Saturday, June 09, 2007

commercial break

Narinig nyo na ba sa radyo yung isang commercial na hindi raw niya mapa oo yung mga chicks pero biglang nasingitan ng pangalan ng lalaki na hindi rin niya mapa oo, tapos sabay babanggitin yung pangalan ng isang gamot para ka ma oo. Magaling yung nag-isip nun kasi ang talagang gusto niyang sabihin doon ay hindi nya raw mapa tache yung mga kilalala niyang tao, eh di ba ang tawag ng mga bata sa tache ay oo, kaya nga ang mga bata ang gawain lang ay papa meme at oo. Naalala ko tuloy yung mga magagandang commercial na bumaon sa isip ng mga tao. Siguro sariwa pa sa inyo yung Karen commercial kung saan hinati nung lolo yung meryenda niyang burger para ipasalubong kay Karen. Maganda rin ang pagkakadale nila sa nasabing tv ad. Yun namang Caronia, caronia for achuchu its caronia...use caronia male powder. Masarap ding masama sa ganyang klaseng trabaho, yun bang kayo ang mag-iisip kung paano tatatak sa isip ng mga tao yung isang product. Kunyari paano mo maibebenta ang sigarilyo sa mga tao. Siempre gagawa ka na isang commercial na kunyari ay may isinusugod sa emergency room na lalake na ubo ng ubo at halos buto't balat na dahil sa kasisigarilyo. Kakabitan ito nang kung ano anong suwero para masagip ang buhay, tapos biglang makakarekober yung isinugod na pasyente. Magpapalakpakan ang mga doktor at mga medical aide habang yung asawa nung pasyete ay naluluha sa gilid, tapos iuupo nila yung pasyente sa gilid ng kama at dahil nga nailigtas ang buhay niya ay maglalabas ng sigarilyo yung doktor ay magsisigarilyuhan na sila bilang hudyat ng selebrasyon na nailigtas nila sa kamatayan yung tao. Diba magandang idea para maibenta ang sigarilyo.

0 comments: