Tahimik na naman ang tabakuhan sa haybol kasi pasukan na naman ng mga estudyante. Ang mabigat lang pati ako ay nadadamay sa maagang gisingan ng mga hindiropot. Halos madaling araw pa lang ay tumutunog na ang alarm clock para ipahiwatig na dapat na silang bumangon sa malalim na pagkakatulog. Napupuna ko sa eskuwelahan ngayon, parang ang haba ng oras na ginugugol ng mga estudyante. Kami kasi nung nag-aaral pa sandali lang kami sa eskuwelahan, ginagawa lang naming meeting place ang lugar tapos kapag nagkita na kami ng mga tropa alis na agad kami sa iskul at diretcho na kami sa isang magandang lugar para mag-jamming. Kaya nung araw ay hindi uso ang mga school service kasi malulugi sila sa amin dahil walang sasakay sa kanila. Mahirap din ang sumasabay sa school bus, kasi nakatali ang oras mo diyan. Susunduin ka sa umaga para ihatid ka sa eskuwelahan mo tapos mamaya naman ay babalikan ka para ihatid sa haybol. Kaya pala maraming mga magagaling na estudyante ngayon dahil wala silang time magbulakbol.
Thursday, June 07, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment