilid ng boracay, bibilhin ko din iyon dahil kapag marami kang salapi lahat ng bagay ay "for sale". Pupuntahan ko din yung magagandang kainan sa paligid ng metropolis para naman mapagkumpara ko ang lasa ng kalderetang kambing sa mga five star hotel. Bibili ako nung pinapangarap kong rolex perpetual oyster na relo at dadaan na rin ako sa lacoste shop para pakyawin ang mga magaganda nilang sapatos...T_shirt? hindi ko kailangan yan marami namang fake lacoste t-shirt sa 168 mall. Mahirap nang puro mamahalin ang suot ko kasi baka mahalata na ako ng mga tropa ko at nung mga kidnaper. Tapos, tapos ang susuzzzzzzzzzzzz. (next day) Koya, koya geseng na may nanalo na sa luttu taga cebu...koya baket basa ang kama mo, najingle ka pa ba sa kama?

samosa

Chicken curry, indian pipe, vicks inhaler, menthos candy, 125 cc na motor at 5-6. Kapag yan ang nakikita ko ay naalala ko ang mga bumbay, pero hindi lang pala jan umiikot ang buhay nila marami pa ring makikita sa mga Inpin (Indian Pinoy) lalo na sa mga pagkain nila. Nagkaroon kasi ako ng pagkakataon na makapasok sa isang indian grocery, yung assad na matatagpuan jan sa U.N. Ave na malapit din sa templo nila. Pagpasok pa lang namin ay alam mo na agad na isang indian grocery ang lugar dahil amoy menthos. May ipinasubok na pagkain ang kasama namin, ito yung samosa para itong empanada. Masarap siya kaya lang ang style nila ay may sawsawan itong tamarind sauce at medyo maanghang. Habang namimili yung kasama namin ay nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-ikot sa grocery at napuna ko na halos lahat ng tinda doon ay maaanghang. Ang maganda pa nito ay may tinda rin pala silang goat meat, siguro mahilig ding kumain ang mga bumbay ng kambing, kaldereta rin kaya ang luto nila dito o goat curry. Bigla ko tuloy naikasa sa cassette player ko yung tugtog ni ravi shankar na sindhi bhairavi.

Thursday, June 07, 2007

sweet dreams are made of these

Kaya maaga akong nakapagsulat ng journals ko ngayon ay dahil may napanaginipan ako. (calling all dream interpreters). Nakasakay daw ako sa isang barko, siempre pa wala rin lang akong magawa sa barko kaya nagmuni-muni ako sa paligid hanggang sa makarating ako sa cabin nung bumbay na kapitan ng barko. Maganda ang cabin nung kapitan na bumbay, may sarili siyang telebisyon at overlooking ang karagatan sa naglalakihang salamin na bintana sa kuwarto niya. Naikuwento niya na madalas daw siyang makadali ng chicks sa cabin niya lalo na yung mga dalagita na wala rin magawa sa barko. Malaki ang pangagatawan ni kapitan at puro balahibo ang dibdib niya, yes enday nakahubad pag-itaas siya nung madatnan ko sa captains cabin. Maya maya lang ay may kumatok sa kanyang cabin at napuna ko na isa itong akres, actress, acctress basta artistang babae na seksi at kilalang kilala sa puting tabing may kasama siyang batang lalaki pero hindi nasabi sa panaginip kung anak niya ito, siempre naman sino ba namang seksing artista ang aamin na may anak na siya. Pagpasok niya sa cabin ay kilala pala siya nung bumbay na kapitan, kaya naging palagay ang loob namin sa isat-isa, maya-maya pa ay inaya nung bumbay yung batang lalaki na mag-ikot sa paligid ng barko kaya naiwan kaming dalawa nung seksing artista sa cabin. Nagkakwentuhan kami at biniro ko siya na gusto ko sana siyang makasex, pumayag naman siya at sinimulan na niya akong halikan sa labi, pababa sa leeg at balikat. Habang ginagawa niya ito ay dinadampian ko naman ng labi ko ang kanyang tainga habang kinakapa ko ang kanyang dede. Nung nag-iinit na ang katawan naming dalawa ay biglang tumunog ang alarm clock at kumatok ang bumbay na kapitan at sinabing malapit na kami sa maynila. Agad akong napatayo ay sinilip sa naglalakihang bintana kung talagang malapit na kami sa maynila, ayun at nakita ko nga ang gilid ng roxas boulevard, kaya wala akong nagawa kungdi lumabas na lang sa cabin. Ano na nangyari dun sa artistang babae? bigla siyang nawala kasi panaginip lang naman, alangan namang isama ko pa siya sa paggising ko.

before the dawn

Tahimik na naman ang tabakuhan sa haybol kasi pasukan na naman ng mga estudyante. Ang mabigat lang pati ako ay nadadamay sa maagang gisingan ng mga hindiropot. Halos madaling araw pa lang ay tumutunog na ang alarm clock para ipahiwatig na dapat na silang bumangon sa malalim na pagkakatulog. Napupuna ko sa eskuwelahan ngayon, parang ang haba ng oras na ginugugol ng mga estudyante. Kami kasi nung nag-aaral pa sandali lang kami sa eskuwelahan, ginagawa lang naming meeting place ang lugar tapos kapag nagkita na kami ng mga tropa alis na agad kami sa iskul at diretcho na kami sa isang magandang lugar para mag-jamming. Kaya nung araw ay hindi uso ang mga school service kasi malulugi sila sa amin dahil walang sasakay sa kanila. Mahirap din ang sumasabay sa school bus, kasi nakatali ang oras mo diyan. Susunduin ka sa umaga para ihatid ka sa eskuwelahan mo tapos mamaya naman ay babalikan ka para ihatid sa haybol. Kaya pala maraming mga magagaling na estudyante ngayon dahil wala silang time magbulakbol.

sa wakas

Nangyari din ang dapat mangyari. Ang tinutukoy ko ay ang selebrasyon ng kaarawan ni chikong, isa sa mga tropa namin sa kuwadradong mesa, naubos na siguro ang dahilan niya para maka-iwas sa mga tropa kaya wala na talaga siyang magagawa kungdi ang sumunod sa sinisigaw ng karamihan...MAGPA-INOM KA NAMAN. Nag-ihaw kami ng bangus na pinalamanan namin ng tatlong kilong sibuyas at kamatis, habang hinihintay naming masunog yung inihaw na bangus ay umorder muna kami ng chili asado halo at isaw at siempre pa ang pampahaba ng titi, kaya umorder din kami ng pancit bihon. Trivia: alam nyo ba na kapag ang may kaarawan ay lalaki, ang dapat nyong kainin ay pancit bihon, kapag babae naman ang may kaarawan ang dapat kainin ay pancit canton, masarap kasi silang magpacanton. Nung dumating na ang mga order namin ay agad kaming nag-iskrimahan sa pulutan dahil talaga namang bitin na bitin na kami sa harapan. Ang nakakatuwa lang, yung mismong may kaarawan ay parang hindi makakain...baketttt? Naobserbahan kasi namin, kapag isinubo niya yung isang pirasong asado halo ay halos ngatain lang niya ito at kapag wala nang nakatingin ay iluluwa sa gilid. May bago ngang palang series sa National Geographic channel yung tungkol sa "Meth", huwag kayong maingay please baka may makarinig sa atin.

Sunday, June 03, 2007

up in the mornin and out to school

Pasukan na naman ng mga estudyante bukas, siguradong ang kadikit niyan ay ang malahiganteng traffic sa kalsada. Masarap ding maging estudyante lalo na sa panahon ngayon kung saan ang mga chiching ay halos puro kamukha ni bariteney spears (with japanese accent). Nung araw kasi kapag estudyante ka, bukod sa limited na ang budget mo ay puro kamukha pa ni janis joplin ang mga kaklase mo kaya wala kang ganang pumasok. Tapos pagdating mo naman sa eskuwelahan makikita mo yung mga kaklase mo na puro pula ang mata at sa iyo pa nanghihiram ng visine eye drops. Ang maganda lang nung araw ay hindi ka kinakabahan na mapatrobol kasi puro kayo peace man. Sabagay ang mga estudyante rin ngayon ay cool na rin at pagbuka ng bibig ang pinag-uusapan lang ay dota portal o yung ibang online games. Ang masarap pa ngayon kapag may gusto kang ligawan na chick ay kukunin mo lang ang kanyang email address o kaya yung IM niya kaya kahit tsope ka o torpe ay nasasabi mo sa kanya sa pamamagitan ng email ang mga kalibugan...este nilalaman ng puso mo. Nung araw kasi kapag may napagtripan kang chick at gusto mong makilala ang ginagawa nila ay may nalaglag kunyaring joint sa pitaka nila at pag napuna nung chick, yun na ang magiging conversation piece nyo. Kapuna puna din na kapag malapit na ang pasukan ay puro magaganda ang ipinalalabas sa sine bakit kaya.

Saturday, June 02, 2007

hangover

Naranasan nyo na ba yung uminon ng erbuk ng tanghaling tapat? Kami kasi ni taruc ay madalas makaranas nito lalo na't weekend, habang nagluluto ako ng ulam at tanpulutz sa tangahalian ay bumibira kami ng tig kaunting ice cold serbesa, ika nga pampagana. Tapos naming uminon ay siempre kakain naman kami at sabay siesta. Kaso iba ang nangyari kahapon, kasi matapos naming bumira ng tig kaunti ay nag siesta na ako para naman mapahinga, ang mabigat nito halos hindi pa ako nakaka idlip ay may dumating akong bisita na mga tirador din ng serbesa. Hindi ko naman matabla dahil mga batang kankaloo ito at sanggang dikit. Ang nangyari tuloy imbes na matulog ako ay inaya ko na lang sila na mag serbesa, siempre pa hindi ko naman papayagan si taruc na makatulog kaya sinama na rin namin. Nakakailang nga yung puwesto namin kasi nasa tabing kalsada kami bumibira ng serbesa at alas dos lang ng hapon. Kala siguro nung mga dumadaan ay may berthdeyan sa bahay at may family affair kami nung araw na iyon. Sa madaling sabi ay nairaos din namin ang aming kalokohan. Ang mabigat lang pagkagising ko kinabukasan ay may umuugong na tugtog sa isip ko, yung bang kanta ni Diana Ross na " i got the sweetest hangover, i dont wanna get over, sweetest hangover". Yes enday nakikinig din ako nung mga ganoong kanta, hindi porke hippie ako ay hindi na ako makikinig ng mga diana ross, alam mo bang si diana ross ang isa sa may pinakamagandang boses bukod kay billie holiday at bessie smith. May joke nga nung araw sa mga pizza parlor na kapag umorder ka ng thin crust na supreme, ang ibibigay sa iyo nung waiter sa pizza parlor ay si diana ross. Hindi nyo nakuha yung joke ano? bute nga sa inyo mga busett...Aint no mountain high enough, aint no valley low enough, aint no river wild enough.

Friday, June 01, 2007

crispy ulo

Bakit kaya kung alin pa ang bawal iyun pa ang masarap. Hindi enday ang ibig kong sabihin na bawal ay yung pulutang crispy ulo. Kasi purong baboy ito at puro taba halos, pero subukin mong maghain sa mga lasengero nito, kita mo parang dinaanan ito ng buhawi, ubos agad. Nung dati ang pinakamasarap na crispy ulo kong natikman ay yung luto sa bulacan, tustado ang labas pero malambot ang loob. Pero dahil sa dumami na rin ang nagluluto nito ngayon ay nagkaroon ako ng pagkakataong masubukan yung luto ng iba. May natikman din ako niyan sa bandang makati malapit sa dating karerahan ng kabayo. Ang style naman nila ay lutong pugon kaya parang lechong ulo ang dating pero malalaki ang ulo ng baboy na niluluto nila. Nung minsan naman ay sinubukan namin yung crispy ulo sa isang inuman sa marilao bulacan, maganda rin ang luto kaya lang talo kasi kala ko crispy ulo ng kuting yung ibinigay sa amin. Kahapon ay nakasubok na naman kami ng crispy ulo sa anito, busett enday hindi ito yung anito na madalas nyong puntahan nung buyfren mo at nagkakangkungan kayo ang sinasabi kong anito ay yung erbukan jan sa may Gen. T sa valenzuela na masarap magluto ng pulutan. Napadaan kasi kami kagabi jan at kusang lumiko at huminto ang sasakyan ko sa hindi malamang dahilan. Wala na rin lang kaming magawa dahil nga tumigil bigla ang sasakyan ko nang makakita ng magagandang chiching kaya umupo na rin kami sa mga kubo kubo at sa hindi ko pa rin malamang dahilan ay may dumating na malamig na serbesa sa amin. Kapag sinusuwerte ka nga naman, tapos ay naisipan naming subukin ang crispy ulo nila at siempre pa ang walang kamatayang tuna panga na inihaw at nilagyan ng sarsa na parang lutong renatos circa obet days (SLN). Pssst yung nga palang cook ngayon dito sa anito ay yung dating cook sa renatos sa malhacan, huwag kayong maingay kakaunti lang ang nakakakaalam niyan. Masarap din silang magluto ng crispy ulo, malutong at tustado, katunayan nga niyan pauwi na kami ay umorder pa uli yung kasama naming babaero...err i mean yung kasama naming padre de pamilya ng isa pang crispy ulo para iuwi sa mga anak niya kasi yun daw ang hilig papakin ng mga anak niya at nung misis niyang nagngangalit na sa galit dahil lasing na naman siyang uuwi... May suhol pa ang lintek.