Ngayon ay ginugunita natin ang ika isang daan at sampung taon ng pagkakapatay kay Jose Rizal, ang kinikilala nating pambansang bayani. Dahil dito bukod pa sa araw ng sabado ay holiday kaya walang pasok ang karamihan sa atin. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na manood ng mga quiz/noontime show. Nakatawag sa aking pansin yung isang tanong doon na sasagutin mo sa pamamagitan ng text. Heto ang tanong nung game show host kung kaya ninyong sagutin: Ano ang tawag sa programa ng DOH kapag malapit na ang bagong taon, Oplan iwas _____blank blank blank. Piliin ang sagot sa mga sumusunod. 1. pusoy 2. dengue at 3. paputok. Pambihira ito ba naman ay tinatanong pa sa mga pilipino. Araw pa naman ng kamatayan ngayon ni Gat. Jose Rizal ang pambansang bayani na nakilala sa kanyang karunungan at sa pakikibaka para sa ating kalayaan tapos ganito kasimpleng tanong lang ang papahulaan mo sa mga tao. Ano nga ba ang sagot sa tanong na programa ng DOH kapag nalalapit na ang bagong taon, Oplan iwas ____?. Ang dali dali naman niyan, eh di Oplan Iwas Pusoy. Bakit kayo natatawa mali ba ang sagot ko, diba kapag malapit na ang bagong taon ay madalas maging programa ng DOH yan kasi marami sa mga pinoy ang mahilig maglasing at magpaputok kaya marami ang napuputukan at napuputulan ng mga daliri at yung iba naman ay isang buong kamay ang napuputol dahil na rin sa lakas ng mga pinapuputok nila. Paano ka ngayon makakapag pusoy kung wala ka ng kamay o kaya naman ay daliri. Kaya nga tinawag nila yang Oplan Iwas Pusoy. Tama ba ako Gat Jose Protacio Mercado y Alonzo Realonda y de Castro Rizal.
Saturday, December 30, 2006
beware of pickpockets
Anakngputz uso pa pala ang mga pickpocket, kala ko ba ang uso ng ngayon ay mga snatcher ng cellphone. Ganito ang nangyari, matapos kong maligo ay nagsuot ako ng underwear (siempre naman), kaso butas na pala yung underwear as in butas na talaga, kasi nung isuot ko ang akala ko palda yung naisuot kong underwear. So to make the story short, naisipan kong bumili na ng bago para naman sa pagpasok ng bagong taon ay may bago ako kahit na kansosilyo man lang. Kaya sakay ng BMW (Bulok Mabagal Wasak) na motor takbo agad ako sa pinakamalapit na SM Mall at dumirecho sa bilihan ng kansosilyo. Pagkatapos kong mabayaran ang nabili ko ay tumungo naman ako malapit sa groserya para ihulog yung mga raffle ticket para sa promo nilang shop and win. Heto na ang pinakamagandang parte, dahil sa dami ng tao na namimili sa groserya, medyo mabagal ang lakad ng mga tao. Nung malapit na ako sa palabas sa tabi mismo ng bilihan ng mga tinapay ay may isang matabang babae na saksakan ng bagal ang lakad kaya halos lahat ng gustong lumabas ay naantala, dito ko naramdaman bigla na may parang kumukuha ng pitaka ko. Nang aking kapain ang bulsa ko ay naabutan ko pa ang daliri nung buwakang inang mandurukot at masyadong bata pa itong babaeng mandurukot, siguro mga edad daisy pa lang ito. Yun namang matabang babae na nagpapanggap na mabagal lumakad ay mga edad kuwarenta na. Lumapit ako sa Jaguar para isumbong yung balak mandukot ng kartameneda ko, pero nung lingunin ko uli ay wala na. Mga hindoropot kayo, bente pesos na nga lang ang laman ng kartameneda ko titibuin nyo pa. Ano kala nyo sa akin milyonaryo, hindi nyo ba napuna na butas pa yung suot kong short, porke ba kamukha ko si Bert Leroy ang akala nyo at makakatipak kayo sa akin. BUSETTT, buti na lang at hindi pinayagan ng mga Jaguar sa mall na ipasok ko yung dala kong BOGA, kundi binoga ko kayong mga mapagsamantala sa kapwa ninyo mahihirap na pinoy.
Thursday, December 28, 2006
bogatime
Kapag wala ka pang hawak nito ngayon malamang naiiwanan ka na ng panahon. Ang tinutukoy ko ay yung boga o yung modified pvc gun. Isa itong pvc pipe na madalas nating gamitin sa mga downspout na nilagyan ng trigger at lata ng ligo o kaya ay maling kung malaki ang pvc pipe na gagamitin mo at pagkatapos ay lalagyan mo ng alcohol na nabibili sa mga hardware, aalugin ng kaunti at kapag kalat na ang alkohol...enday hindi kalat na ang alkohol sa katawan ng tao kundi dun sa pvc pipe, kakalabitin mo na yung trigger at KABOOM ikaw ang bigatin. Yan ang gusto ko sa noypi kapag may bagong uso lahat halos ay gustong magkaroon, mapabata man o matanda. Kaya may mga enterprising noypi naman na sasabayan ang init ng uso at gagawa ng napakaraming boga para ibenta sa mga gustong maging "in". Ang resulta nawawala yung tinatawag na quality control dahil mass production na. Tapos nakisawsaw na rin sa uso ang DOH (Dureau of Health) at gustong kumpiskahin ang boga dahil bawal daw ito. Hoy mga buwakang... oops my temper is rising again. Ang ibig nyong sabihin delikado ang boga kasi kapag hindi sumabog sinisilip nung iba yung butas kaya nagiging dahilan para magkaroon ng tinatawag na misfire at nabubulag ang sumilip dito. Gagong tao lang ang sumisilip sa butas ng baril, maging laruan man ito o totoo, kahit si FPJ nung nabubuhay pa ay hindi sumilip sa butas na baril sa lahat ng ginawa niyang pelikula, dahil alam natin na delikado ito. Ang dapat ninyong ibawal at kumpiskahin ay yung nagkalat sa mga mall at sa bulacan na mga baby dynamite, sawa, defective fountain with horse manure, ten thousand rounds na trayanggulo, super lolo, pla-pla, hito, luces alimango (what is that) at watusi na napakadelikado hindi lang sa tao kundi na rin sa mga alaga nating hayop. Kasi ano ang dahilan? kapag kasi ang kinumpiska ninyo ay yung mga paputok sa mga mall at sa bocaue, hindi na kayo malalagay sa telebisyon at jaryo kasi masyado nang common sa atin ang mga tanawin na iyan, samantalang kung ang gagawin ninyong issue ay itong boga na talaga namang usong uso ngayon, eh di kasama kayo sa publicity. Ok boys are you ready? lets boga them while singing "boga boga, boga boga, yeh yeh".
and now the end is near...
Mukhang gusto na namang magbawas ng pipol sa lupa, kasi halos hindi pa natin nalilimutan yung nagyaring tsunami dulot na rin ng malakas na lindol sa dagat sa indonesia dalawang taon na ang nakakaraan, heto at bumira na naman ang inang kalikasan sa taiwan. Kung inyong oobserbahan, halos parehong disyembre 26 ito nangyari, patay na naman tayo nito sa mga panatiko ni nostradamus, kasi marami sa atin ang ayaw maniwala sa mga hula ni nostradamus. Ang pinagtataka ko lang ay bakit ang mga sakuna at insidente ngayon ay laging nangyayari sa araw na dapat ay nagsasaya pa rin ang tao, dahil halos katatapos lang ng kaarawan ni bos jessie. Ginigising kaya ang mga pipol dahil parang nawawala na ang mensahe ng totoong kaarawan ni bossing. Kasi kung ating pupunahin, tuwing sasapit ang pasko o bago pa man magpasko, ang iniisip ng lahat ay magkaroon ng pera para may mabili o maeregalo sa kapwa nila. Hindi naman masama ang ganitong tradisyon dahil talaga namang bigayan ng regalo ang mga araw na yan, kaya lang parang natabunan na ng material na bagay ang tunay na pakay kung bakit may pasko. Tignan nyo na lang nung nagkaroon ng tsunami, ang daming turistang nasa dagat imbes na magpunta sa simbahan para magpasalamat dahil pasko na naman. Huwag na tayong lumayo, yung nagyaring sunog sa ormoc, diba ang kuwento nung mga saksi dun, halos puno ng tao sa mall at hindi magkandatuto ang mga namimili, pero subukin mong sumilip sa simbahan nung araw na iyon wala kang makikitang tao. Tapos sa marikina naman, kita nyo tumilampon yung isang "ride" na may sakay na mga bata. Kaya parang ginigising na uli ang mga tao na "hey magbago na kayo". Sana maipalabas na rin sa telebisyon yung documentary na isinalaysay ni al gore na "the inconvenient truth" para mamulat na uli ang mga tao. Tignan ko lang kung hindi tumino ang tao kapag nakita nilang halos isang buong bayan na ang nilulubog sa tubig dahil na rin sa pag aabuso natin sa isat isa at sa kalikasan. Remember Noah?
Tuesday, December 26, 2006
D-Day
7:30-8:00 am-nagdasal at nagpasalamat ako dahil nandito pa rin ako sa lupa ngayong pasko
8:01-8:30 am-pasok ng comfort room at nagbasa ng FHM habang nagdedeposit.
8:31-9:30 am-nagbukas ng computer at tinignan kung may christmas email ako sa mga buwakang inang mga ka email ko.
9:31-10:30-binuksan ko yung GNX 3000 at electric guitar at binigyan ko ng free unadulterated concert ang mga neighbor ko, in short nag-ingay ako sa iskinita namin kahit puro mintis ang tipa ko sa gitara.
10:31-12:00 noon-nag breakfast habang nanonood ng CSNY acoustic concert.
12:01-12:30 pm-nagbasa uli ng FHM habang nagpapaantok
12:31-2:00 pm-hindi ko alam kung ano ang nagyari sa akin dahil tulog ako
2:01-2:30 pm-naligo na ako para umpisahan ng ang christmas day
2:31-3:20 pm-bumiyahe papuntang marikina para sumundo...hindi sumundot enday, sumundo talaga ako
3:40:5:22 pm-pabalik na uli ako sa iskinita namin, nagkaroon lang ng side trip dahil nagmano pa ako sa rebulto sa U.P. (parang kamukha ni FPJ yung rebulto bakit kaya?)
5:23-10:00 pm-erbukan na sa bahay ni mommy habang nag-iihaw ng sugpo, tuna panga, bangus, tilapia at nag-init ng tira tirang adobong kambing habang hinihintay ang mga tropa na nagtext kay utol dahil magsisipunta daw sa bahay pero hindi naman dumating kaya naparami tuloy ang inom namin ni utol.
10:01-11:00 pm-balik sa bahay at naubos ang oras katatawag sa smart dahil wala akong internet connection, nung magkaroon naman ako ng connection ay inaantok na ako kaya wala na ring silbi.
11:01 pm- nagtoothbrush, nag dental floss, nagretouch, naglagay ng eskinol at ponds cream, kinuha ko uli yung FHM at nagbasa para dapuan ng antok habang sumisipol ng "Lets count our blessings instead of sheep-then you fall as................le......ep.......coun............ting...........your...........bles..........sing-MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT.
8:01-8:30 am-pasok ng comfort room at nagbasa ng FHM habang nagdedeposit.
8:31-9:30 am-nagbukas ng computer at tinignan kung may christmas email ako sa mga buwakang inang mga ka email ko.
9:31-10:30-binuksan ko yung GNX 3000 at electric guitar at binigyan ko ng free unadulterated concert ang mga neighbor ko, in short nag-ingay ako sa iskinita namin kahit puro mintis ang tipa ko sa gitara.
10:31-12:00 noon-nag breakfast habang nanonood ng CSNY acoustic concert.
12:01-12:30 pm-nagbasa uli ng FHM habang nagpapaantok
12:31-2:00 pm-hindi ko alam kung ano ang nagyari sa akin dahil tulog ako
2:01-2:30 pm-naligo na ako para umpisahan ng ang christmas day
2:31-3:20 pm-bumiyahe papuntang marikina para sumundo...hindi sumundot enday, sumundo talaga ako
3:40:5:22 pm-pabalik na uli ako sa iskinita namin, nagkaroon lang ng side trip dahil nagmano pa ako sa rebulto sa U.P. (parang kamukha ni FPJ yung rebulto bakit kaya?)
5:23-10:00 pm-erbukan na sa bahay ni mommy habang nag-iihaw ng sugpo, tuna panga, bangus, tilapia at nag-init ng tira tirang adobong kambing habang hinihintay ang mga tropa na nagtext kay utol dahil magsisipunta daw sa bahay pero hindi naman dumating kaya naparami tuloy ang inom namin ni utol.
10:01-11:00 pm-balik sa bahay at naubos ang oras katatawag sa smart dahil wala akong internet connection, nung magkaroon naman ako ng connection ay inaantok na ako kaya wala na ring silbi.
11:01 pm- nagtoothbrush, nag dental floss, nagretouch, naglagay ng eskinol at ponds cream, kinuha ko uli yung FHM at nagbasa para dapuan ng antok habang sumisipol ng "Lets count our blessings instead of sheep-then you fall as................le......ep.......coun............ting...........your...........bles..........sing-MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT.
Sunday, December 24, 2006
BB King
Namputz mukhang madadagdagan na naman ang timbang ko this holiday season, paano ba naman hindi na nahinto ang christmas party. Kala ko pa naman nakatakas na ako sa opis dahil mahaba ang bakasyon at may pagkakataon na uli akong maglakad tuwing umaga. Kaso kagabi napasubo na naman ako, dahil si pareng seryo naman ang nangumbida sa bahay niya para dun naman kami magparty. Paano ka ba namang makakaiwas kung sasabihin sa iyo nung nangumbida na luto na yung adobong bibi na nilagyan ng gata at otsenta pesos na sili. Halos himatayin ako nung marinig ko na luto na yung bibi at sinabi ko na lang sa sarili ko na sa isang taon na ako maglalakad, sabagay uso naman ang mataba ngayon dahil nga mas-mas season. Tapos namin laklakin yung bibi at sankaterbang beer na naman, naisip namin na magpahinga na, kaya nagpunta naman kami sa "barko" para doon magbanlaw dahil halos mabuwalan na kami sa dami ng nainom naming beer kina pareng serio. Pagdating namin sa barko ay agad umorder kami ng....guess what? BEER na naman, naykupo hihimatayin na yata talaga ako, miss puede bang makahingi ng yelo, wag mo na kong bigyan ng baso dahil ipupunas ko lang naman yung yelo sa mukha ko para bumaba na kaunti yung tama ko, pakibilisan lang please dahil balak pa naming kumain ng lugaw pagkatapos naming magbanlaw ng ilang boteng BEER uli.
Friday, December 22, 2006
Hey nikki
This one is supposed to be written on the night of December 17, 2006 or is it in the wee wee hours of 18th but because of a very heavy load (read: beer), I was not able to write it down. December 17 was nikki's 16th birthday, the very beautiful daughter of Jun D and Neneng. Nikki means victory and is also used as a japanese surname which means "two trees" in english. We watch this lovely little girl during her infancy and still remember how her parents lovingly kissed her alternately. Our barkada is the same group who brought her to the church to witness her baptism and introduced her to the christian world. We also witnessed her first step and still hears her Papa Jun shout "nakakalakad na si nikki, pakuha kayo ng isang kahong beer". We also accompanied her on her first day in school and how we harassed all those school officials just to make sure nikki would get the choices't seat in the classroom. Now the same group of guys, our tropa is celebrating nikki's 16th birthday, funny how time flies and she's now a dalagita to the eyes of binatilyos everywhere. But for her proud parents she's still the same little girl they lovingly held and cherished. Now its nikki's 16th but soon after and we all know it will happen, there will come a time that she will find a man of her own even if its a man from friendster, chicka, skype, text messaging or in school. She will have her own life too and face the realities of the world and of course leave her parents (with beatles background of "She's Leavings Home") to be with the love of her life. But one thing for sure, when that time comes, I know that she had made the right decision in life because her parents had raised her to be a bright and righteous kid. Happy birthday Nikki and to your proud parents...MABUHAY kayo for raising nikki the way we want our kids to be raised.
happy people are we...
Ang masaya sa christmas season bukod pa sa malamig na panahon ay yung christmas party at pag sinabing christmas party ang ibig sabihin nito ay walang katapusang kainan at inuman. Kahapon ay nagdaos kami ng christmas party sa opis at siempre pa puno ang lamesa ng bar-b-q, chicken estupado, beef brocoli, kaldereta, lechon baboy from aling nena's, sugpo, bangus, kfc, jolibee, dolors kakanin, cold cuts, frita?, pancit palabok, pancit bihon, pancit luglog, buddies especial pancit, pancit malabon at pancit na regalo ng nag cater sa amin dahil sa dami ng pinaluto namin sa kanila. Japanes plater of sashimi, maki, sushi, teriyaki, voltes v, masingger z, naruto at sankatutak na alak-Black label, Red Label, Red wine, whisky, brandy, grape wine at beer, yes sankaterbang beer sa cooler, one case na beer sa ilalim ng lababo (para hindi raw makita ng mga bisita) one case na beer sa gilid ng mesa ni bossing, one case na beer sa ilalim ng table ko, sangkaterbang beer na nakababad sa drum sa loob ng banyo namin, tama ka enday sa loob mismo ng banyo namin ay may nakababad na ring beer at ice cold beer na hawak hawak naming lahat. So what will an ordinary mortal like us do with all those foods and drinks around us? 5-4-3-2-1 it's 12 noon at lusob mga kapatid laklak here laklak there, walang magtitira, may hawak na bar-b-q sa kanang kamay habang may beer sa kaliwang kamay, may nakaipit sa daliri na balat ng lechon habang pilit na ginagamit ang chopstick para makakuha ng sashiming salmon. Sir pakilapit nga yung wasabi at parang kulang yung nailagay ko, tnx ha...pare pakibukas pa nga ng beer at pakiabot yung sugpo mukhang masarap yan ah please. Habang lumalaklak kami ng beer, black, red at may GSM pa (with imbestigador accent) regaluhan naman ang sumunod. Ang batas ay bubuksan mo ang regalo mong natanggap, so we make bukas the gift na, ang natanggap ko ay sabon, ikaw pare ano ang nakuha mo? sabon pare, si mam tignan mo nga kung ano yung nataggap na regalo...sabon pare, sir nakuha nyo na ba yung regalo nyo kanina? oo nakuha ko na yung sabon na regalo sa akin baket? wala lang ser, may yelo pa kayo, bukas pa uli tayo ng black label ang bigla ko tuloy nasabi sa bossing ko, kasi baka sabunin ako bigla dun sa natanggap niyang regalo.
Wednesday, December 20, 2006
Lets count our blessings intead of...
Limang araw na lang pasko na naman. Kaya kahit saan ka mapuntang mall o kahit maliliit na tindahan ay may mga mamimili. Ang noypi talaga ay masasayahing tao, kababalita lang sa telebisyon na lalong tumaas ang antas ng kahirapan ng buhay, pero tignan mo halos hindi ka makalakad sa mga mall ngayon sa dami ng mga namimili. Ako rin mismo ay naguguluhan sa mga tirada ng mga noypi, madalas mong marinig sa atin na sobra raw ang hirap ng buhay ngayon at halos hindi umabot ang natatanggap na sahod (yun ay kung may trabaho ka). Pero bakit ayaw pa ring magpaawat ng iba sa pagtatapon ng pera. Ito na lang ba ang paraan para malimutan ang kahirapan, yung ubusin na rin ang kakaunting pera na natatanggap natin, dahil ang iba nga diyan ang dahilan ay minsan lang naman tayong makahawak ng pera kaya mabuti pa waldasin na rin, hindi naman natin madadala sa langit iyan. OO nga hindi natin madadala sa langit ang pera natin, pero kapag dito ka naman sa lupa nawalan ng pera, parang impyerno naman ang magiging buhay mo dito.
Sunday, December 17, 2006
children of the grave
Napagkinggan nyo na ba yung black sabbath reunion concert nila. Wala lang naitanong ko lang kasi nahalukay ko sa luma kong baol yung cd, kasama na yung mga toot...err i mean toothbrush, toothpaste, tooth extraction tools, toothpick, torotooth. Bigla tuloy akong nawala, nung ikasa ko yung cd, kasi ba naman parang biglang bumalik yung alaala ko nung araw na may dala kaming maliit na cassette player sa draga* at nakaupo sa malalaking tubo habang pinapakinggan namin ang black sabbath sa cassette, siempre pa alam nyo na kung bakit dun kami nakaistambay. Bastos hindoropot hindi yung iniisip ninyo ang ginagawa namin dun sa draga. Puro bisyo at kaelan ang nasa isip nyo, kaya kami dun nakaistambay at nakikinig ng de bateryang cassette player dahil naghihintay kami ng mga eroplanong dumadaan, kasi nung araw isa sa ruta ng mga airplanes ito, dahil dati itong ilog na tinambakan para sana sa isang magandang project nung unang ginang natin. Hindi nyo maiisip kung sino yung dating unang ginang natin. Siguradong hindi si Tabako ang presidente nun kasi hindi naman isa lang ang ginang niya at lalo namang hindi si Erap yun dahil masyado namang maraming ginang ito. Ano kamo enday, si madam Cory ang unang ginang, unggoy... ay sori mam hindi kayo ang tinatawag kong unggoy kundi itong si enday, paano naman magiging unang ginang si madam eh siya mismo ang the president. Ang sinasabi kong unang ginang noon ay si Madam shoemart, err i mean madam meldy, siya ang may project sana diyan sa draga kaso lang naiwanan na nila ng di sinasadya, review your history books kung bakit naiwanan iyan ng hindi sinasadya.
*draga- dating ilog na tinambakan ng lupa (reclaimed area) ng mga kontratistang hapon para sa isang industrial at residential project sa ilalim ng bagong lipunan.
*draga- dating ilog na tinambakan ng lupa (reclaimed area) ng mga kontratistang hapon para sa isang industrial at residential project sa ilalim ng bagong lipunan.
ikaw ang bigatin
Ang dami na namang nababalita na kumakalat ang pekeng sampu at limang pisong coins. Ano ba ang mapapala ng mga namemeke nito ganung ang liit lang naman ng halaga, dahil ba sa mas madaling ipakalat ito kesa sa pekeng isang libo o kaya ay yung mga foreign currencies. Sino pa ba ang pumupuna sa ganito kaliit na halaga mapa orig o mapa peke pa man. Siguro kayo naranasan nyo na ring makakita minsan sa kalsada ng nakakalat na sampu o limang pisong coins, pero nagkaroon ka pa ba ng lakas ng loob na damputin ito. Nung araw kapag nakakita tayo ng coins sa kalsada halos magkauntugan pa ang mga ulo natin sa pakikipag unahan para damputin ito. Pero ngayon mag eskperemento ka, maglagay ka ng lima o sampung pisong coins sa kalye at obserbahan mo sa malayo kung may dadampot, malamang abutin ka ng pasko pero walang pupulot nyan. Nung minsan nga may binigyan akong nanapat na mga bata sa bahay namin ng sampung piso, ang mga hindoropot imbes na magpasalamat ay kinantahan pa ako ng "bum barat barat, bararat bararat bum bum bum", napasayaw tuloy ako ng wala sa oras at ako pala ang tinuring na bigatin, come on down.
Saturday, December 16, 2006
Highway To Hell
Roadhouse Blues-the Doors
Space Truckin-Deep Purple
Lust for Life-Iggy Pop
Celebration Day-Led Zeppelin
You're A Movie-Alice Cooper
Rebel Yell-Billy Idol
Heaven and Hell-Black Sabbath
All I Can Do-Savoy Brown
Heartbeat City-Cars
Jean Genie-David Bowie
Ain't Talkin' 'Bout Love-Van Halen
Search and Destroy-Metalica
kapag ganyan ang sounds mo sa kotse, siguradong maiiwasan mo na ang mga concrete barriers sa edsa at commonweath avenue.
Space Truckin-Deep Purple
Lust for Life-Iggy Pop
Celebration Day-Led Zeppelin
You're A Movie-Alice Cooper
Rebel Yell-Billy Idol
Heaven and Hell-Black Sabbath
All I Can Do-Savoy Brown
Heartbeat City-Cars
Jean Genie-David Bowie
Ain't Talkin' 'Bout Love-Van Halen
Search and Destroy-Metalica
kapag ganyan ang sounds mo sa kotse, siguradong maiiwasan mo na ang mga concrete barriers sa edsa at commonweath avenue.
Friday, December 15, 2006
Ulol?
Hindi na ko iinom...yan ang naibulong ko nung minsang nakayuko ang ulo ko sa loob ng butas ng inidoro ko at wala na akong maisuka. Ang daming beses ko na rin nasabi ang mga katagang iyan kapag nasobrahan ako sa erbuk, kaya lang parang new years resolution sa akin iyan kaya hindi ako guilty kapag hindi ko rin nasunod iyan. Ang maganda pa nito, pag gising mo sa umaga ay para ka na namang sariwa at mayabang na naghahamon ng mamam sa mga tropa mo. Nakakatuwa minsan sa inuman, kasi marami kang maririnig na pamahiin para daw hindi ka magka hang over o para maiwasan ang sobrang pagkalasing. Nanjan yung sinasabing sabayan mo daw ng inom ng isang basong tubig yung kada bote ng beer na nainom mo, yung iba naman ay sinasabing uminon ka lang ng suka para hindi ka malasing. Meron naman jan ang tip ay uminom ka lang daw ang antacid para tumagal ka sa inuman. Pero may kilala akong mahilig sa alak na matagal malasing sa inuman. Ang sikreto niya, hindi siya bumubunot sa harapan at panay lang ang kuwento niya. Ulol.
Party pipol
Wow mga tol usong uso na naman ang christmas party. Nanjan yung party ng buong opisina nyo, tapos yung department lang ninyo, tapos yung party ng mga paksyon lang ninyo, siempre pa hindi kasali jan yun mga others o yung mga kagalit ninyo. May party rin na para lang sa mga superiors at may sarili rin kayong christmas party para sa mga patukaing bibi. Pero parang hindi na praktikal na porket disyembre ay ubusin natin ang oras natin sa puro tipar, ayoko namang maging scrooge sa mga pipol pero kung inyong oobserbahan, kahit naman hindi disyembre ay panay ang laklak natin ng erbuk, hindi ba parang party na rin iyan. Ang maganda lang siguro kapag disyembre ay malamig kaya masarap lumaklak ng serbesa at mga pampabatang tanpulutz. Kaya kung minsan nagiging plastik pa ang dating ng mga pipol kapag buwan ng disyembre kasi nakikipag-ngitian ka sa mga hindi mo gustong tao. Ang pagkakaiba lang ng tipar kapag disyembre ay puede kang mag request sa ka date mo na kung puede ay magkaroon kayo ng tinatawag na xxx-mas party.
Wednesday, December 13, 2006
speed king
Nabibigyan nyo ba ng pansin ang mga concrete barriers na nakabalagbag sa kahabaan ng EDSA at sa Commonwealth Avenue. Madalas ko kasing mabasa sa peryodiko at mapanood sa telebisyon ang mga aksidente na and dahilan ay ang pagkakabangga sa mga concrete barriers na yan. Tama kayang ibalagbag talaga jan sa mga pangunahing kalsada ang ganyan karaming harang na nagiging dahilan ng mga sakuna na kung minsan ay nauuwi sa pagkamatay ng mga motorista. Totoong may kasalanan din minsan ang mga motorista kaya nila nabubundol ang mga harang, dahil kung minsan ay lango sa alak ang nagmamaneho at kung minsan naman ay ginagawa nilang parang isang malaking karerahan ang kalsada natin, pero siguro naman kung lalagyan ng tamang kulay ang mga concrete barriers na yan, kahit siguro lango tayo sa alak at makakaiwas tayo jan kung matitingkad ang kulay na ihaharang nila sa kalsada. At sana naman kung maglalagay tayo ng harang sa kalsada ay huwag concrete, puede naman jan ang mga plastic container lang para kahit torohin yan ng mga motorista ay hindi masyado ang pinsala na idudulot sa kanila. Ang titigas naman kasi talaga ng ulo ng ibang mga motorista natin. Busettt hindoropot, enday pakibukas na nga lang ng isang malamig na serbesa at bigyan mo ko ng micardis at valium, pakikasa na rin yung deep purple machine head na plaka jan at gusto kong mag relax.
Sunday, December 10, 2006
Living is easy with eyes closed
Imagine dumaan ang dec. 08 ng walang kaingay ingay maliban sa issue ng con-ass at ang pagpaparehistro sana ni trillanes sa camarin kalookan. Give peace a chance naman, pagpahingahin nyo naman kami sa mga plano ninyong pangsarili. Pati tuloy si madam miriam ay nagtatalak na rin, sabagay ang sabi nga ng iba ang woman is the nigger of the world. Pero hindi ba nila alam lalo na yung mga natutulak na amendahan ang ating saligang batas na may instant karma, kayo rin. Marami kasi sa mga politiko natin na mahilig managinip at ang akala nila ay puede nilang ipilit lahat ng mga gusto nila sa mga tao, hoy #9 dreams lang yan, pagkagising nyo ay wala na yan maghilamos na lang kayo. Dahil whatever gets you thru the night, lilipas din lahat yan. Kita nyo tuloy ang nangyari, kinabahan ang mga gustong mag amenda ng saligang batas kasi lumalakas ang ingay ng mga simbahan at baka mauso na naman ang power to the people, tapos mapatalsik ang namumuno ngayon, so ano ang mangyayari sa atin just like starting over na naman.
damong maliit novalichez circa 2006
Nagkaroon na naman ako ng pagkakataon na makita ang mga katropa ko sa damo. Hinde enday, wala itong kinalaman sa juts, chongkee, gas, tiny cigar, pampared eyes o mj. Ang sinasabi kong tropa ko sa damo ay yung mga katropa ko jan sa damong maliit sa novalichez. Kaya lang nakasanayan na naming tawagin yun na damo, isang lugar ito na malapit sa llano road at jordan heights. Kung ano ano kasi agad ang iniisip mo busettt hindoropot. Ayun nga siempre pa kapag nagkita kayo ng mga dati mong tropa, ano pa ang iisipin ninyo? walang iba kundi damo (yung lugar bastos). Dahil jan sa damong maliit ay marami kaming masasayang alaala, kaya punta agad kami sa jordan at doon nagtanghalian, may masarap kasing kainan doon na malapit sa tennis court. Sinilip din namin ang mga dating seksing chiching doon na naka jam namin nung araw. May mga tumaba na at may mga nalosyang na rin. Pero yung spirit ika nga ay nandoon pa rin. Newey pagkatapos naming magdamo err i mean magtanghalian, tinungo naman namin yung mga dating lugar sa nova na pinapasyalan namin at nagpalipas ng ilang oras para ihanda ang sarili sa isang malupit na tomaan. Nakisuyo ako kay kristopher, isa sa matatalik kong kaibigan jan na matagal ko na ring nakasama, supot pa yan nung magkakilala kami, ang masama lang hanggang ngayon ay supot pa rin sus. Ang pakiusap ko kasi sa kanya bukod sa magpatuli na siya ay kung maaari ay kambing ang tanpulutz namin kasi yan ang madalas naming tanpulutz noong araw bukod pa sa mga itik at pabo, marami kasi nung araw jan sa damong maliit na nagkalat na pabo, itik at kambing lalo na sa hacienda nila boyet at beto. Kaya para na rin mapagbigyan ang lambing ko sa mga tropa ay dinala nila ako sa isang kambingan jan sa gilid gilid ng nova. Sa madaling sabi ang naging tanpulutz namin ay kalderatang kambing, kilawing kambing, adobong kambing, sinampalukang kambing, papaitang kambing at apat na pirasong saging pampaalis ng umay. Masyado namang "sads" ang mga tropa ko dito, naglambing lang ako ng kambing (ok yun may rhyme-naglambing ng kambing) pero hindi ko naman sinabi na purgahin naman ninyo ako, mga hindoropot kayo. Kaya lang nanjan na lahat ang tanpulutz, so para malunok naman namin lahat yan ay tumira kami ng apatnapung bote ng malamig na serbesa, pati tuloy yung iniinom namin ang panlasa ko ay para na ring ihi ng kambing. Nung nagkakatarantahan na, bigla na lang akong umiwuhehehe.
Saturday, December 09, 2006
guiness
Kapag narinig mo yung guiness, ano ang pumapasok agad sa utak mo? siempre pa ito yung palakihan, paliitan, padamihan, pakuntian at kung ano ano pa na puede mong gawin, malagay ka lang sa guiness book of world record. Napupuna ko kasi ngayon sa pinas, kapag may piestahan, katulad na lang sa dagupan, nag ihaw sila na pagkarami raming bangus para daw mailagay ang ginawa nilang pag-iihaw sa guiness. Yung sa cainta naman ay nagluto ng malaking kalamay samantalang ang malabon ay gumawa naman ng isang damakmak na pancit. Enday hindi ko na nilagay yung salitang malabon dahil obvious naman na pag sa malabon ginawa ang tawag doon ay pancit malabon. Isa lang ang alam kong pancit malabon na hindi gawa sa malabon, tanungin mo ang mga taga meralco village sa marilao at may gawaan doon ng pancit malabon, paano nga kaya yun. Newey, ano kaya ang pumasok sa kukote na naman ng mga noypi at pilit nilang pinagmamalaki na puedeng ipasok sa guiness ang mga walang kabalastugang pinaggagawa nila. Isipin nyo pati sa pampangga gumawa sila ng higanteng sizzling plate at doon nila niluto yung pagkadami daming sisig. Paano kaya kung ang pasig naman ang gumaya, ano kaya ang gimik nila doon, pinakamaraming bato na naibenta at sa kalookan naman ay pinakamaraming nasaksak sa tagiliran ang isasali nila sa world record. Katunayan nga hindi na natin kailangang gumawa ng ganyan para malagay ang pinas sa guiness book, kasi noon pa naman kasali na tayo jan, may kuwento nga nung araw na ang pinakamatigas na ulo daw ay ang pilipino, kasi yung unang contestant ay kano at ipinakitang kaya niyang magbukas ng champagne sa pamamagitan ng ulo lang, palakpakan ang mga audience, tapos tinawag naman yung german at nagbukas ng delata sa pamamagitan din ng ulo, palakpakan din yung audience. Yung hapon naman ay nakagawa ng sashimi na ulo lang din ang ginamit. Tapos heto na tinawag na ang pilipino para ipakita ang galing niya, ilang beses din tinawag yung contestant na noypi pero ayaw lumabas. Ayun pagkatapos ng constest, nanalo yung pinoy, kasi ang tigas ng ulo ilang beses nang tinawag hindi rin lumabas.
Tuesday, December 05, 2006
trivia question
tanong-anong hayop ang hindi isinama ni noah sa kanyang ark?
sagot-woodpecker
tanong-bakit nag away si noah at ang kanyang girlfriend nung maghahapunan na sila?
sagot-kasi gusto nung girlfriend niya ay manok ang ulam, kaya lang kahapon ay manok na rin ang ulam nila
tanong-ano ang tape na pinatutugtog ni noah sa kanyang cassette?
sagot-the doors
tanong-bakit yung kalapati ang unang pinakawalan ni noah?
sagot-kasi yung ibang hayop ay nailuto at nakain na nila.
tanong-bakit hindi tinanggap ni noah yung mga alak at softdrinks na pinababaon sa kanya?
sagot-kasi may dala na siyang water dispenser sa ark.
tanong-bakit si noah lang ang gumawa ng ark nung mga panahong iyon?
sagot-siya lang kasi ang hindi marunong lumangoy
tanong-anong size ng titi ni noah?
sagot-tignan mo yung sukat nung kiki ng paralisadong kambing.
sagot-woodpecker
tanong-bakit nag away si noah at ang kanyang girlfriend nung maghahapunan na sila?
sagot-kasi gusto nung girlfriend niya ay manok ang ulam, kaya lang kahapon ay manok na rin ang ulam nila
tanong-ano ang tape na pinatutugtog ni noah sa kanyang cassette?
sagot-the doors
tanong-bakit yung kalapati ang unang pinakawalan ni noah?
sagot-kasi yung ibang hayop ay nailuto at nakain na nila.
tanong-bakit hindi tinanggap ni noah yung mga alak at softdrinks na pinababaon sa kanya?
sagot-kasi may dala na siyang water dispenser sa ark.
tanong-bakit si noah lang ang gumawa ng ark nung mga panahong iyon?
sagot-siya lang kasi ang hindi marunong lumangoy
tanong-anong size ng titi ni noah?
sagot-tignan mo yung sukat nung kiki ng paralisadong kambing.
It's the end of the world as we know it
Napanood nyo ba sa flat screen na telebisyon nyo yung amatuer, ammature, immatteur, amatteur, basta yung video nung mudflow na nangyari sa bicol? nakakatakot kala mo katapusan na nang mundo. Ngayon lang ako nakakita ng halos hanggang tatlong palapag na rumaragundong na putik, kaya talagang wala kang magagawa kundi ang sarili mo na lang ang iligtas mo. Ang pinagtataka ko lang ay bakit parang ang dami ng mga senyales na para ba talagang malapit na namang mag the end ang human race. Nandyan ang giyera sibil, kagutuman, ang kahirapan, ang mga manloloko, mga manyakis na tinatalo na mismo ang kanilang mga anak at yung iba naman ay kung pumatay ng tao ay kala mo nananalbos lang. Hindi ba't halos lahat iyan ay pahiwatig na parang malapit na naman ang "this is the end...my only friend the end". May isa doku nga na pinapalabas ngayon sa mga piling sinehan na gawa nang isang talunang kandidato para sa pagka presidente at sinasabi sa doku na iyon ay ang tungkol naman sa global warming at yung pagkasira ng mga ozone layers natin. May posibilidad daw na mangyari yung mapalubog o mawala sa mapa ang isang lugar katulad ng nuyok. kasi dahil nga sa nangyayaring global warming, puede raw na baka malusaw ang isang tipak na yelo na halos kasing laki ng greenland at siempre pa kapag natunaw ito, tataas ang sukat ng tubig. Subukin nyong maglagay ng maraming yelo sa isang baso ng tubig at hintayin nyong matunaw, tiyak tatapon ang laman ng baso nyo kapag natunaw na ang yelo. Paano na lang kung sakali nga't dumating na naman yung araw ng pagbabawas ng sangkatauhan. Kunyari na lang biglang may naligaw na malaking asteroid sa mundo at tuluyang nakalusot sa mapanunaw na layers ng mundo. Sigurado ubos lahat ang mga texters nyan sa lupa. Ang masarap lang siguro diyan ay kung ikaw mag-isa lang ang matira sa lupa. Siempre pa kapag ikaw na lang mag-isa sa lupa, lahat na ng gusto mong gawin ay puede na. Una palitan mo agad ang pangalan mo ng Robert Neville para mukhang kano agad ang dating mo. Tapos punta ka sa malaking mall sa paranaque at kumuha ka ng ipod na may 100GB, magpalit ka ng lacoste na tashert, sapatos at rolex na relo, dahil wala namang sisita na sa iyo dahil nga mag-isa ka na lang sa lupa. Ang sarap sigurong magpatakbo ng magarang sasakyan tapos madadaanan mo si paris hilton na naghihingalo pa, ano pa gagawin mo. Para ka namang hindi lalaki niyan kapag sinabi mong hindi mo kukunin ang cellphone number nya, malay mo bigla rin siyang makaligtas, o di may ka text ka na. Bastos naman ang iniisip mo agad kay paris hindi yon ang iniisip kong gagawin, ika nga future investment yan pag naging close kayo. Ikaw rin barkada nya ngayon si baritni spears. Pero bakit katapusan na agad ng mundo ang iniisip natin, ang dami nang nagsabi nyan hindi naman natuloy. Kaya ako kung ano na lang muna ang dumating sa akin tama na yun at kung sakali ngang may hindi ayos na mangayari sa earth, no problem sa akin yan, kasi ngayon pa lang ay nag-iipon na ako ng styrofoam at kawayan at nag-aalaga na ako ng mga hayop, isang pares lang naman bawat hayop.
Sunday, December 03, 2006
one
Nakapagtataka sa timog kagabi parang nadaanan din ni reming, ika nga parang biyernes santo dahil wala kang makitang mga chiching na nakatago sa lampost at naghihintay ng mga sasakyan na masisiraan at para gumilid sandali sa daan. Ok ang dami masyadong palabok, ang ibig kong sabihin, tila yata wala kagabing mga pick up na chiching sa kakalsadahan. May labor dispute kaya kagabi o napasok na rin sila ng unyon ng mga bugalo. Isa lang ang alam kong dahilan kung bakit matumal ang bentahan ng karne kagabi kahit tapos na ang ramadan. Da reason is we are celebrating world aids day, kaya medyo laylo muna ang tube cleaning business. Wala namang masama kung mag ingat, madali lang ang magpaalis ng init pero ang delikado nga ay baka matsambahan ka ng mga batang meralco, yung bang malalakas ang koryente. Pero before you jump into "kung close yon", hindi ako parokyano ng timog at quezon ave. dahil isa rin ako sa mga takot sa ganyang laro. Kaya wag nyo nang ihiwalay ang kutsarita at tinidor ko kapag umiinom tayo dahil hindi ko kayo mahahawahan ng kung ano pa man. Kung di ko pa alam yung mga style nyo na kunyari eh kanya kanya tayo ng platito, sawsawan at mga kubyertos para mukhang sosyal ang tomaan natin, mga hindoropot natatakot lang kayo dahil akala nyo may aids na ang mga kainuman nyo. Age maari pa pero AIDS, no way, calouses sa kaliwa at kanang kamay puede pa.
Friday, December 01, 2006
you are like a hurricane
Mukhang napapapagtripan tayo ng mga malalakas ng bagyo. Halos hindi pa tapos yung hangover natin kay melenyo heto na naman at binisita naman tayo ni reming. Pero bilib din ako sa fighting spirit ng mga noypi, katulad na lang nung ipinakitang news footage sa bandang bicol kung saan ang reming ay nag rocknroll ng lubusan. Halos ghost town yung lugar dahil sa pananalanta ng bagyo at dahil na rin sa kawalan ng koryente. Pero kung pagmamasdan mo yung video footage, may isang tindahan doon na business as usual at nung na zoom in yung lugar, mapupuna mo na may mga kalalakihan na nag iinuman, ang lulupit nyo mga tol. Nasa ligtas na lugar na ba ang mga malalapit sa buhay ninyo kaya nagawa ninyo pang mag erbukan kahit kasagsagan ng bagyo. Sabagay hindi ko kayo masisisi kasi masarap talagang tumoma kapag malamig at may nagliliparang mga bubong at nagbabagsakang puno. Pero mas masarap naman sigurong tumoma kung sigurado munang nasa ayos ang kalagayan ng mga mahal ninyo sa buhay. Sabagay mukha namang maayos ang mga mahal ninyo sa buhay kasi nakita ko nakapitsel pa ang mga mahal ninyo sa buhay na mga alak na tinatagay ninyo. Busettt hindoropot.
Tuesday, November 28, 2006
Cause I remember when we used to sit...observing the hypocrites
Nasubukan nyo na bang makipagtransaksyon sa mga ahensya ng gobyerno. Ako ang una kong ginagawa kapag may transaksyon ako sa mga taong gobyerno ay tinatanong ko muna ang kanilang sistema at mga prosedyur na dapat sundin, kasi kapag medyo nakiliti mo ang ego ng mga yan malamang ay wala kang matapos na transaksyon sa kanila. Naranasan ko na naman ang ganitong sitwasyon nung minsang may aayusin akong mga papeles. Binigyan ako ng isang empleyado ng mga requirement o mga kakailanganin bago umandar ang papeles ko. Sa madaling sabi ay kimumpleto ko ito at nung nagkaroon ako ng pagkakataon ay idinaan ko na sa kanila ang mga hinihingi nilang requirements. Alam mo ba naman ang sabi nung isang babae na nakatalaga para tanggapin ang mga papeles ko? kulang pa raw ito. Papaano magiging kulang yan ganung sinunod ko naman lahat ang mga hinihingi ninyo ang tanong ko. Kesyo ang kailangan daw nila ay tatlong klase ng mga papeles at hindi dalawa. Pero ang nakalagay po sa form ninyo ay dalawa lang ang kailangan ninyo. Marunong ka pa, eh ako mismo ang nagtratrabaho dito. OO nga po, pero kayo rin mismo ang nagbigay sa akin ng mga requirements na yan at nilinaw nyo pa na dalawang papeles lang ang kailangan ninyo. NEXT ang sunod na banggit nung taran.. gag. anak ng put. na babae, sabay tayo at tinalikuran ako. Ganito pa rin ba ang sistema sa gobyerno, hindi ba puedeng buksan nila ang kanilang isipan at huwag sanang maging pipit puso kapag nagpapaliwanag ang mga taong naglalakad ng papeles sa kanila. Hindi naman siguro masamang mangatuwiran lalo na't ang sinasabi mo sa kanila ay yun din namang iniutos nila na kumpletuhin mong mga kakailanganin. Hindi po natin kinokontra ang kanilang posisyon, pero sana ipaliwanag nyo naman sa mga tao ng maayos at hindi yung basta na lang nyo kami tatalikuran, dahil baka balang araw yung mga maliliit na tao na basta na lang ninyo tinalikuran ay maging isang sikat na boksingero at kapag nagkaroon ng victory parade sa lugar ninyo na kasama ang mayor nyo, malamang niyan ay maibulong ka kay mayor at maalis ka pa sa trabaho mo. Amen
all i want for christmas is my two front teeth (incisors)
Nabawasan na naman ng kaunti ang gandang lalaki ko. Kasi ba naman dumalaw ako sa dentista para sa regular na cleaning at itanong kung bakit nangingilo yung lower molar teeth ko, ito yung nasa dulong ibaba na kung tawagin minsan ay wisdom teeth. Ang naging findings ba naman ng denstista ko ay dapat na raw bunutin kasi sira na at hindi na kakayanin ng pasta lang. Biglang nanlaki ang mga mata at nagtayuan ang balahibo ko ala bugs bunny nung makita si coyote. Kasi kakabitan na naman tiyak ako nito ng straight jacket at sasaksakan ng pinakamalakas na anesthesia para makatulog ng sampung araw para hindi ko maramdaman na bubunutin na ang teeth #38 ko. Bakit nga ba ganun na lang ang takot natin kapag sinabing bubunutan tayo ng ngipin. Ganung mas magiging maginhawa naman ang pakiramdam natin kapag naalis na ang sumasakit na ngipin natin. Hindi kasi tayo nasanay na laging nagpupunta sa mga dentista kaya kapag iniupo ka na sa operating table nila, kumakalabog na agad ang dibdib natin sa takot. Kaya nga nung araw mas gusto ko pang makipagbasagan ng mukha sa kalsada kapag masakit ang ngipin ko, kasi pagkatapos ng rumble, iluluwa mo na lang ang masakit na ngipin mo at may kasama pang dalawang sobrang ngipin. Anyway bago pa man ako tuluyan na mawalan ng malay sa loob ng klinik ay ipinaliwanag ng dentista ko na "in" ngayon ang mga walang ipin at binanggit pa niya si Efren "bata" Reyes at si Ronato Alcano, mga batikan sa larangan ng bilyar, si Rene Requestas isang aktor, at si Dracula. Kaya napapayag na rin niya ako na bunutin na ang molar teeth ko at tinanong pa nga ako ng dentista kung ano raw ang huling kahilingan ko. Huling kahilingan, why? Ang sagot ko ay bigyan niya ako ng diaper at malamang na maihi na naman ako sa salawal nito at isang bagong tisa na kulay blue dahil may tako na naman ako sa bahay.
Sunday, November 26, 2006
our troubles will be miles away
Naging abala ang mga tao sa iskinita kanina dahil napagkasunduan na magkabit na ng mga kumukutititap na ilaw sa gitna ng kalsada namin. Sabagay taon taon naman ay ginagawa namin ito para bigyan ng kasiyahan ang mga bata at para ipaalala sa kanila na malapit na ang kapaskuhan. Dahil dito ay naisipan ko tuloy magpatugtog ng mga pamaskong awitin at hindi nakawala sa akin ang mga lyrics ng kantang "Have yourself a merry little Christmas". Ang nagpalabas ng luha sa mata ko ay nung marinig ko yung ikatlong talata nung lyrics-Here we are as in olden days, happy golden days of yore. Faithful friends who are dear to us, gather near to us once more. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang mga pangalang coyote, jun d, jun t. bulldog, chikong at sny. Naalala ko din ang mga pangalang joey na nasa hongkong, fred ang karaniwang tao na naglalagi ngayon sa italy, si heidi na panay ang padala ng FWD messages, si kaki domer, si willy ng bangkal, si pareng kris at boyet ng novalichez, si pareng delio at ang six one group (anim na beer at isang ginebra) ng kankaloo. Nagiging masaya kasi ang ganitong okasyon lalo na at kasama mo ang malalapit mong kaibigan at kapamilya. Sabi nga ng mga ankol ko nung araw, ang masaya naman sa harapan ay hindi kung gaano kadami ang iniinom ninyong alak kungdi ang malakas na halakhakan ng mga malalapit mong kaibigan at kapamilya na nagpapaalis ng iyong kalungkutan. Tagay mo na yan kanina pa naisalin yan at natapos ko na ang blog entry ko hanggang ngayon hindi mo pa rin iniikot ang baso. Game.
Friday, November 24, 2006
we wish you a merry.....PATATAWARIN
Medyo halata na ang kahirapan ng buhay sa pinas o mukhang nagbabago lang ang pananaw ng mga noypi sa pagsalubong sa darating na kapaskuhan. Nung dati kasi kapag natapos na ang todos los santos o yung araw ng kaluluwa, halos isang linggo lang ang pagitan mapupuna mo na sa mga kabahayan ang katakot takot na palamuti at christmas lights. Pero ngayon halos isang buwan na lang at pasko na, wala ka pa ring makitang kumukutikutitap sa mga kabahayan. Kasalanan na naman kaya ito ng gobyerno o ng meralco. Kasi kung bibigyan siguro ng trabaho ang mga noypi at ibababa ang singil sa koryente, di may dahilan sana ang mga noypi na magsaya at magkabit ng mga mas-mas lights sa kanilang mga kabahayan. Kaya lang paano ka nga magsasaya kung tuwing makikita mo ang mga senyales ng kapaskuhan ay kasabay mong maiisip na wala ka palang kabuhayan. Sabagay hindi naman ang kumukutikutitap ang mahalaga kapag kapaskuhan dahil ang talaga namang ipinagdiriwang natin sa araw na ito ay ang kapanganakan ni bosing Jessie at siempre pa kapag may birthday at kahit sino pa man ang may birthday, siguradong hindi mawawala ang inuman at kasiyahan. Kaya kalimutan mo na ang mas-mas lights at kalungkutan, ilabas mo na jan yung tira nyong hamon, morkon, mitchado, keso de bola, kastanyas, ubas at lahat ng alak na puede nating laklakin. Pakisara lang ang pinto para hindi tayo makita ng mga inaanak natin, please.
Tuesday, November 21, 2006
knocks me off my feet
knock knock
who's there?
banyo
banyo who?
tununununung dong dong tununununong dong dong dong...ladies and gentlemen...banyo-hay
ang nanay niya'y naglalaba ang tatay niya'y pagod, galing sa trabaho wala pang tulog...
who's there?
banyo
banyo who?
tununununung dong dong tununununong dong dong dong...ladies and gentlemen...banyo-hay
ang nanay niya'y naglalaba ang tatay niya'y pagod, galing sa trabaho wala pang tulog...
i wanna rock
Alam nyo ba ang masarap kapag lagpas ka na sa tinatawag na japorms era? nawawala na ang inhibitions at insecurities mo. Tapos napaghihiwalay mo na ang puti sa de kolor...teka teka mukhang napalaot yata tayo bigla. Whatamean is kapag nalampasan mo na yung porma or yabang years, nagiging seryoso ka na sa mga gusto mong gawin. Katulad na lang ng paggigitara, sino ba naman sa atin ang ayaw matuto nito lalo na noong kasibulan natin. Sabi nga nung kakilala kong musikero, kung hindi mo rin lang sila makuha sa gandang lalaki, daanin mo sa rocknroll. Kaya lahat kami noon ay nagpabili ng gitara sa mga ermat namin. Mommy yung sa akin ay acoustic na gibson na may pick up ha, wag kang babalik mamaya galing sa opis kung wala kang dala please. Tapos pagdating ng yukulele mo, heto na ang problema, paano ba gamitin ito? ano nga ba ang tipa nung dick and jane? hanggang sa mawalan ka na ng gana at itatago mo na lang ang instrumento mo sa baol. Then after so many years, isa ka nang miembro ng eight to five people at ang kuwentuhan na ninyo ng mga "opusmeyt" mo ay about politics, bonuses, family matters at sino ang kinantut nino at sino ang nagpabiyak kay kanino. Kaya bigla mo na namang naisipan na balikan ang dati mong loves-ang pagtugtog ng harp...i mean ng gitara. Pero ngayon seryoso ka na at hindi na papogi points ang gusto mo. Tapos nadiskubre mo na madali lang palang tumugtog lalo na't kabisote ka sa tipa. Pag minsan naman at off si enday, isasara mo ang pinto at bintana ng bahay nyo dahil mag-isa ka lang at huhubarin mo lahat ang suot mo at tapos ay kukunin mo ang walis tambo sa gilid ng ref nyo at sabay hahataw sa ibabaw ng sofa ng smoke on the water, ikaw na ang lead guitar ikaw pa ang bahista. Ang sarap ng feeling di ba, yung bang hindi mo nagawa nung araw ay pilit mong ibinabalik kahit medyo corporate haircut na ang buhok mo. Kaya lang huwag mo lang hahalukayin yung baol mo para hanapin yung mga dati mong bomba komiks na napaglumaan ng erpats mo dahil baka masira ang rock and roll spirit mo at kung saan ka na naman makarating bastos. Pakisara nga ang banyo Ofrah.
she dont lie she dont lie she dont lie...
May nag PM sa akin na chicks dahil nakita nya raw ang blog at ang picture ko sa blog. Gusto niyang makipagkita sa akin. Siempre pa me bahid ako ng sixties attitude kaya hindi agad ako pumayag sa gusto niya kahit tigas na tigas na ang birdie ko at halos hindi makatulog sa kaiisip kung ano ang gagawin ko sa kanya kapag sumama siya sa akin sa bahay toro. Anyway after some prodding, I finally gave in to her request. So nag meet kami secretly in a far away place and away from the madding crowd of ordinary "peeps". Nung makita ko yung chiching isa lang ang nasabi ko-RocknRoll tapos siempre pa we have some intimate talks about the birds and the bees and the in betweens. Kaya lang nawalan ako ng gana sa kanya kasi kaya pala gusto nya lang akong makita ay dahil gusto nya raw malaman kung ano yung hawak kong maliit na plastic dun sa picture na nakalagay sa blog ko. Hoy ineng, for your information, hinde maliit na sach....este plastic yun kundi tiket yun ng bus na hindi ko pa naitatapon dahil nga nagpiktyuran na kami busetttt hindoropot. Idadamay pa ko nitong bruhang ito, ano ka ba pawala ng government? umurong tuloy ang birdie ko at parang bulang naglaho ang elbog ko sa kumag na to, ciao.
clones
Bakit kaya ang mga pinoy mahilig manggaya? katulad na lang sa negosyo, nung mauso ang shawarma, halos lahat ng kanto ay may negosyong shawarma. Kaya kapag sumakay ka sa jeep nung panahon na yun amoy shawarma lahat ang dighay ng mga pasahero. Yung ding lechong manok nung mauso, pati dun sa iskinita namin ay umuusok dahil may nagtinda din ng lechon manok. Pero matagal na talaga tayong nanggagaya. Kung nakakapanood kayo ng mga lumang pelikulang pinoy mapupuna nyo yung mga suot at buhok nila Pepito Rodriguez at Lou Salvador Jr., gayang gaya nila yung mga artista sa tate. Kanina nga napunta ako sa Leon Guinto dahil may hinahanap akong isang establisyemento doon eh hindi ko makita, ang ginawa ko ay nagtanong ako sa kapitana nila ng baranggay. Ang problema mukhang malabo yata ang mata nung kapitana, imbes na sagutin ba naman ako kung saang lugar yung hinahanap ko. Ang sabi ba naman sa akin ay hindi daw ako bagay sa trabaho ko at mas bagay daw ako kung mag aartista. Sigawan ko nga ng pagkalakaslakas at ang sabi ko sa kanya ay ayokong maging artista dahil mas gusto kong maging boksingero.
nothing's gonna change my world
Putcha bigla akong kinabahan kanina, kasi ba naman may nararamdaman akong masakit sa likod ng batok ko kahapon pa. Sinubok ko tuloy isa isahin yung mga sintomas kung ako ay may "mild stroke". Nanduong isubo ko yung chicharong bulaklak para malaman ko kung hindi pa nangingiwi yung mukha ko at maayos pa akong nakakakagat. Tapos inistreyt ko yung malamig na serbesa para malaman ko kung lalakas ang tibok ng puso ko. Kumutsara rin ako ng kaunting sisig para malaman ko kung magrereact ang mga pisngi ko. May piniga pa nga akong kahel para matiyak na naigagalaw ko pa ang aking mga kamay at siempre ang last na pagsubok ay nung patigasin ko ang titi ko. Doon ko nalaman na false alarm pala yung nararamdaman kong masakit sa likod ng batok ko. Pero para na rin mawala ang pag-aalala ko, nagpunta ako sa doktor namin at nagpa BP. Ayos 130 over 90. Ang sabi nga nung medical assitant sa akin ay kapag hindi pa naman daw ako nakakaramdam ng pagkahilo ay hindi pa naman ako highblood at isa lang ang paki-usap nung medical assitant na seksi, pakibitawan ko na raw ang hawak ko sa kamay niya at tapos na raw kasi akong makuhanan ng BP. Lesbian, para hinawakan ko lang naman ang kamay niya dahil kabado ako kapag kinukuhanan ng BP. Beer Pa!
Sunday, November 19, 2006
the neighborhood
Malapit na talaga ang pasko, kasi yung neighbor kong asshole na hindi ako binabati ng labing isang buwan ay ngumingiti na uli sa akin. Kaya bilang ganti ay ngingitian ko din siya pero sa isip ko ay sinasabihan ko siya ng asshole at fuck you. Ang nakakatuwa pa kapag papalapit na ang pasko ay naididispose mo ang mga luma mong gamit at palalabasin mo na may garage sale ka. Katulad na lang ng ginawa namin ng tropa kong si coyote, lahat nung mga laruan, lumang damit, mamahaling alahas, billiard table, dining set, kotse, patay na daga, bulok na isda at lahat ng puedeng ibenta ay inilagay namin sa harap ng bahay nila at naggarage sale kami. Kasi may mga gamit tayo na maaaring hindi na natin gusto pero puede pa namang pakinabangan ng iba. Ika nga sa ingles "what you reap is what you sow", tama ba yun enday? Anyway, back to my neighbor, asshole talaga yun as in asshole, fuckin A. Endayyy akina nga yung micardis at aspilet ko jan, samahan mo ng tubig at chocnut.
Friday, November 17, 2006
Tell me lies later
Nakakatuwa talaga ang ugali ng pinoy. May kilala kasi ako na nagpunta ng US embassy sa pinas para magpa interview at baka mabigyan ng visa papuntang tate. Heto ang kuwento niya sa akin. Nang dumating daw siya sa embassy ay marami ng nakapila, dahil alas diyes pa naman ng umaga ang interview niya ay nagkaroon pa raw siya ng oras para makipachikahan sa ibang mga nag aaply ng visa. Nung siya na ang tinawag nung blond na kana para interbyuhin, tinanong daw siya nito kung gaano katagal niya balak magliwaliw sa tate. Siempre pa kabado dahil baka madeny na naman ang kanyang application (ba one hundred dollars o five thousand pesoses din ang bayad kada interview) kaya ang sinabi nya dun sa consul ay two months lang ang plano niyang mag stay, kaya ayun tinatakan ang yellow card niya ng aprub nung blond na consul. Heto na ang siste, dumating ang visa niya kinabukasan at nakalagay doon sa visa niya ay two months lang ang puede niyang itigil sa tate. Bigla ba naman siyang naghinayang. Sabi ko nga bakit ka manghihinayang ganung ikaw naman ang tinanong kung gaano katagal mo gustong magliwaliw sa tate. Kung ako ang tinanong nung blond na consul ng "how long should you plan to stay in the US of A", isa lang ang isasagot ko dun sa consulada na yun, "as long as I can stay there forever and ever amen". Ewan ko nga lang kung aaprubahan yung application ko, sabagay hindi pa naman ako sumusubok magpa interview kasi kakaunti pa lang naman ang alam kong ingles.
Mushi Musi Anone
May bago kaming nadiskubreng watering hole sa bulacan, Endos isang japanese style na inuman maganda yung lugar, isang class na inuman para sa mga Bulakeno. Ang maganda pa dito ay may mga nipa hut sila na puede mong isama ang mga malalapit mong kapuso at kapamilya. Siempre pa hindi mawawala ang tanpuluts kapag may mamam, ang mga pumasa sa matamil kong dila ay ang sizzling sisig, sizzling tenderloin tips hanep kapag isinerb sa iyo ito umaapoy pa man din. Yung crispy ulo nila maganda rin ang luto crispy sa labas at juicy pa rin yung loob hindi katulad na iba tuyong tuyo. Nasubok na rin namim minsan ditong mag dinner at masarap din yung vegetable dish nila. Pero tip lang huwag kayong oorder ng sizzling pusit kasi kala ko titi ng manok yung ibinigay nila kasi masyadong maliliit yung pusit. Ang maganda pa dito ay provincial rate ang pakana nila. San ka ba naman makakainom ng malamig na serbesa na nakaupo ka pa sa nipa hut at nahahawakan mo pa ang kamay ng mga serbedora nilang lalake sa halagang bente uno pesos na beer, yes virginia twenty one pesos only ang serbesa dito may kasama nang yelo, baso, tissue, folk singer, baklitang performer at kapag sinuwerte suwerte ka pa ay makikita mo pa si emperor hirohito. Naging kuryus lang ako kung bakit endo ang pangalan ng lugar kaya minsan ay tinanong ko yung waitress na lalake. Yung palang endo ay apelyido ni emperor hirohito yung may ari. Kasi nung araw ang alam ko lang na endo ay yung anak nung taga mercury sa bayan, but that was another story.
hello is there anybody in there?
Hanep yung beta version ng blogger, nalito na naman ako, kinabahan tuloy ako na baka hindi na naman ako makapagpost ng blog ko. Umandar na naman tuloy yung kakaunting laman ng ulo ko. Sabagay mainam din yung gumagana paminsan minsan ang utak natin para maiwasan ang alzeimer's, isa itong sakit na hindi ko matandaan kung saan pero basta ang alam ko may kinalaman ito sa, dun ba, parang ano ito yung bang tungkol sa kasi nung araw yung isang kaibigan ko na si ano, dati yung taga ano na nagkaroon din ng yung bang ano, kaso nga pagkatapos naging ano yung ano nga ba ang tawag dun sa sinasabi ko kaninang ano.
Wednesday, November 15, 2006
money
Balita sa tv, bonus ng mga empleyado ibinigay na. Nakalagay sa jaryo, mga bonus ng empleyado, inabprubahan na at ibibigay na. Mga busett hindoropot, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap, saan na napunta ang bonus na pinagsasabi ninyo.
you may say that i'm a dreamer, but i'm not the only one...
Nagiging magaan ang pakiramdam ng tao kapag lumalamig na. Napupuna ko ito lalo na sa kalsada kung saan madalas uminit ang ulo ng mga tao dahil sa daloy ng trapiko. Ilan na rin ang naitalang pagpaslang dahil na rin sa maliit na pagtatalo sa trapiko. Ngayon halos lahat ng motorista ay nagbibigayan at nag-iingat magmaneho, dahil na rin ba sa nalalapit na kapaskuhan, sana naman araw-araw ay ganito. Pero hindi lang naman sa kalsada gumanda ang sistema kundi pati na rin sa pangkalahatan. Madalas ko kasing maobserbahan na kapag hindi panahon ng "ber" months halos lahat ng tao ay may sumpong, pero ngayon parang ang daling pakiusapan ng mga ito. Kaya kung minsan mas gusto ko lagi ang panahon ng taglamig dahil naiiwasan ng mga tao ang di pagkakaunawaan at mabilis tayong magbigayan sa mga kaunting problema. Sana laging ganito na lang ang pakiramdam ng tao di wala sanang mga giyera sa mundo, pagkawala ng kabuhayan, ang di inaasahang pagkamatay ng mga sibilyan at mga bata upang maging mapayapa ang sangkamundohan.
Sunday, November 12, 2006
joey wally jun d. jun t. and moonshiner part 3
Saturday, November 11, 2006
sige pa ng sige
Pupunta kami sa brothers mustache upang bumili ng gulay este manood ng Joey Smith and Wally Gonzales mamayang gabi. Sigurado rock rakan na naman ito, isa ito sa mga musikero na hindi nakakasawang panoorin. Kaya kung wala rin lang kayong lakad mamayang gabi, ito na ang pagkakataon ninyo para mapanood ang dalawang higante ng pinoy rock.
takin' care of business part 2
Nagkaroon uli kami ng pagkakataon na gumimik ng mga "opusmeyt" ko kahapon dahil na rin padespidada namin sa isang kasamahan na aalis na sa amin, kaya nga despidida. Kaya napagkasunduan namin na subukan ang seaside seafood market sa paranaque. Ito yung mga hilera ng kainan at inuman sa macapagal avenue kung saan ikaw mismo ang mamimili sa palengke ng kakainin at pupulutanin mo ala dampa resto. Kasama namin ng araw na iyon ang isang pinagpipitagang (read: the boss) bisita. Ang napili naming lugar para tumoma ay yung Julie's Ihaw-Ihaw at dahil sa atat na atat na kaming uminon agad kaming kumuha ng malamig na beer. Nang dumating ang malamig na beer ay tinanong ko ang waiter na babae... Tama ka enday waitress ang tawag dun. Kaya tinanong ko ang waitress kung magkano ang beer nila at sinabi niya na kuwarenta pesos ang isa. Sinita ko ang waitress at sinabi ko na trenta'y singko pesos lang ang beer nila dahil nakita kong nakasulat dun sa listahan ng mga menu nila, napuna ko din na medyo mura lang pala ang presyo ng mga pulutan nila, kaya umorder na ako ng inihaw na pusit P100.00, inihaw na pla-pla P50.00, inihaw na tuna belly P70.00, kilawing tanigue P80.00 at sashimi. Tinanong ko ulit ang waitress kung bakit ang mura yata ng mga presyo ng pulutan nila. Ang sagot niya ay hindi raw yun ang presyo ng pulutan nila, kundi yung mga nakalagay doon ay presyo pa lang ng mga paluto. Ano? ang ibig sabihin pala nung nakalagay na P100.00 para sa pusit, P50.00 para sa pla-pla, P70.00 para sa tuna belly, P80.00 sa kilawing tanigue ay bayad pa lang sa paluto? at magkano naman kaya ngayun yung presyo ng mga pulutan na ipaluluto namin. Matapos kong makarekober sa pagkagulat ay pinaluto na rin namin lahat ang mga inorder namin. Nalimutan ko kasi na ikaw nga pala ang dapat pumunta sa palengke at dadalhin mo lang sa restoran yung mga pinamili mo at ipaluluto mo lang sa kanila. Kaso nga atat na atat na kaming uminom kaya hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mamili pa sa palengke kaya ipinaubaya na namin dun sa waitress ang pamimili sa palengke. Nang dumating yung mga pinaluto namin ay ibinigay sa akin ng waitress yung listahan ng mga pinamili niya at bayad sa paluto. Inihaw na pusit P170.00, inihaw na pla-pla P100.00, inihaw na tuna belly P170.00, kinilaw na tanigue P230.00 may charge pa rin sa pagkilaw, kala ko ba ang may bayad lang ay yung paluto, diba ang kilawin ay hindi naman niluluto? at sashimi, may charge din? ano ba yan. Matapos ang mahaba habang inuman at paalaman para sa kasamahan naming paalis na, aktuwali hindi naman siya mag aabroad kundi lilipat lang sa kabilang kuwarto, palusot na lang namin yung despidida para maka inom kami lahat. Kinuha ko na ang cheat namin at siempre pa chip in chip in ang mga bida, pero may dalawang patay malisya lang at nakatingin kunyari dun sa fireworks display ng mall of asia na tanaw namin sa puwesto namin at parang wala lang nangyayari sa paligid nila. Nirebesa ko ang chit namin at lahat naman ay tama ang nakalagay na presyo at naorder namin maliban lang dun sa apatnaput siyam na beer, nang kuwentahin ko ay lumabas na kuwarenta pesos din ipinasa nung waitress ang presyo nang beer nila na dapat sana ay trenta'y singko lang ang presyo, kaya parang nanakawan kami ng mahigit dalawang daang piso, pera pa dito yung singkuwenta pesos nilang service charge at otsenta pesos na sukling ibinigay ko na ring tip sa kanya. Moral lesson, kahit gaano karami ang ininom ninyo at kapag bayaran na, silipin at rebisahing mabuti ang naging chit ninyo at huwag mahiyang maglabas ng calculator para makita kung tama ang babayaran mong presyo dahil marami talagang mga mangdarambong na pinoy at mahilig manood ng fireworks display kapag chip in chip in na. BUSETTT HINDOROPOT
Monday, November 06, 2006
this is not america
Napag-usapan na naman sa isang a.m. radio yung ginawang survey sa mga pinoy na kung saan ang lahat ng mga pinoy na natanong ay gusto nang manirahan at mamasukan sa ibang bansa. Ang dahilan: KAHIRAPAN AT KAWALAN NG PAG-ASA, nabanggit din nung isang anchor yung pinawalang salita ng mga lider ng gobyerno na sa darating daw na dalawampung taon ay gaganda na ang buhay na mga pinoy. Endayyy akina nga yung micardis ko...punye...oh i'm sorry, i'm sorry masaydo lang akong nadala ng emosyon ko ng marinig ko ang mga pangakong iyan. Ilan taon ko na bang naririnig yan sa mga lider natin na maghintay lang kayo at mga dalawampung taon lang ay aayos na ulit ang buhay natin. Kaya pala kapag tinanong mo ang mga pinoy ngayon kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya, ang mabilis na tugon ay mag aabroad ako brod. Pero teka bago kayo magsialis ng pinas ay himayin muna natin ang pagkakaiba ng bansa nila sa atin.
1. Sa pinas ay puede kang makiusap sa pulis kapag ikaw ay nahuli, samantalang sa ibang bansa ay kalaboso ka.
2. Puede ka ritong magmaneho kahit wala kang lisensya at langong lango ka sa alak, samantalang sa ibang bansa ay hindi puede ito, kita nyo nangyari kay Paris Hilton at Mel Gibson.
3. Kapag nakasakay ka sa bus na Greyhound at natrapik sa gitna ng Las Vegas at naisipan mong magyosi , wala kang mabibilhan dun ng tengi sa mga kumakalatok na yosi boys, samantalang sa pinas hindi lang yosi ang mabibili mo kapag natrapik ka sa edsa, may mabibili ka pang siopao, mainit na mami, sizzling sisig, fishball, juicy fruit, zesto, mani, puede kang magpamasahe hanggat nasa trapik ka at may mga nag aalok pa ng blowjob hanggat hindi pa umaandar ang sinasakyan mong bus. Yes, I repeat blowjob.
4. Kapag pumunta ka sa isang squatter area sa pinas at bago ka sa paningin nila, lalapitan ka agad ng mga tao at tatanungin kung sino ang hinahanap mo, sasasamahan kang pumunta dun sa bahay ng tao at kung binebuwenas ka, malamang matagayan ka pa ng mga istambay na nag-iinuman sa kanto, pero subukin mong dumaan sa iskidrow sa tate, tignan ko lang kung makalabas ka pa ng buhay dun.
5. Kung mayroon kang namatay na kamag-anak dito sa pinas, halos tatlong araw ay parang fiesta sa inyo ay katakut takut na alak at sugal ang makikita mo, sa tate kapag dumating ang alas dose ng gabi, palalabasin na kayong lahat na naglalamay at bukas na uli kayo babalik.
6. Subukin mong dalawin ang mga kaibigan mo sa L.A. ng alas dose ng tanghali, malamang mamatay ka sa gutom at hindi ka nila aayaing kumain, pero dito sa pinas kahit madaling araw ka na dumalaw sa mga kaibigan mo, ipagluluto ka pa rin ng pagkain at malamang dun ka na rin patulugin sa bahay nila.
7. Dito sa pinas kapag ang pasok mo sa opisina ay alas otso ng umaga, ang ibig sabihin nun ay alas diyes medya, pero sa ibang bansa kapag sinabi sa iyong you must be here at eight in the morning sharp, kapag dumating ka doon ng nine at nag good morning ka sa amo mo ang malutong na isasagot sa iyo nito ay YOU'RE FIRED MONKEY!
Ngayon ang tanong ko sa iyo, kaya mo pa bang maghintay ng dalawampung taon....endayyy nasan na yung kausap ko ba't nawala....Koya wala na kanena pa pomontang irport.
popsicle toes
Mahilig ba kayo sa indie movie? mayroon kasing isang indie film na nakalusot sa panlasa ng mga manonood. Ang pamagat nito ay "Borat: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan" na gawa ni Sacha Baron Cohen, isang british comic na "rapper spoofer". Isa itong fake documentary kung saan ipinakita niya ang kainosentehan ng mga tao sa Kazakhstan at nagpapanggap din siyang pekeng reporter ng Kazakh. Kung baga sa atin ang tawag diyan ay doku ng promdi. Komedi ang tema nito at marami nang magagandang review ang nasulat dito. Ang iniisip ko lang ay baka hindi maipalabas ito sa pinas, kasi medyo mahigpit ang mga board of censors natin. Siguro naman natatandaan nyo pa yung ginawang pelikula ni Steven Spielberg na Schindler's List, isang holocaust film at tungkol sa buhay ni Oscar Schindler na nagtayo ng isang factory sa Poland at kumuha ng mga trabahador na Jews para mailigtas sila sa tiyak na kamatayan. Diba may isang eksena doon na gustong putulin ng matatalim na gunting ng censors, ito yung isang scene sa Auschwitz na pinapunta ang lahat ng Jews sa isang incinerator para sila tustahin ng mga nazi. Ang kaso lahat ay pinaghubad ng damit, lalaki, babae, bata, matanda. Alam nyo ba ang dahilan ng ating cencors noon kung bakit gustong putulin ang eksenang ito? hindi dahil masyadong karumal dumal ang pagpatay sa kanila kungdi dahil bold daw ang scene. Anak ng putz, porke bat nakahubad sa isang pelikula ang mga artista ay bold na itong matatawag kahit sabihin pang ito ay parte na pelikula para ipakita ang lupit na inabot ng mga Jews sa rehimen ni Putol Bigote (si hitler gago)...enday hindi si hitler ang tinutukoy kong gago kundi yung mga hindi nasakyan kung sino si Putol Bigote...anyway paano ba masasabing bold ang isang pelikula? kapag nga ba may nakahubad, eh paano ang pelikulang Tarzan, bold din ba ito dahil laging nakahubad si Jane...I mean si Tarzan?. So balik tayo sa pelikula ni Cohen, papayagan kaya itong ipalabas sa pinas, ano naman kaya ang magiging pamagat nito pagdating sa mga sinehan ng pinas kung payagang ipalabas? Malamang ang pamagat nito ay "Titi: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan" at least hindi bastos kesa sa Borat.
Saturday, November 04, 2006
It's beginning to look a lot like Christmas
Ang lapit na, masyado nang malapit. Ramdam mo na ang lamig ng panahon, may hamon at keso de bola na sa malalaking groserya. Maiingat nang magpatakbo ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan. Mabilis nang ngumiti ang mga taong nakakasalubong mo at madalas na namang tumigas ang itits ko. Iisa lang ang ibig sabihin niyan, hindi na mapipigil ang pagdating ng krismas. Ang bilis na talaga ng paglipas ng panahon, halos naaalala ko pa yung nakaraang apat na taon na paskong dumaan sa akin. Kasama ko si coyote, taruc, bulldog, sny, chikong, jun d. at nag-inuman kami noong krismas 2002 sa paborito naming puesto kina coyote. Tapos pasko 2003, halos inabot kami ng umaga nila taruc, bulldog, sny, chikong, jun d at coyote sa kaiinom kina coyote. 2004 naman ay halos manawa kami sa dami ng hamon, keso de bola at ice cold beer kasama sila bulldog, sny, chikong, jun d, coyote at taruc. Nung 2005 naman ay sa labas ng bahay nila coyote kami nag-inuman kasama si sny, chikong, jun d., taruc at bulldog. Kaya this coming masmas season, siguro babaguhin namin ang happening at venue, baka sa bubungan kami tumoma nila coyote, taruc, bulldog, sny, chikong, jun d at yours truly.
cause i ain't gonna live anymore believing some of the lies while all of the signs are deceiving
May pagkakaiba ba ang salitang hypocrites sa liar? Lagi ko kasing napupuna na parang magkapatid itong dalawa. May tinatawag tayo na honest hypocrites at may mga tao naman na consistent liar. Marami kasi ngayon sa mundo yung sa kagustuhang mapalapit ka sa kanila ay gagawa ng kataradaduhan makuha lamang ang simpatiya mo. Katulad na lang ng mga politiko na ipapangako sa iyo bago mag-eleksyon ang libreng pabahay, pagkain sa mesa, trabaho at libreng gamot at paospital makuha lang ang boto mo. Paano nga ba nagiging totoo ang isang kasinungalingan, kapag ba lagi na itong naikukuwento? at bakit may mga taong gumagawa ng white lies para lang mapalampas niya ang isang nakaraan na hindi katanggap tanggap sa sangkatauhan. Sabi nga ng iba, nagiging tama lang ang mali kapag ikaw na mismo ang gumagawa nito, dahil bibigyan mo ito ng bagong kahulugan para maitama ang mali na iyong ginawa. At kapag ganyan na ang iyong nagiging pananaw sa buhay, puede ka nang sumama bukas sa parada ng mga hipokrito.
Grab that cash with both hands and make a stash
May nagtanong sa akin kung bakit daw ba ang mayayaman ay matagal tumanda. Hindi agad ako nakasagot kasi wala akong konkretong batayan kung may kaugnayan nga ang mayaman sa matagal na pagtanda ng tao. Kaya inisa isa ko ang mga puedeng maging dahilan para maiwasan ng tao ang pagtanda at hinati ko ito sa anim na kategorya. Una kung ikaw ay mayaman o mas nakaka-angat kaysa sa karamihan, malamang na kakaunti lang ang problema mo hindi katulad ng mga patukaing bibe o yung karaniwang tao. Dahil na rin siguro ang mga may kaya ay madaling masolusyunan ang kanilang mga problema sa buhay lalo't materyal na bagay lang ito. Pangalawa- mas masasarap at masusustansiya ang kinakain ng mga buena pamilya samantalang tayong mga yagit ay puro balot ng bakterya sa kalsada ang tsibog natin. Pangatlo- magaganda at mababango ang nakakasama nila at sa magagandang lugar sila madalas magkita kita. Ikaapat- mayroon silang regular na check-up sa mga doktor para masabi kung anong kasukasuan nila ang puedeng gamutin, samantalang ang mga ordinaryong pipol ay aspilet lang ang panglaban sa lahat ng klaseng sakit na dumapo sa kanya. Panglima- bihira silang maarawan dahil lagi silang nasa loob ng sasakyan at pagkatapos naman ay diretso na sila sa mga airconditioned nilang opisina at ang pang anim ay hindi sila masyadong mahilig sa basag ulo, kasi nga sayang ang yaman nila kung maaayspik lang sila sa tagiliran ng karaniwang tao. May kasabihan nga tayo na ang tanging magpapasaya sa buhay ng tao ay yung gaano kadami ang pera mo. Pero ang sabi naman ng isang kilalang music producer na si David Geffen, ang nagsasabi at nag-iisip lang daw na liligaya ka kapag marami ka nang pera ay yung mga taong hindi pa nakakahawak ng ganoon karaming pera.
Tuesday, October 31, 2006
spooky
Ngayon ay all hallows' eve, kaya lahat naman ng mga pipol ay patungo sa sementeryo para linisin ang isang taon nilang pinabayaang libingan ng kanilang mga mahal sa buhay. Mapupuna mo na karamihan sa mga pumupunta sa sementeryo sa araw na ito ay puno ng mga parapernalya para iraos ang araw ng mga patay. May mga dalagita na naka ipod jan at halos kita na ang guhit ng puwit sa likod kapag yumoko para magturok ng kandila. Yung mga kalalakihan naman ay may dalang gitara, mga alak ng kung saan saan itinatago para hindi masita ng mga bantay at pulis na gusto ring lalaklakin yung mga alak na nakumpiska nila. Ang sabi nga ng iba, ang mga pinoy kahit anong okasyon laging may nakakabit na bisyo. Hindi lilipas ang ano mang okasyon na walang inuman, shabuhan, tsongkian (is that a chinese word?), sugalan at yung iba rambulan. Isipin mo, imbes na magdasal ang mga pinoy sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, ang inatupag ay magbaraha, lumaklak ng alak, magpatugtog ng pagkalakas-lakas, magtext o kunan ng video ang mga seksing chiching na gusto namang pumorma sa pantiyon. Sabi nila bawal daw magpasok ng alak, baraha, matatalim na bagay, gitara, stereo, cassette, phono, kalan de koryente, bilyaran, karaoke, magic sing, hiwaga komiks, slot machine, video karera, poel (?), rolling machine at kung ano ano pang makaka istorbo sa paggunita sa araw ng patay. Pero lahat iyan ay makikita mo sa loob ng sementeryo kapag araw ng undas. Kasi ba naman nagtataka ako sa mga nagpapasunod ng sistema dito sa atin, gagawin mong taunang tradisyon ang katulad ng undas pero lahat naman ng ikasisiya ng mga tao para hindi sila maiinip sa pag istambay nila sa sementeryo ay ibabawal nila, ano kayo mga asshole? At sa palagay nyo naman susunod ang mga pinoy sa mga pinagbabawal ninyo, asshole. May tropa nga kami na kapag bisperas ng undas, kumbidado kami lahat ng tropas sa libingan ng mga kamag-anak nila at alam nyo ba ang baon namin, alak, yelo, pambukas ng alak at de lata, adobong sawa, ihawing bangus, tapang yokaba, cassette at sangkaterbang tape, pulbos at pomada para pangporma, hot towel, hot oil at condom. Kandila? bakit kami magdadala ng kandila sa sementeryo, saan namin gagamitin yun eh may dala na naman kaming uling at poel pang-ihaw ng bangus.
Sunday, October 29, 2006
the weather is cool, the folks are fine
All shots were taken on saturday night during the much awaited but delayed birthday celebration of Jun S. (Taruc to friends). As you can see there were no clear shots, and it showed the situation on what it really was on that saturday night. Pictures dont lie and you cannot hide if your intoxicated. But why is it that Taruc's birthday always tops the list?. Because we all know that after that date (October 26) Christmas is not far away and that means more get togethers and lots of ice cold beer. We always have time to see each other and talk about life, our past miseries, whats in store for our future and the "in-betweens" and I can tell that we have already matured maybe just a little bit but deep inside all of us there's always that childish bonding. The unwritten code of friendship. As to the pictures, you can see that the player's faces are all the same except for the venue. This time and because of Taruc's 'nth birthday celebration, we opted to celebrate it infront of his mama's house and not in our favorite hang-out, coyote's place.
Saturday, October 28, 2006
pretty maids all in a row
May libro akong nabasa noong araw na may pinamagatang " Goddesses of the Lust Triangle" na sinulat ni Arnel F. De Guzman, isang sociologist, UP Professor at Director ng Friends of Filipino Migrant Workers, Inc., isang non-government organization na mas kilala sa pangalang KAIBIGAN. Patungkol ito sa mga kababaihan na nagtratrabaho bilang "hospitality girls" o kung tawagin ngayon ay GRO at ang iba naman ay yung tinatawag na erotic dancers. Bigla kong naalala ang librong ito nang ako ay makumbida kasama ang dalawa ko pang "opusmeyt" sa isang club sa qc. Nakakaaliw panoorin ang mga babae habang sumasayaw sila ng walang saplot, bagay na hindi ko kinakaila bilang isang lalake. Isa sa mga host namin ng gabing iyon ang nagbanggit na ang edad ng mga sumasayaw na babae ay mula disiotso hanggang bente anyos. Nakuha pa nga niyang magbiro at sinabing kapag daw bente uno na ang mga babae ito raw ay "retirado" na. Habang minamasdan ko ang mga babae sa entablado, hindi mawala sa isip ko ang panghihinayang. Gusto ko sanang alamin kung bakit sa ganoong edad ay ito ang napili nilang pasuking trabaho. Dahil ba sa malakas ang kita dito o dahil na rin sa kawalan ng makukuhang maayos na trabaho. Tinignan ko ang paligid at pasimpleng sinulyapan ang ibang mga customer at mapupuna mo na halos karamihan sa mga nanonood ay kalahati ang tanda kesa sa mga babae sa itaas ng entablado. Ako rin ay isinama ng isa naming host sa tinatawag nilang "aquarium" kung saan ilan pa ring naggagandahang babae ang nakaupo sa sofa. Ipinaliwanag sa akin na puede raw isama ang mga ito sa isang VIP room kung saan ay may charge na limang daang piso kada oras ang mga babae. Pahabol pa niya, puede mo na raw gawin ang gusto mong gawin sa VIP room, kung ano man ang ibig niyang sabihin dun ay hindi ko na inalam.
Thursday, October 26, 2006
the kids are alright
Ilang araw na lang ay halloween na at siguradong lahat ng paligid niyan ay balot ng istoryang katatakutan. Pero bago tayo mapunta sa mga nakatitindig balahibong istoryahan, may ikukuwento muna ako sa inyo tungkol sa isang bata. Aktuwali nagsimula ang kuwentong ito nung taong 1966, medyo makulit ang batang ito at minsan nga ay bigla itong nawala sa isang piyestahan. Lahat tuloy ng bisita dun sa piyestahan ay nakisali sa paghahanap. Pero hindi naman pala siya talagang nawala kundi sumama lang sa musiko na nagbibigay ng aliw sa mga namimiyesta. Dumating naman ang panahon na dapat na siyang mag-aral. Ang ginawa naman ng batang ito ay madalas magtago sa silong ng bahay nila para hindi siya makita dahil na rin sa ayaw niyang pumasok sa iskuwela. Sabi nga ng matatanda sa lugar nila, lahat daw ay gagawin nito huwag lang pumasok sa iskuwela. Tapos madalas yang makitang naglalaro sa gilid ng bahay nila, kung saang pinaniniwalaang may nuno sa punso doon. Kapag tinatanong siya ay sinasabi niyang may mga kalaro siya dun na di nakikita ng ibang tao. Tinagurian din siyang anito king, hindi dahil madalas siya sa anito, kundi dahil kaya niyang maglaro ng puro lumang ballpen lang ang hawak at iniisip niyang mga basketball players ito. Nang magbinata na siya ay dun na niya nadiskubre ang musika. Nahilig siyang makinig ng kung ano anong klase ng musika-rock, jazz, blues, punk. Nahilig pa nga ito sa mga damit na itim at may pins ng mga sex pistols, ramones. Nung panahon niyan ay kasabay na rin ng pagkahilig niya sa alak at sa iba pang nagpapaligaya sa isip at katawan ng mga tao. Ito yung tinatawag ng "experimental years" kung saan dumarating sa tao yung gusto mong masubok lahat, tama man o mali. Sa panahong iyan ay dumami rin ang mga kabarkada niya na may kaparehong pakay sa buhay na katulad niya. Pero sabi nga dumarating sa buhay ng isang tao yung magiging mahinahon ka na rin. Isa rin siya sa unang sumayaw sa ganoong tugtog. Sa kilos lang siya naging mahinahon pero yung hilig niyang tugtog ay nanduon pa rin. Hanggang sa ngayon ay nakikita ko pa rin ang batang ito matapos ang apatnapung taon. Katunayan nga sa sabado ay may nakahanda siyang kaunting pagsasalo para magpasalamat sa ibinigay na buhay sa kanya mapabuti man o mapasama. Happy birthday Tol.
Tuesday, October 24, 2006
Hey hey hey, that's what I say.
Ngayon ay Eid’l Fitr (Feast of Charity) o yung katapusan ng fasting ng mga muslim at bilang respeto sa mga kapatid nating muslim ay idineklara na walang pasok ngayon. Nagkaroon tuloy ako ng oras para muling silipin ang mga nakolekta kong vinyl records. Sa paghahalukay ko sa mga kober ng plaka ay hindi ko maiwasang hawakan ang album ng Rolling Stone's, ito yung kulay puti ang kober at mga mukha nila ang nakalagay. Double album ito at naglalaman ng mga magaganda nilang kanta. Bigla tuloy pumasok sa alaala ko ang isang matalik na kaibigan nung panahong nasa kolehiyo pa ako, si Joey Morales. Sa kauna unahang pagkakataon kasi nang maisama ko siya sa bahay ay ang Rolling Stone's album agad ang kanyang napansin. Dito na kami nagsimulang magkaroon ng malawak na unawaan patungkol din lang sa musika ang pag-uusapan at isa lamang siya sa mga barkada ko na umiindak sa tugtog ng stones. Halos araw araw ay magkasama kami nito, sa pagpasok sa eskwela dahil malapit lang ang inuuwian niya sa akin, sa pagsabit sa jeep, sa pagtakbo sa siguradong rumble, sa pagtakas sa bayarin sa ininom at pinulutan namin sa gilid ng post office ng manila at sa pag-iwan ng relo ng isa pa naming kaibigan na si Fred nang hindi namin mabayaran ang "chit" namin sa Shakey's monumento. Pagkatapos ng kolehiyo ay naputol ang komyunikasyon namin at nabalitaan kong napadpad na lang siya sa Hongkong upang maging isang OFW at kung minsan ay biyakero ng mga nalulungkot na babae. Kaya't habang tinitignan ko ang lumang plaka ay di ko maialis sa sarili ko ang mapangiti dahil sigurado akong sa gilid ng hongkong ay may umiindak na biyakero at nag-iisip kung paano niya matatakasan ang "chit" niya sa restoran.
Monday, October 23, 2006
dave? dave's not here
Paano mo ba maipapakita ang pagmamahal mo sa isang kaibigan? Isang simpleng tanong pero magusot ang kasagutan. Maraming paraan, puede mo siyang samahan kung may gusto siyang gulpihin, hatian para sa titirahin niyang gamot, magbulag bulagan sa ginagawa niyang katarantaduhan, aminin sa kanyang asawa na girlfriend mo ang kabit niya, sabihing kasama mo siya kagabi kahit hindi naman, marami masyadong maraming dahilan. Pero lahat iyan ay mali kung pagkaka-ibigan rin lang ang pag-uusapan. Dahil ang tunay na kaibigan ay hindi kumukunsinte sa maling ginagawa niya. Napatunayan ko ang ganda ng samahan ng barkada namin nung magdiwang ng kaarawan ang isa naming kaibigan. Dito ko nakita na kahit pala marami na kayong nadaanang kasiyahan at kalungkutan at puede pa ring mamayani ang pagsasamahan. Pinatawagan ko lahat ang tropas upang bigyan ng isang sopresang handa ang may okasyon. Mismong ang tropa namin na may kaarawan ay nabigla sa hindi inaasahang pagdating namin sa kaniyang tahanan. Upang hindi naman siya maperwisyo ay inobliga ko ang lahat ng darating na magbigay ng isang daang piso para na rin tulong sa may kaarawan kung ano man ang magiging gastos niya. Siempre pa, hindi naman matatapos ang gabi sa isang daang pisong kontribusyon dahil habang dumadami ang naiinom at napupulutan ay kasabay na lumuluwang ang mga bulsa at pitaka ng nagsidalo. Ang lakas makalimot ng problema, lalo na't kasama mo ang lahat ng tinuturing mong kaibigan, kaya naiisip ko na dapat sigurong ipagpatuloy ang ganitong sistema tuwing may kaarawan sa mga tropa. Maaring mahirap ngayon ang panahon, pero ang sabi nga nila, basta magkakaharap tayo ay mairaraos lahat iyan may pera man o wala. Sa parteng iyan ay saludo ako.
mang-aawit ng ating panahon
Alay kay Fred Garcia...
Naging espesyal ang nakaraang sabado ng gabi para sa akin, dahil nagkaroon ako ng pagkakataong muling mapanood ang isa sa mga respetadong musikero ng ating panahon, wala iba kundi si Ginoong Heber Bartolome, titser, pintor, makata, kompositor at higit sa lahat mang-aawit ng ating panahon. Siya ang tampok ng mang-aawit sa My Brother Mustache (MBM) nung gabi ng sabado. Matagal tagal na rin naman mula ng mapanood ko si Heber na tumugtog ng "live". Ang pinakahuli ay yung isang konsyerto na ginanap sa isang parking lot sa Ayala na inorgisa ni RJ kung saan kasama niya ang kanyang dalawang kapatid na sina Levi at Jesse Bartolome at iba pang mga pinoy rockers na katulad ni Sampaguita, Anak Bayan (buhay pa noon si Edmund Fortuno) at marami pang iba. Maaring siya mismo ay hindi na rin niya matandaan ang konsyertong ito dahil na nga sa katagalan, pero para sa akin ay sariwa pa rin sa alaala ko ang konsyertong iyon pati ang dilaw na polong suot niya at natatandaan ko pa rin. Kaya naging espesyal sa akin nang malaman kong tutugtog siya sa MBM. Agad kong inaya ang aking kapatid at tumungo kami sa naturang lugar. Pagdating namin doon ay inabutan namin ang regular na mang-aawit ng MBM na si Albert De Pano. Pagkatapos ng ilang kanta ay nakita na naming dumating si Heber at isa isa niyang inispatan ang mga parokyano ng MBM. Lumapit siya sa mga tao upang pasalamatan ang mga nagsidalo at sinabing magsisimula na siya makalipas ang sampung minutong tonohan. Habang tinotono ang gitara ay pinakilala muna niya ang ibang mga bisita na dumating. Isa na rito si Professor Edru Abraham at Rogelio Mangahas. Matapos ang maikling pasakalye ay inawit na niya ang Tayo'y mga Pinoy at Almusal. Tinanong ang mga tao kung may gustong ipakanta sa kanya. Agad kong binanggit ang kantang Awit sa Kasal at kanya naman agad kinanta ito kasunod ng Awit ng Ating Panahon, Katotohanan Lamang, Kung Walang Pag-ibig. Ang sumunod na inawit niya ay ang Soldyer, Awit Ko at isang bagong komposisyon na pinamagatang Abe Aginaldo, isang kanta patungkol sa sama ng epekto ng shabu at ugmang ugma sa panahong ito. Muli kaming humiling ng isang pang kanta na may pamagat na Sonata at Leri, isang awit na inalay niya para kay Valerio Fuente-pinaslang na UP Librarian. Halos tumayo lahat ang balahibo ko nang awitin ang Huling Awit para kay Pepe. Pagkatapos nito ay nagpahinga muna siya at ipinakilala ang isang titser/gitarista/mang-aawit mula sa bacoor na si Joel. Nagpaunlak ng tatlong kanta si Joel, ang orihinal na komposisyon niyang may pamagat na Pumapatak ang Ulan, Siyam-Siyam- isang politikal na awit patungkol sa pagkayamot niya sa sistema ng gobyerno at ang nakakaaliw na Langgam. Ang sumunod na umawit ay ipinakilala sa pangalang Bong Baybay, isang Fiscal at binigyan niya ng panibagong buhay ang awit ni Heber na Karaniwang Tao, isang makatayong balahibong rendisyon. Nang muling sumampa si Heber sa entablado ay ibinigay na niya ang lahat ng hinihiling ng mga tao katulad ng Buhay Pinoy, Inutil na Gising, Nena, Paaaralan at ang pinakahuli ay ang Pasahero. Hindi ko maiwasang himayin ang mga panitik na naglalaman sa bawat kanta niya at dito ko nakita na halos tatlong dekada na pala ang nakaraan mula ng gawin niya ang mga awit na ito ngunit kung iyong papakinggan ay parang kahapon lamang nangyari. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkahabag sa ating bansa at sa pilipino dahil halos tatlong dekada na ang nakakalipas ay wala pa ring pinagbago ang pilipinas-mahirap pa rin tayo.
...Si Fred Garcia ay isang matalik na kaibigan, minsan musikero, panatiko ng Banyuhay at karaniwang tao. Siya ay kasalukuyang nagtratrabaho sa Italy kasama ang kanyang pamilya. Tapos ng kolehiyo ngunit napilitang mangibang bansa upang doon makakuha ng trabaho dahil na rin sa kawalan ng makukuhang trabaho dito sa Pilipinas.
Pagkat ako'y karaniwang tao
May simpleng trabaho
Katamtamang suweldo
Walang bahay at lupa o kotseng magara
Na meron sila ako'y wala
Ang tanong ko'y -Ba't nagkaganito?
Sobrang trabaho, di sapat ang suweldo
Walang bahay at lupa sa sariling bansa
Ba't meron ang dayuhan ako'y wala?
Karaniwang Tao by Heber Bartolome
Saturday, October 21, 2006
the art of sisig
ingredients:
1 1/2 kilo liempo, sinuso or pork head
1 head garlic (dikdikin hanggang sa magkaleche leche)
2 big onions (minced)
1 small luya (optional)
otsenta pesos na siling labuyo
pamintang high (durog)
small amount of vinegar
salt
kalamansi
pigs brain (ibaksak sa pinagpakuluan ng baboy)
procedure:
-pakuluan ang liempo, sinuso or pork head para lumambot
-kapag malambot na, ihawin o lutuin sa turbo (para tustado at mukhang chicharon)
-kapag luto na, hiwain ng maliliit at ilagay sa isang bowl
-isama ang pinahirapang bawang, sibuyas, dalawang pisong siling labuyo
kaunting pamintang high.
-pigaan ng kalamansi at lagyan ng sili
-magbukas ng malaming na beer
-inumin ng kaunti ang malamig na beer at tikman kung ayos na ang lasa ng sisig
-kung kulang sa sibuyas ay dagdagan pa
-inumin ng kaunti ang malamig na beer at tikman kung tama na ang dinagdag na sibuyas
-lagyan pa ng kaunting sili o paminta para medyo may kagat yung anghang
-inumin ang malamig na beer at tikman kung ayos na ang anghang
-dagdagan ng kaunting asin para mabalanse ang lasa ng kalamansi
-magbukas uli ng isa pang malamig na beer
-inumin ng kaunti ang malamig na beer at tikman ang sisig kung nag abot na ang alat at asim
-pigaan pa ng kaunting kalamansi
-inumin ang malamig na beer at tikman ang sisig kung kumagat na ang asim
-haluing mabuti ang sisig para hindi puro sibuyas ang nakikita sa ibabaw
-magbukas uli ng malamig na beer at inumin ang kalahati
-tikman ang sisig kung naghalo na ang sibuyas at hiniwang baboy
-inumin ang beer at tikman ang sisig para masigurong naghalo na ang sibuyas at baboy
-hinaan ang kalan para maiinin ng maayos ang kanin
-magbukas uli ng malamig na beer at inumin habang wala pa ang mga tropas
-tikman ang sisig at siguraduhing papasa sa mga darating na tropas
-ubusin na yung beer at parating na ang mga tropas
-ihanda na ang sizzling plate1 1/2 kilo liempo, sinuso or pork head
1 head garlic (dikdikin hanggang sa magkaleche leche)
2 big onions (minced)
1 small luya (optional)
otsenta pesos na siling labuyo
pamintang high (durog)
small amount of vinegar
salt
kalamansi
pigs brain (ibaksak sa pinagpakuluan ng baboy)
procedure:
-pakuluan ang liempo, sinuso or pork head para lumambot
-kapag malambot na, ihawin o lutuin sa turbo (para tustado at mukhang chicharon)
-kapag luto na, hiwain ng maliliit at ilagay sa isang bowl
-isama ang pinahirapang bawang, sibuyas, dalawang pisong siling labuyo
kaunting pamintang high.
-pigaan ng kalamansi at lagyan ng sili
-magbukas ng malaming na beer
-inumin ng kaunti ang malamig na beer at tikman kung ayos na ang lasa ng sisig
-kung kulang sa sibuyas ay dagdagan pa
-inumin ng kaunti ang malamig na beer at tikman kung tama na ang dinagdag na sibuyas
-lagyan pa ng kaunting sili o paminta para medyo may kagat yung anghang
-inumin ang malamig na beer at tikman kung ayos na ang anghang
-dagdagan ng kaunting asin para mabalanse ang lasa ng kalamansi
-magbukas uli ng isa pang malamig na beer
-inumin ng kaunti ang malamig na beer at tikman ang sisig kung nag abot na ang alat at asim
-pigaan pa ng kaunting kalamansi
-inumin ang malamig na beer at tikman ang sisig kung kumagat na ang asim
-haluing mabuti ang sisig para hindi puro sibuyas ang nakikita sa ibabaw
-magbukas uli ng malamig na beer at inumin ang kalahati
-tikman ang sisig kung naghalo na ang sibuyas at hiniwang baboy
-inumin ang beer at tikman ang sisig para masigurong naghalo na ang sibuyas at baboy
-hinaan ang kalan para maiinin ng maayos ang kanin
-magbukas uli ng malamig na beer at inumin habang wala pa ang mga tropas
-tikman ang sisig at siguraduhing papasa sa mga darating na tropas
-ubusin na yung beer at parating na ang mga tropas
Mukha yatang nalimutan natin kung ano ang gagawin sa pork brain.
-ilaglag ang miswa sa pinagpakuluan ng baboy at isama ang pork brain
-patayin na ang apoy ng kanin
-itabi na rin ang sizzling plate
-pagdating ng mga tropas ay iahin ang kanin at bigyan sila ng miswa dahil ubos na ang sisig at wala na rin serbesa. Tapos mga tol bahala na kayong magligpit ng kinainan nyo at matutulog lang ako sandali dahil pagod ako sa kakagawa ng sisig. goodnight
-ilaglag ang miswa sa pinagpakuluan ng baboy at isama ang pork brain
-patayin na ang apoy ng kanin
-itabi na rin ang sizzling plate
-pagdating ng mga tropas ay iahin ang kanin at bigyan sila ng miswa dahil ubos na ang sisig at wala na rin serbesa. Tapos mga tol bahala na kayong magligpit ng kinainan nyo at matutulog lang ako sandali dahil pagod ako sa kakagawa ng sisig. goodnight
Subscribe to:
Posts (Atom)