Friday, June 29, 2007

si taglay




Si taglay ay si Yani, isang taon at limang buwan na batang babae, pamangkin ko. Sa ngayon siya ang laruan at walking doll sa bahay ng mga mommy ko. Anak siya ng kapatid kong babae. Naging libangan na sa bahay ng mga mommy ko na kausapin lagi sa Taglay kahit alam namin na hindi pa siya nakakapagsalita ng maayos. Kapag dumarating nga ako sa bahay ni mommy ay sumisigaw na agad ito ng "abru", ito ang tawag niya sa akin at sabay sabi ng "ama, ama", dahil gusto niyang sumama sa akin sa pagmomotor o kaya ay sa pag-iikot ng kotse. Pero huwag na huwag mong ipapasyal si Taglay ng hindi kasama si Pooh, ang kaibigan niyang stuff toy dahil sigurado dadaigin ninyo ang magpakailan man drama series sa pag-iyak niya at panay ang bulong ng "wa poopooh, wa poopooh". Masarap din naman siyang ipasyal dahil may konsuelo ka kapag papaandar na ang scooter na dala namin, kasi ba naman ay ngingitian ka niya ng pagkatamis tamis, at sabay kakaway sa mga maiiwan namin sa bahay habang binabanggit ang katagang "abay abay, moooo wa" sabay flying kiss. Kung may piknikan naman kami sa bahay ni mommy ay isa rin si Taglay na abalang abala sa paglalagay ng mga upuang plastic at mga pinggan. At pagdating naman ng mga kakainin namin ay nangunguna na siya sa paghingi ng "papap" at kapag sinubuan mo na siya ay agad niya itong lulunukin at sasabihan ka niya na "wa papap". Naging bukang bibig na rin naming lahat ang salitang taglay. Kapag may "pupu" siya sa wetpu ang tawag namin ay may taglay (uu) si Taglay. Kung umiiyak siya, ang sasabihin naman ng mga kapatid ko ay bigyan mo nga ng taglay (dodo) si Taglay. Pero bakit ba natawag na taglay si Taglay?. Kasi nung minsang mapasyal siya sa Lola niya sa "Father's side" ay napuna nung Lola niya na masyadong makulit at maharot si Yani, kaya nabansagan siya doon na Taglay, kasi daw ay may taglay na kakulitan, kay magmula noon ay tinawag na naming taglay si Taglay.

0 comments: