Saturday, June 09, 2007

dear lord give me strength to carry on

Naunsiyame na naman yung pag asa nating yumaman, kasi may tumama na pala dun sa pinakamalaking lotto draw na umabot sa one hundred twenty six million pesos. Ang daming pera nun mga tol, kahit isang sakong chongke puede kang mag stock sa haybul mo kung ikaw ang nakadale ng nasabing draw. Taga cebu daw ang tumama, kaya siguradong ang mga party pipol from cebu puro yan ang usap-usapan ngayon. Masarap ding mangarap, sabagay libre lang naman ang mangarap, pero kung makikita nyo ang pila sa mga lotto outlet bago pa bolahin ang nasabing draw ay magugulat ka sa dami ng mga gustong gumanda ang buhay. Dito pa lang ay mapupuna mo na, na masyado nang humihirap ang buhay sa pinas, kaya wala nang ibang maisip ang mga tao kungdi ang umasa na lang sa himala. WALA WALANG HIMALA, WALANG HIMALA. Sino ba naman ang hindi kakagat sa ganun karaming salapi, pati nga ako kahit nakatakip ng bayong ang mukha ko ay pumila rin ako nung araw na iyon kasi iniisip ko marami naman akong natulungan at naging mabait naman akong tao, kaya baka kako pagbigyan na ako ni lord na matamaan ang isa sa pinakamalaking jackpot sa lotto. Bago nga ako matulog nung disperas ng bola ng lotto ay iniisip ko na kung ano ang gagawin ko sa naparaming pera kung sakaling ako ang tumama. Kaya nung nakahiga na ako sa kama ay pumasok na sa isip ko yung magpagawa ng bahay na abot sa langit ang taas, tapos bibili ako ng kotse na maliit lang pero dalawa lang ang puedeng sumakay para bang yung kay james bond. Siempre pa bigla ko tuloy naalala yung paborito kong bahay na nakatayo sa gilid ng boracay, bibilhin ko din iyon dahil kapag marami kang salapi lahat ng bagay ay "for sale". Pupuntahan ko din yung magagandang kainan sa paligid ng metropolis para naman mapagkumpara ko ang lasa ng kalderetang kambing sa mga five star hotel. Bibili ako nung pinapangarap kong rolex perpetual oyster na relo at dadaan na rin ako sa lacoste shop para pakyawin ang mga magaganda nilang sapatos...T_shirt? hindi ko kailangan yan marami namang fake lacoste t-shirt sa 168 mall. Mahirap nang puro mamahalin ang suot ko kasi baka mahalata na ako ng mga tropa ko at nung mga kidnaper. Tapos, tapos ang susuzzzzzzzzzzzz. (next day) Koya, koya geseng na may nanalo na sa luttu taga cebu...koya baket basa ang kama mo, najingle ka pa ba sa kama?

0 comments: