Wednesday, June 13, 2007

i can read your mind

Masarap siguro yung mayroon kang third-eye o kaya ay yung nababasa mo ang isip ng ibang tao. Ang unang magiging prebiliheyo sa iyo nito ay maari kang makaiwas sa gulo dahil sa simula pa lang ay alam mo na agad ang iniisip nung katabi mo kung gagawa siya ng masama laban sa iyo. Kung manyakis ka naman ay makakarami ka sigurado ng chicks kasi malalaman mo kung sinong chiching ang may crush sa iyo at siempre kapag nabasa mo yung isip niya na may crush siya sa iyo sigurado didigahan mo na agad siya. Maganda rin yung may third eye ka, yun bang nakakakita ka ng mga bagay na hindi nakikita ng iba, ika nga para kang may matang pusa ang sabi ng matatanda. Kung napanood nyo yung pelikulang ghost nung araw na pinangungunahan ni ate demi moore, gandang babae nito, pati nga ako ay nagpagupit nung kamukha ng gupit ni ate demi nung araw. May isang character doon na si whopie, whoopy, whoppie, whoopie basta yung negrang si gulberg, goolberge, goolberg, basta yun na nga yun. Ang labas nung negrang artista dito ay nagpapanggap siyang nakakakontak ng mga yumao na, pero kalaunan ay napatunayan niyang mayroon pala talaga siyang powers na makarinig ng mga boses ng mga yumao na. Di bat magandang karanasan iyan, kasi puede mong tanungin yung mga nagsialis na sa mundo kung ano ang buhay sa dako pa roon. Maganda ang pagkakalahad nung istorya ng ghost, ika nga sa ingles ay well researched at naiprisinta nila ng malinaw sa mga nanonood kung saan maaring mapunta ang isang tao kapag pumanaw na, puede kang mapunta sa liwanag (heaven) o sa madilim (hell) na lugar, depende na rin sa ginampanan mong papel sa lupa kung naging mabuti ka o naging masama. May maganda rin akong natutuhan sa pelikulang ghost, ito yun kung paanong gumawa ng paso.

0 comments: